GITZ, BREAK! #16

Začít od začátku
                                    

"Siyorih na nga." Nakangusong sabat ni Stell sabay tawa ulit.

Inabot ako ni Josh at piningot ang ilong ko.

"'Eto naman, binibiro lang, eh! Nyapi bortdey!"

"Sa-la-mat." Nagbibilang na sagot ko.

"Kanina, when you blew the candle of your cake, anong wish mo?" Pag-iiba sa usapan ni Sejun.

Tumikhim ako nang malunok ko na ang alak na nasipsip ko.

"Marami--"

"Ang ganda!" Si Stell, nang-aasar.

"Wala pa nga!"

"Ay, wala pa ba?" Kunwaring inosenteng sagot n'ya.

Napangiti ako.

"Marami akong wish, nawalan lang talaga ako ng maiisip kanina kaya maikli. Haha!"

Nagsimula silang makinig at manahimik habang patuloy pa rin sa pagtungga ng in-can beer.

"Unang wish ko? Maging healthy ako at malakas sa araw-araw. Lalo na ngayon at binigyan ako ng trabaho. Kailangan ko ng lakas, hindi lang physically, kundi sa lahat."

"Pangalawa, ang pamilya ko at kayo..." Tumigil ako ng bahagya.

"Bakit kami?" singit ni Josh.

"Hindi lang basta kaibigan ang turing ko sa inyo, para na ring pamilya. Kayo lang nakakaintindi sa akin, sa amin," patungkol ko kay Sejun.

"Sa loob ng isang buwan, ang gaan-gaan na sa pakiramdam gumising sa umaga at malaya na rin akong nakakakilos. Parang 'yung kasiyahan ko, kayo na," dugtong ko pa.

"Yieee, sweet naman!" kantyaw ni Stell.

Hindi na naalis sa labi ko ang ngiti kanina pa. Malumanay pa kung ako'y magsalita. Wala pang lasing sa amin, lahat normal pa.

"Pangatlo...ang pagiging masaya ko sa lahat ng bagay. Na sana sa panibagong taon ko rito, maging consistent ako sa lahat ng bagay. Walang magbabago. Walang mawawala."

Sana...

Hindi ko na maisip ang isang araw na gigising akong hindi ko naririnig ang bangayan ng isa't isa. Sa isang buwan, walang naging boring sa isang araw. Inubos namin ang oras para kilalanin ang isa't isa. Kumportable na ako sa kanila, eh.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita... "Pangatlo--"

"Pang-apat," pagtatama nila.

Napangiwi ako. 'Yan kasi!

"Pang-apat? Wala na 'ata...kayo naman!"

Siniko ko si Sejun para s'ya ang magpasimula pero hindi s'ya nagsalita.

"Wait, wala ako maisip. Pass."

Dinungaw ko naman si Josh.

"Hmm, wish ko kay Jah? Siguro alagaan na lang n'ya sarili n'ya. 'Ke payat-payat, eh!"

Para mapatunayan hinablot n'ya ang braso ko at pinagsalikop at dalawang kamay dito. Halos wala pa sa kalahati ang nasakop ko. Natawa naman kaming lahat sa ginawa n'yang 'yun.

Sumunod si Stell.

"Nasa 'yo na ang lahat, men! Siguro happiness na lang at pagiging kuntento sa lahat ng bagay." Nangingiting sabi n'ya.

Kakalabitin ko na sana si Ken nang magsalita si Sejun.

"May naisip na ako!"

"Hmm?"

"Jowa! Wish ko kay Jah, jowa!" Malakas na sigaw niya at nagsimula na naman kaming magtawanan.

Kahit kailan talaga, John Paulo!

Subside Everything (SB19)Kde žijí příběhy. Začni objevovat