Bumaling naman sa akin ang pari.

"Do you, Ielle Amara Domingo, take Bryan Everson to be your husband, to cherish in friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live, to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with him this day?"

I smile at my Arellano and says...

"I do, father. I really really do."

Natawa ang ilang bisita sa sagot ko kaya napabaling ako sa kanila. "Why? I just can't still imagine I'm marrying my crush. Sinong hindi sasaya diba?" Mas lalo silang natawa kaya napabaling ako kay Bryan na umiiling but he still mouthed me I love you.

Nagpatuloy pa ang seremonya hanggang sa iproklama na ng pari ang pagiging official namin.

"By the power of your love and commitment and the power vested in me. I now pronounce you husband and wife. Mr. Arellano, you may now kiss the bride."

Nangingising humakbang siya palapit sa akin at pinanood ko ang unti-unti niyang pagtaas ng belo ko.

"I'll kiss you now, in front of them."

Hindi na ako nakasagot pa at hinalikan na nga niya ako. Halik na may halong pagmamahal.

Kung hindi ko pa siya bahagyang tinulak ay hindi siya titigil. Inirapan ko siya.

"Mamaya ka sa akin." Bulong niya na nagpatindig ng balahibo ko.

Hinila na niya ako pababa at sinakop niya ako sa braso niya at dinala sa labas ng simbahang nagkasalan namin. Sumunod ang mga bridesmaid sa amin.

Tinapon ko patalikod ang bouquet ko at naghiyawan ang lahat ng masalo iyon ni Marianne.

Napalingon ako kay Bryan na nangingisi habang nakatingin kay Vincent na nasa gilid lang namin.

"Sunod ka na rin. Napag-iiwanan ka." Aniya.






———





Masaya kong pinagmamasdan ang mga bisita naming enjoy na enjoy.

Hindi na rin natanggal ang kamay ni Bryan na nakapulupot lang sa baywang ko at hinahalik-halikan ako sa balikat.

"Umayos ka, Bryan." Sita ko sa kaniya.

"Can't wait." Aniya kaya nakatanggap siya ng siko sa tagiliran galing sa akin.

Nabaling naman ang atensyon ko ng lumapit sa amin ang mag-asawang Vien at Yeshua.

"I feel you, pare." Nakatutok ang tingin niya kay Bryan. Inakbayan niya ang asawa niya at hinaplos ang tiyan ni Vien. "Sundan niyo na baby namin." Aniya.

Mabilis akong napabaling kay Vien sa nanlalaking mata.

"Hindi na kasi 'to nakapaghintay." Natatawang aniya sabay batok sa asawa.

"Bakit ba? Alalahanin mo, pumayag ka sa gusto ko na pagkalabas na pagkalabas ng unang baby natin susundan ulit natin siya."

Napahagikgik ako sa narinig.

"I'll do the same, wife." Bulong ni Bryan na nagpatindig muli ng balahibo ko.

Maya-maya naman ay lumapit sa amin si Marianne at Yeshua na mukhang nagbabangayan na naman.

"Batukan niyo nga 'tong kaibigan niyo. Ayaw pa kasi akong pakasalan e sa naiingit na ako sa inyo." Nguso ni Marianne sa mga daliri namin ni Vien na may singsing.

Napabaling ako kay Vincent ng magsalita siya. "Maghintay ka kasi, puwede ba 'yong puwersahan? Edi wala ng love doon? Force marriage, gano'n?" Ang gigil na mukha ni Vincent ay napalitan ng tignan siya ng masama ni Marianne. Naglakad siya palapit sa kaniya at inakbayan ito. "Oo na, three months from now, ikakasal na tayo. Pinauna ko lang naman 'yang Arellano na yan e."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Marianne at masayang hinarap ang kasintahan. "For real?"

Tumango si Vincent kaya nagtatalon-talon si  Marianne sa saya.

Naiiling akong sa mga nangyayari.

Parang kailan lang noong nasaksihan ko ang kasal ni kuya, ngayon ako naman ang kinasal.

Napatingin ako sa pamilya ni kuya. Kandong niya ang pamangkin ko habang akbay niya ang asawa niya at may pilyong ngiti habang nakatitig sa akin na parang pinapahiwatig na kailangang tatlo na rin kami at mukhang napansin rin iyon ng asawa ko.

Asawa ko.

"Wife, what are you waiting for? They want us to make baby. Tara na, hayaan na natin sila dito."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na ba talaga makapaghintay ang pantog nito?

Imbes na magpadala sa huwestiyon niya ay ipinatong ko na lamang ang ulo ko sa balikat niya.

"I love you, Bryan. Always and forever."

Hinalikan niya ang ulo ko. "I love you more and more. Pinapangako kong sabay tayong tatanda kasama ang mga anak natin. Aalagaan pa rin kita kahit uugod-ugod na tayo. Sasamahan kita bawat ihi at pagtae mo. Ako ang tatanggal ng mga puti mong buhok at ako ang magpapaalala sa'yo na kahit kulubot-balat na tayong pareho, ipapalala kong mahal na mahal pa rin kita."

I'm contented with that.

Dati, gusto ko lang i-crushback niya ako pero ngayon heto kami...nagmamahalan na at patuloy na magmamahalan.



To be continue....

Domingo #3: Crush Me BackTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang