"New girlfriend ni Eli?"

"Siraulo! 'Pag 'yan narinig! You're freaking dead, Vino!"

Nagbulong bulungan naman ang iilang babae hanggang sa nagtaas ng kamay 'yung babaeng chinita na maputi. Gosh, she's like a goddess! For real!

"La, she has a ring on her hand. Is she married or what?" She giggled and Lola Madam too.

"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko," she held me. "This is Heath's fiancee!"

Nagulat ako sa paghiyaw nila! Omg! Is this really a big deal?! Nakita kong nagsi-apiran 'yong ibang lalaki. 'Yung mga babae naman, napa-'o' ang bibig tapos lumapit sila sa'kin isa-isa.

"Congrats!" They congratulates me. I didn't know what to say! Kaya nagte-thankyou na lang ako and smile at them. 'Yong totoong ngiti! Nakaka-flattered ang reaction nila kasi!

Dinala ako noong isang babae para umupo sa bakanteng upuan.

"Hi, I'm Zielle! Can we see your engagement ring?" Sabi noong babaeng sobra rin ang ganda.

Gosh, napapalibutan ako ng mga dyosa ha!

I put my hand on the table.

"Wow! Look how simple it is! Kuya Heath has a taste!" Sabi pa noong isa. I smiled at her. "I'm Janesha."

Isa-isa silang nagpakilala sa'kin, halos siyam silang babae na nakapaligid sa'kin. 'Yong isa, si Quennie, may hawak na baby. Her 3 months old baby. Gosh! Sobrang cute rin!

Lumapit din sa'kin 'yung boys para mag-congrats. Lima naman sila ngayon kasama si Eli.

"Sana 'di umatras si Syd," biro noong katabi ni Eli na lalaki. "Kapag umatras, sa'kin na lang magpakasal!"

Mas lalong lumakas ang tawa nila.

"Mamaya ka mag-ganyan kapag nandyan na si Heath," hamon ni Hizon. Hizon ba? Oo, Hizon nga yata. Siya 'yong nasa politika.

Ngayon ko lang napansin na nasa garden kami ng mansyon. Feeling ko talaga nasa gitna kami ng forest. Kaya siguro malamig dahil sa mga puno. Maganda rin ang mga flowers na nakapaligid sa'min. Sa lamesa naman, halatang vintage din ang mga kagamitan. Ang yaman tignan.

Tinuloy nila ang kanilang pagkain.

"Hija, kumain kana. Nohm, pakiabot nga sa kaniya ang fried rice. Kumain pa kayo! No one will diet here!" Sabi ni Lola Madam.

'Yung tinukoy na Nohm ni Grandma ay nasa harap ko. She's so sexy! Is she a model?

"Here. Kain ka, Syd! Hindi hahayaan ni Grandma na hindi nauubos ang pagkain," she said. Tinanggap ko naman ang nag-lagay ng pagkain.

"Where's Kuya Heath?" Tanong ni Gwen.

"Akala ko ay gising na siya kaya dumiretso na 'ko dito sa baba. Titignan ko na lang," sabi ko. Tatayo na sana ko kaso nagsalita si Lola Madam.

"No need, Hija. He's already here," nakangiting saad niya.

Napalingon na lang ako at tinignan na nakakunot noo na naman siya habang hinahanap siguro kung nasaan ako. When he found me, nawala ang pagka-kunot noo niya. Tumayo ako para salubungin siya.

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now