Chapter 13

29 5 0
                                    

LIVING WITHOUT YOU
written by : swietnez

CHAPTER 13

Nathan's POV

Pag tapos kumain ay ako nang nag boluntaryong mag hugas ng mga pinag kainan namin.

Habang naghuhugas napaisip naman ako

Si Hale? ayun mainit parin ang dugo sakin, lagi niya nalang ako sinusungitan HAHAHAH naalala ko tuloy noon.

Sikreto naman akong napangiti ng maalala ang mga araw na 'yon.
Ang sarap balikan napaka gandang nakaraan

Napailing iling nalang ako habang nakangiti, ewan koba kinikilig ata ako.

"Hoyyy" panggulat na sigaw ni manang.

"Bakit po?" tanong ko.

"Ikaw ha mag sabi ka nga?sinasapian kaba iho?" pilyong tanong ni manang, anong sinasapian? nakangiti lang naman ako ahh?

"po?" balik tanong ko dito.

"kanina pa kasi kita pinag mamasdan , at simula kanina ngiting ngiti kana jan"

Natawa naman ako sa sinabi niya, patawa talaga to si manang.

"HAHAHA di po ako sinasapian, may naalala lang po" paliwanag ko.

"Ahhh akala ko'y ano na" sabi nito't napabuga pa sa hangin, parang napakalaki naman ng problema nito.

Ganun ba talaga pag tumatanda na? pag nakangiti may sapi?

"Ohh siya sige bilisan muna jan at makapag handa kana may trabaho kapa hindi ba?" paalala nito.

"Opo patapos nadin po ako dito, sige na manang mag pahinga nalang po kayo ako ng bahala" sabi ko't hinatid sya sa kwarto niya, malapit lang naman ito sa kusina kaya agad siyang naka pasok doon.

Bumalik naman ako sa ginagawa ko't tinapos ang dapat kong tapusin.

Isang oras nalang pala't mag tatrabaho  na ulit ako. Ilang linggo palang ang nakalipas ng maitayo at nasimulan ang Cafè Business ni Hale pero para sakin napaka succesful na nya agad.

Umuwi naman ako sa tinitirhan ko at nilinis ang mga kalat na nakakalat sa kung saan, pinagawa ito nila Tita para saakin dahil gusto daw nila akong tulungan at para may maayos akong matirahan dahil kailangan ko talaga ng pera para sa pamilya ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng pag ka miss sa kanila, gusto ko na ulit silang makasama.

Hale's POV

It is already 1pm at ngayon ay kagigising ko lang, napahaba ang tulog ko.

Agad ko namang kinuha ang cellpone ko sa tabing mesa nitong kama.

Automatically my eyes widened from what I've seen. Ano naman kayang pumasok sa ulo nitong lalaking 'to?!nakakabigla.

Imagine having 40+ messages and 26 missed calls? wt-?

From: Nathan

"hoy Hale gising, asan kana"
"anong oras na wala ka parin? nakatulog kaba?"
"ano na? alas dose na"
"alam kong tulog ka lang, bumangon ka nga!"
"hayy nakooo"

Iilan lang yan sa mga messages na natanggap ko galing kay Nathan, iba pa jan ang mga missed calls niya sakin. Hindi ba siya informed na hindi ako papasok? na ayaw kong pumasok?

Napaisip naman ako kung nasabi koba sa kaniya, o hindi.

...???

Ayy oo nga pala hindi ko nasabi. Tss pero kahit na, bakit ganun nalang siya mag react ehh di lang naman ako pumasok?

Living Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon