CHAPTER 19 [Part 2]:Broken

65 4 0
                                    

LIAN'S POV:

*****Bar*****

Nandito ako ngayon sa isang bar.Nakaupo sa isang stool habang titig na titig sa basong hawak ko na may lamang matapang na alak.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nandito.At kung bakit napapdalas ako sa mga bars.

Well,the answer is simple.I just wanna do things na hindi ko nagawa nung highschool pa ako dahil sa higpit ng parents ko at dahil na rin sa isang catholic school ako nag-aaral.

Ngayon, binibigyang laya na ako ng parents ko para gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin.Wag lang daw ako masyadong maging pabaya sa pag-aaral ko at sa sarili ko.

Iniisip niyo siguro kung anong klaseng magulang sila at hinahayaan nila akong maging ganito.Well, hindi naman nila alam na ganito ang pinaggagagagawa ko eh.Wala kasi sila ngayon sa bahay eh.Nasa vacation sila.Sa probinsiya.Sa Farm namin kung saan naroon ang Lolo at Lola ko na parents ng mama ko.

They trust me.Alam nila na hindi ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ko.And besides,I know my limits.They know I'm disciplined.Why not?Sa isang catholic school ako nag-aral eh.They taught us how to do things in the right way,etcetera.

Morally Good.Lesser Evil. those things na pinagsawaan ko nung highschool ako. >3<

Kahit naman na nag-iisa nila akong anak hindi naman sila overprotective to the point na nasasakal na ako.Yes,they we're strict.They set limits.Pero they make sure na hindi nila ako masyadong 'sinasakal'.They're good parents and I'm so grateful to have them.

Anyway,back tayo sa topic kung bakit ako nandito sa bar at wala pa akong kasama kahit na nga ba alam kong I can't handle myself once na nakainom na ako since hindi nga ako sanay at mababa pa ang alcohol tolerance ko.

Since sabado ngayon at wala akong ginawa buong araw kundi magmukmok sa kwarto ko at matulog,naisipan ko na pumunta na lang sa bar para magpakalunod sa alak.Ramdam ko pa rin kasi ang sakit na dulot ng mga sinabi ni Zer eh.

Sana na lang kasi sinuntok niya ako eh kesa sinabi yung mga bagay na iyon.

Sabi nga nila,mas mabuti na ang pisikal na pananakit dahil mawawala din iyo pero once na salita na ang ginamit nila para saktan ka,hindi iyon madaling mawala.Unless,ma-amnesia ka at makalimutan mo yun.

Tama nga ang kasabihang iyon.At least pag sinuntok niya lang ako,sigurado nawala na ang sakit nun ngayon.Hindi katulad ng......

Ah! tama na nga.Parang ang OA ko na tuloy dito.Hay!

Naramdaman ko na may umupo sa kanan ko.I looked and..OMG!! O.O

*GULP*

Inward groan.

He's so effing Hot! grabe ang gwapo niya!

Kyaaaahhhh!!!! Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

Para akong natauhan nang magsalita siya.

"one Martini,please."

Grabe ang swabe ng boses niya parang kay Zer.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala si Zer.

Kanina nasasaktan ang drama ko.Ngayon naman nakakita lang ako ng gwapong nilalang--hindi lang gwapo kundi HOT at YUMMY! ^__^--- na nilalang para na akong tanga na nagdodrool sa kanya....Haist!

Hindi pa rin pala nawawala ang ugali kong iyon.Ha-ha!

Napatalungko ako sa bar counter.I know it's unlady like pero yun nga ang gusto kong gawin eh!Paki ba nila. -_-

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon