"Prove it my dear Yesha, don't forget the top 2 strongest military in Arcavia. Ang distrikto 1 at 2"nang aasar na sabi nito at sabay baba ng tawag na ikinailing ko na lang.



End of Flashback...


Kailangan ko manalo, kaya intusan ko yung limang kaibigan ko na isanay ang mga hawak kong kawal, lalo na alam kong magagaling sila.


Hindi pwedeng matalo ako ngayon dahil magagalit si Mama Raine kapag nalaman niya na hindi ako nag susuot ng dress at lalo na siya gumagawa ng mga design nun.


Isang linggo na din ang lumipas ng pag sasanay na binigay ko sa kanila, alam ko darating na din sila ngayon.


"Mahal na prinsesa gusto niyo po ng tsaa?"tanong sa akin ni Irna at tinaas ko sa kanya ang tasa ko na walang laman.


Mabilis na ininom ko ang tsaa kahit mainit pa, kailangan ko irelax ang sarili ko.


Kakasabi ko palang kailangan ko mag relax ng biglang mga nagbukas ng walang pagkatok sa loob ng kwarto ko.


"Aya, we're back"inirapan ko si Kenna nakakapasok palang at maging ang mga sumunod pa dito.


"Ipaliwanag mo na yung tungkol sa pustahan niyo ni Tita Antonette"nagmamadaling sabi ni Belle sa akin.


Napansin ko na aalis sana si Irna ng pigilan ko ito, sabay senyas sa kanya ng tsaa ko.


"Pustahan dahil sa dress ko"maikling sabi ko sa kanila at nanlaki ang mga mata nila sa sinabi kong dahilan.


"Ano? Dahil lang sa dress mo?"hindi nakapaniwalang sabi ni Sabrina sa akin at ganun din ang iba.


"Isa pa kapag natalo ako sinabi din ni Ina sasabihin ko kay mama Raine na ayaw ko na sa dress. Hindi dapat mangyari dahil iba magalit si mama raine"sabay inom ulit sa tsaa ko at maubos na nagpalagay ulit ako ng tsaa pa.



"Tama ka nga kailangan mo manalo"sabi ni Ate Juliana habang umiinom na din ng tsaa.


"Kailangan mo talaga, mahirap makita magalit ang isang Francheska Arcavia. Baka sunugin ang lahat ng makita niya"sabi ni Sabrina at Arrianne sa akin.


Takot ang lahat kay mama Raine, miski ang mga magulang nila dahil nakita na nila paano magalit si mama.


Lalo na mainitin ulo nito, kahit nung mga bata palang sila kinukwento nito noon ng sunugin ni Mama Raine ang laboratory ni Tita Tory noon.


"Kailan ba ang paligsahan?"tanong ni Gabriel.


"Tatlong araw na lang"sagot ko dito sabay inom sa tsaa ko ulit.


"What?"gulat na sigaw nila maliban kay Ate Juliana.


"Nagpadala ng mga sulat si Ina sa buong bayan ng Arcavia. Hindi ko alam kung bakit mas pinaaga ni Ina lalo na dapat mga limang araw bago dumating ang paligsahan"paliwanag ko sabay abot sa kanila ng ulat na galing palasyo.


"Ano ito? Hindi lang ang distrikto ng Arcavia ang maglalaban laban? Kasali din ang isang special soldiers ni Tita Antonette?"hindi makapaniwalang sabi nila sabay sabay.


Kaya din ako kinakabahan dahil nakita ko na din ang mga S.A ni Ina noon.


Nasaksihan ko din ang lakas at liksi ng mga ito dahil nakalaban ko din sila noong nagsasanay pa ako.


"Sinisigurado ni Ina siya talaga ang mananalo"medyo kaba na sabi ko at tinignan ako ng mga kasama ko na natatawa.


"Alam natin na hindi hahayaan ni Tita Antonette na basta bastang matalo lang siya"natatawang sabi Kenna sa akin na ikinairap ko.


"It's unfair"napasigaw na sabi ko sabay tayo at nagulat naman sila sa pag sigaw ko.


"Aya, yung kilos mo hindi kana kalmado, Nasan na ang Aya na kalmado palagi?"nang aasar na sabi ni Sabrina at hindi ako sumagot dahil nilabas ko ang apoy sa kamay ko sabay tingin ng masama sa kanya.


"Aya, nagbibiro lang ako"kinabahan na sabi nito at hindi ko na siya pinansin.


"Hindi niyo pa nasasaksihan ang lakas ng S. A ng Arcavia. Kaya hindi niyo alam ang nararamdaman ko ngayon"malamig na sabi ko sa kanila.


"Mas malakas ba sa amin?"tanong ni Ate Julia sa akin at seryosong tumango ako dito.


"Hindi sila basta basta nagpapakita lang, noong nagsasanay ako nakakalaban ko sila pero nakamaskara sila na kulay itim kaya hindi makikita ang itsura nila. Pero base sa postura nila alam kong mga babae sila"paliwanag ko sa kanila.


"Hindi lang yun kahit lima lang sila pero bawat isa sa kanila hindi matatanggi ang lakas na meron sila"paliwanag ko sa kanila, hindi kk na din sinabi sa kanila na apat lang ang nakita ko noon maliban sa pinaka pinuno nila.


Kailangan ko manalo, para sa dress at para din kay Mama Raine.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora