CHAPTER 53

3.3M 89.2K 128K
                                    

NAIH'S POV

Kinabukasan.

Maaga pa rin akong nagising, tinignan ko agad si Max pagkagising ko. Ang totoo ay paputol putol ang tulog ko dahil ginigising ako maya't maya ng mga nurse dahil kailangan daw imonitor itong saltik nyyang pasyente.

"Gustong gumaling pero ayaw magpagising. Tsk tsk! Saltik talaga." mahinang bulong ko.

"Rinig kita ulul."

Napalingon ako sa kanya.

"Oh gising na pala ang bida." pang-iinis ko.

"Anong oras ba tayo uuwi?"

"Hindi ko alam pero tingin ko mamayang hapon."

"Anong oras na?"

"6:30am."

"Tss. Ang aga pa."

"Anong araw ngayon?" tanong ko.

"Sagutin mo."

"Sabado."

"Anong date?"

"Ano bang trip mo?"

"Sagotin mo na lang."

"June 18."

"Good. Ang sabi ng nurse mo ay tanungin daw kita pagkagising mo, para malaman kung nagkasaltik ka lalo."

"Tss."

"Oh, nagtext na sila Barb. Mamaya na daw silang hapon magbubukas, pupunta muna daw sila dito. Tinatanong kung anong gusto natin." hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tinext ko na kay Barb na gusto ko ng pagkain hehe.

"Naih."

"Oh?"

"Ayokong makarating sa lahat ito kaya kung pwede----"

"Alam ko."

"Nililinaw ko lang."

"Madaldal ako pero may limitasyon rin naman."

~Maxwell Calling. . . ~

"Hello?" sagot ko.

"Kumusta na si Max?"

"Eto gising na rin."

"Kumain na kayo?"

"Hindi pa pero may dadating kaming kaibigan, magdadala daw ng pagkain." sabi ko habang nakatingin pa kay Max na parang walang pakialam.

"Dadating ako bago kayo umalis, ako ang maghahatid sa inyo. Pinakuha ko na rin ang motor niya pero huwag mong sasabihin sa kanya, baka magalit yan. Kausapin ko siya."

"O sige sige. Oh kausapin ka daw." abot ko sa kanya ng cellphone.

"Oh? Ha? Tsk. Sige sige. Siguraduhin mo lang. Sige, bye. O sige." sabi niya pa at ibinaba ang cellphone. "Oh, salamat."

"Anong sabi?"

"Wala."

'Okay. Ayaw niyang ipaalam.'

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon