Anthonette Sierra Point of View

Nasa mall rin kami ng aking babyboy, magkaholding hands, at naglalakad lang rito sa loob ng mall. Dahil, wala naman kaming magawa o mabili na iba.

“Babyboy, napagod na ako sa kakalakad.” sabi ko, at umupo muna panandalian sa tables ng Jollibee.

“Pagod ka na agad? Saglit pa lang tayo naglalakad, ah.” sabi naman niya sakin.

“Anong saglit? Kanina pa kaya! Wala tayong ibang ginawa kundi maglakad.” sabi ko sakanya.

“Matagal na ba? Ay, pasensya naman. Sige, mag-oorder muna ako ng makakain nating dalawa.” sabi ni Roy at pumila na sa counter.

Teka, si Andrea ba 'yon? Si Daniel ba 'yong kasama niya? Aba. Nagdedate din pala yung dalawa. 'Di man lang nainform ang S.G.

“Andrea! Daniel!” tinawag ko silang dalawa, pareho din silang napalingon sakin. Kumaway ako at ngumiti.

Natulala naman si Andrea, at kinakabahan ang tingin niya kay Daniel. Eh? Anong meron? Lumapit naman sila sa'kin.

“Andrea, anong ginagawa mo rito?” tanong ko sakanila.

“May mga binibili lang na mga gamit. Ikaw, anong ginagawa mo rito? Tsaka, sinong kasama mo?” tanong rin niya.

“Hmm, nandon sa loob si Roy, nag-order ng makakain namin. Kanina pa kasi kami naglalakad rito sa mall, eh.” ngumiti ako, napansin ko yung supot na hawak ni Daniel, “Ano 'yan? Patingin naman!” sabi ko sakanila.

“Ahh, wag na. Damit lang naman yan.” sabi ni Andrea sakin. Tumango-tango lang ako.

“Nagugutom na rin ako, Andrea.” sabi ni Daniel. “Dito na lang kayo sa table namin, para isahan na lang.” sabi ko.

“Wag na, Anthonette. May bibilhin pa 'ko, eh.” pagkontra naman ni Andrea.

“Mamaya na natin bilhin 'yan. Tara na, kumain na muna tayo. Umupo ka na diyan at magoorder ako.” sabi ni Daniel.

Wala ng nagawa si Andrea, “Okay lang ba tayo?” tanong ko kay Andrea.

“Ha? Oo naman. Bakit?”

“Hindi ko maipinta ang expression mo sa'kin, eh.” sabi ko naman sakanya, at tumango lang siya.

Dumating na rin si Roy kasama si Daniel, ang bilis naman makabalik ni Daniel. “Bat nandito na si Daniel?” tanong ko.

“Ako na rin ang nag-order para sakanila. Tapos, binayaran na lang ako ni Niel.” pagsasagot naman ni Roy.

“Ahh, ang bait naman ata ng babyboy ko.” sabi ko, at tumawa na lang.

“Mabait naman talaga siya, ah. Matagal na.” sumingit si Andrea, nginitian ko lang siya.

Medyo naging awkward ang paligid.

“Best, kain ka na rin, oh. I ordered your favorite.” sabi ni Roy at binigay yung Jollibee Yum Burger ni Andrea.

“Salamat, best!” sagot naman ni Andrea.

Nakaramdam ako ng selos pero magbestfriend lang sila. Tsaka, nandyan si Daniel sa tabi niya. Dapat di ako magpapadala sa selos.

“Babygirl, ayos ka lang?” tanong ni Roy sakin, tumingin ako sakanya at tumango.

“Anthonette, para sayo 'to. Sundae na lang tapos subukan mong i-dip yong french fries. Sobrang sarap niyan.” sabi ni Daniel at tinanggap ko naman.

“Thanks, Niel!” sabi ko, at nginitian siya.

Ginawa ko naman yung sinabi ni Daniel, sinawsaw ko yung fries sa sundae. Tas, sobra akong natuwa dahil ang sarap. Sobrang sarap!

“Naks naman, Niel! Ang ayos neto, grabe! Pano mo nalaman to?” sabi ko, tas sinawsaw ulit at kinain yung fries.

One DreamBasahin ang storyang ito ng LIBRE!