CHAPTER 4

32 6 0
                                    

A/N: Mag-uupdate po 'ko dito. Inuuna ko lang po muna kasi ngayon 'yong MLIABC. Hehe, happy reading.

:>



Naging tahimik ang biyahe namin ni Levi pauwi sa bahay namin. Pakiramdam ko ay napakabagal ng oras pero hindi naman ako naiinip. Ewan ko ba kung bakit, pero siguro kung iba kasama ko puro na 'ko reklamo dahil sa tagal.

Inihinto ni Levi ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin.

Akmang tatanggalin ko na ang seat belt ko ng magsalita siya. "Ako na." As usual, wala na naman siyang reaksyon.

Tinanggal muna ni Levi ang seat belt niya saka siya lumapit sa'kin para tanggaling 'yong akin.

Pakiningshit, sobrang lapit niya sa'kin. I can smell his manly scent, fuck! I'm going insane. Charr. Siguro ang sarap niyang yakapin, pang pawala ng pagod. Shit! Kung ganito lang din naman pala ang maghahatid sa'kin sa bahay, e bakit hindi ako papayag.

Pagkatapos tanggalin ni Levi 'yong seat belt ko, ay bigla kaming nagkatitigan. Shit! Hindi ako makatingin sa kaniya. Pero wait! Ang pula pala ng labi niya, tama lang 'yong kapal ng kilay niya tsaka bigote niya at ang kinis. Ang gwapo, sarap halikan. Hala, ang landi.

Umupo siya ng maayos saka humarap sa'kin. "Are you smelling me?" Biglang tanong ni Levi.

Hindi talaga ko makatingin. "Ahm, hindi ah. Bakit naman kita aamuyin?" Pagtanggi ko. Naamoy ko lang 'no!

He smirked. "Whatever."

"Ahm, saan ka pala galing. Bakit ganyan 'yang suot mo?" I asked awkwardly.

He looked at his outfit. "Tinamad lang mag-uniform." He chuckled.

I nodded. "Buti pinapayagan ka?"

"Yeah." He cleared his throat. "Can you give me your number." Walang emosyon nitong sabi.

Bakit niya naman kukunin ang number ko? Bakit ko naman ibibigay sa kaniya? Hala? Baka type niya ba ko? Magkakajowa na yata ako ulit.

Napalunok ako. "Bakit naman?"

Ngumiti si Levi at napailing-iling. "I mean, ibibigay ko sa'yo 'yong number ko." Ang gwapo niya habang nagsasalita.

Kumunot ang nuo ko. "Bakit mo naman ibibigay?" Nagtatakang tanong ko.

Balik na naman siya sa walang emosyong mukha. "Para in case na walang magsusundo sa'yo, maitetext mo ko?"

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

He nodded. "Yeah."

Agad naman na ibinigay sa'kin ni Levi 'yong number niya. Isipin mo, hindi ko pa hinihingi binigay niya na. Gusto ko 'yong mga ganitong lalaki.

"Ahm, Levi." Tawag ko sa kaniya.

Tumaas ang dalawang kilay nito. "Yeah?"

I cleared my throat. "Do you want to come inside?" Nag-aalangang tanong ko.

Umakto pa siyang nag-iisip. "Pwede ba?"

Tumango-tango naman ako. "Yeah."

Nang makapasok kami sa bahay ay agad akong sinalubong ni Kenly. Nakita niya si Levi pero hindi niya pinansin.

Yumakap kaagad siya sa'kin. "Hi, ate." Sabi niya ng makabitaw siya sa yakap namin.

Tumingin si Kenly kay Levi, pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. "Who are you?" Seryosong tanong ni Kenly. Ayan, pinansin niya na.

Can We Still Be Together? (on going)Where stories live. Discover now