"Oh siya, simulan na natin ang pag aayos sayo, sila muna bahala sa mukha mo. Ako naman sunod, sa damit mo." Sabi niya at yun nga pinag shower ako at pinaupo sa harap ng salamin.

May make up artist rin dito na siyang bahala sa mukha ko, may hair stylist rin na siyang bahala...obviously...sa buhok ko.

May isa pang tao na bahala sa accessories ko, at isang tao na pinapapili ako kung anong shoes ang gusto kong ibagay sa gown na ginawa ni Claude.

Tapos si Kelly naman na kanina pang bulong ng bulong kung ano dapat gagawin mamaya. Nasabi niya rin sa loob ng simbahan gaganapin, mag sisimula akong mag lakad papuntang pintuan, pag baba ko mismo ng sasakyan. Ganun ba ka-powerful si Kerby at pati simbahan ay napapayag niyang gamitin nila.

Tinignan ko ang selpon ko nang may narinig akong nag text.

"Hello gorgeous, how you doin?" Tanong ni Kerby.

"Patapos na silang ayusan ako. Nababagot na nga ako e, hehehe. How are you?" Tanong ko rin dito.

"I'm nervous, actually. That's why i texted you, to lessen it." Sabi niya at napangiti ako ng mabasa ko to.

"Don't be nervous love, i know na matatapos to ng maayos at walang papalpak. Dapat ako pa nga kabahan dahil ako ang mang rarampa sa gown." Sabi ko dito

"Okay love, thanks. Can't wait to see you❤️❤️❤️" reply niya at diko na nireplyn.

Sakto namang natapos na ang buhok at make up sa mukha ko.

"tapos na kami sakanya..." sabi ng make up artist, naks! Parang binugbog lang ako at balak patayin ah.

"Ako naman!!!" Excited na sabi ni Claude.

Ako rin na e-excite!

Hirap silang isinuot sa akin ang gown hindi lang dahil sa mahaba kundi mabigat rin, ayaw rin nilang makusot ito o masira man lang ng kaonti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hirap silang isinuot sa akin ang gown hindi lang dahil sa mahaba kundi mabigat rin, ayaw rin nilang makusot ito o masira man lang ng kaonti. Syempre, irarampa e,

Nang maisuot nila ang gown ay tinignan ko ang replica ko sa malaking salamin.

Napasinghap ako sa sobrang ganda!!! Parang naitadhana yung gown na to para sa akin, well, measurement ko nga talaga siya pero parang nagawa ito para i-uwi ko at gamitin sa mismong kasal ko.

Napakagaling ni Claude!!!
Habang tumatagal na tumititig ako sa replica ko...napansin kong hindi ito mag kakalayo sa sinabi ko sa mga friends, including Claude, about sa wedding gown na gusto kong gamitin sa kasal ko. Did Claude stole my idea? Hahaha just kidding! Alam ko namang may originality si Claude at sobrang galing na fashion designer.

Yung pinakagusto ko sa part ng gown ay yung kulay blue sa lace niya. Bluenatics kasi ako, hindi ko alam kung may word na ganoon pero bininyagan ko ang sarili ko sa salitang yun since elementary ako. Favorite ko ang blue at tuwang tuwa ako kapag nakakakita ako ng kulay blue, ang sarap sa mata.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now