IAR [19.5]

74K 2.3K 153
                                    

-19.5-

'Where are you, B?' Pang-ilang text ko na pero kahit isang reply wala. Last quarter na ng game pero hindi ako makapagconcentrate. Hindi pa rin bumabalik si Vlaire. I wonder kung magkasama ba sila.

Nagflood text na ako. Hanggang sa magvibrate. Nagreply si Brix. Kaso agad nawala ang ngiti ko sa reply niyang '?'. Seryoso? Question mark lang ang reply niya?

"Are you okay?" Napaangat ang tingin ko kay Grant. Hindi rin yata siya makapagconcentrate sa laro dahil kanina niya pa ako tinatanong nang ganyan. Tinatanguan ko lang siya at nginingitian.

89-92 ang scores na nakalagay sa taas. Lamang ang kalaban. 56 seconds na lang ang natitira sa final quarter. Napalunok ako, kinakabahan. Alam kong napakaimportante ng larong 'to para kay Cyclone. Sa kanila ang posisyon kaya may pag-asa pa. Kailangan lang nilang makascore. Kailangan. This is the final game of the best-of-seven.

Hinawakan ni Grant ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin na nagpapawis ang mga 'to. "Relax. Sila ang mananalo."

Ang final score, 92-93. Talo sina Cyclone.

Ang daming nangyari sa huling minuto ng laban. Hawak ni Cyclone ang bola. Siya ang huling tumira. Pero hindi pumasok. Umikot lang sa ring. Napansin ko ang tinitingnan niya sa gilid. Si Shantal, ate ni Caleigh, na kaibigan din namin.

Ex ni Cyclone.

Hindi ko alam ang buong storya tungkol sa kanila. Basta, naghiwalay sila. At pumunta ng abroad si Shantal. The rest is history. And now, she's back.

Niyakap ni Caleigh si Denice na umiiyak. Kumunot ang noo ko. Sinadya kong makinig sa usapan nila nang biglang sumulpot sa harap namin si Vlaire. Nakatitig siya sa 'kin, nanunusok ang tingin.

Ano'ng ginawa ko sa kanya?

"Where is he?" agad na tanong ni Angel kay Vlaire.

"I don't know," kibit-balikat niya. "Hindi ko siya naabutan."

"Seriously, Vlaire?" maang na tanong ni Dew. "Ngayon ka lang bumalik 'tapos hindi mo pala nakita?"

Napalunok ako. Hindi pa rin kasi ako nilulubayan ng tingin ni Vlaire. Parang ako ang sinisisi niya kung bakit biglang umalis si Brix.

"Stop staring like that, Fulgencio!" napapitlag ako nang magsalita si Grant.

Umirap si Vlaire. "Whatever, Loriete!" Pumwesto si Vlaire sa gitna nina Dew at Serg na katabi ni Caleigh.

Sina Angel, Vlaire at Keziah naman ay kinocomfort si Denice na humahagulhol na. She certainly loves Cyclone. Tanga na lang ang hindi makakahalata ng bagay na 'yon.

Pinag-usapan nila ang pagbabalik ni Shantal. Oo, maraming galit sa kanya. Kahit ako, nainis noon. Mahal na mahal siya ni Cyclone. Alam ko, minahal din ni Shantal si Cyclone. Pero wala akong karapatan na husgahan si Shantal. Hindi ko alam ang buong nangyari.

"Oh c'mon, guys. Don't insult Ate Shan as if I'm not here. She's my sister for pete's sake!" protesta naman ni Caleigh. Nagpabalik-balik lang ang tingin ko sa kanila. Pakiramdam ko ang gulo-gulo.

"Cyclone will never come back to her though," wala sa loob na usal ni Dew. "Nakita ko kung gaano nasaktan si Cyclone kaya nakakasiguro ako." Nakatingin siya kay Shantal pero ibinalik din ang agad ang tingin kay Irish na malungkot ang mukhang nakatingin sa kanyang kuyang naglalakad.

"You'll never know," komento ni Grant. Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Cyclone loved her and we all know he still lo—" Hinawakan ko ang braso niya. Mahigpit. Hindi na siya nagsalita.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon