Inabot ko ang kamay niya at sumayaw kami hanggang natapos ang kanta.

May kinuha siyang maliit na box sa bulsa niya at inilabas ito, dinukot niya ang kwintas mula sa box...isang napaka gandang kwintas...hugis niyebe(snow) ang pendant.

Pumwesto siya sa likod ko at saka isinuot sa akin ang kwintas...
Habang kinakabit niya ang kwintas, nag salita siya...

"Be my woman. Please?"

Hindi ko alam kung anong reaction dapat sa sinabi niya, natatawa ako dahil, hindi ko alam kung tinatanong niya ako o inuutusan. Masaya ako dahil sa wakas ay tinanong niya na ako, hindi man niligawan...alam kong di na kami dapat mag ligawan pa sa ilang taon na kaming mag kakilala.

Pumunta siya sa harap ko pag katapos niyang ikabit ang kwintas at saka hinawakan ang kamay ko,

"Will you be my woman?" Tanong ulit niya.

Tumango ako at sabay sabing "Yes"
Ang dami kong gustong sabihin sakanya ngunit "yes" lang ang nasabi ko.

"Thank God! She's mine now!" Bulong niya na napa tingala pa sa langit, walang bubong kasi ang balkonahe.

"I love you! And I promise that I will marry you..." sabi niya na ikinagulat ko, hindi niya na nakita ang reaction ko dahil niyakap na niya ako...

Niyakap ng sobrang higpit.

"God knows how much I love you" sabi ulit niya, habang yakap yakap pa ako.

"I love you too, no, I love you more." Sabi ko sakanya,
Kumalas siya sa pag kakayakap at tinitigan ako habang hawak ang dalawang kamay ko.

"Thank you for loving me Snow, hindi man kita niligawan, I promise that I will court you every day, it doesn't matter if we are already in a relationship." Sabi niyang matamis ang ngiti.

Inabot niya ang wine glass sa akin at nag toss kami.

"Cheers to our new relationship love." Sabi niya.

Love? Ang sarap naman' pakinggan.

Pareho naming nilagok yung laman ng baso namin.
Kaya sabay kaming natawa...

"Can I kiss you?" Nahihiya niyang tanong at napa kamot sa batok niya.

Seriously? Tinanong mo pa ako, samantalang ninakawan mo na nga ako ng halik noong di pa tayo, tapos ngayong tayo na, saka ka mag papa alam.

Tumango na lang ako haha, mas nakakahiya kapag pinapa alam niya pa. Bakit di nalang niya kasi ginawa.

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin, at saka nag lapat ang mga labi namin...akala ko ay mabilis lang ngunit ninanamnam niya yata ang alak mula sa labi ko.
Iniyakap ko ang kamay ko sa leeg niya kahit hawak ko pa ang baso.
Inilakad niya ang katawan namin patungo sa table at saka dahan dahan niyang ibinaba ang hawak niyang baso, sinenyas niya rin sa akin na i abot ko sakanya ang hawak kong baso kaya ginawa ko naman.
Patuloy pa rin kaming nag halikan at umabot yata ng hindi lang tatlong minuto.
Parehas kaming nag hahabol ng hininga noong bumitaw kami sa isat isa.

Tinignan niya ako na nakangiti at parang kumislap ang mga mata niya.

"Let's go inside." Yaya niya sa akin.

Kinabahan ako at mukhang napansin niya yon, kaya natawa siya.

"Don't worry, we will not do anything, not just like what you imagined."
Natatawa niyang sabi at saka napa iling iling.

Paniguradong namumula ako ngayon, ano ba kasi ang iniisip mo selp?

"But do you mind if I sleep beside you?" Tanong niya sa akin.

Nag isip muna ako saglit, dati naman na namin ginawa yun, yung matulog mag katabi...pero bakit parang iba ngayon? Bakit parang pakiramdam kong hindi dapat.

Pero gaano man tumutol ang isip ko, bibig ko ang nag salita at umoo.

Ngumiti siya ng pag kalawak lawak. Okay lang selp, siya naman nag sabi na wala daw gagawin. Gusto ko rin siya makasama at masulit yung oras naming dalawa.

Nag sipilyo muna kami bago humiga. Naligo na kasi kami bago kumain, kaya hindi na kami nag shower ulit.

Sinenyas niya na lumapit ako sakanya at ginawa ko naman, ipinatong niya ang ulo ko sa kamay niya at niyakap ako gamit ang libreng kamay.

"I can't wait to see your face everytime i waked up" sabi niya, paniguradong naka ngiti na naman siya.

Hindi na ako sumagot at pinikit ko na ang mga mata ko, isinuksok ko ang mukha ko sa dibdib niya...hmm sobrang namiss ko tong amoy na to.

"Goodnight love" sabi niya at naramdaman kong hinalikan ang ulo ko.

"Goodnight rin...love" kako at tumingala sakanya...

Nginitian ako at hinalikan ang noo ko,

"I love you" sabi niya.

"I love you too. Night night" sabi ko at ipinikit muli ang mga mata ko at natulog...

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now