"Tumigil ka nga..."

"Ano? Nag-aalala ka pa rin doon? Tinarantado ka na nga, eh. Mary, kahit wala kayong relasiyon, may karapatan kang malaman kung ano pa ba kayo. Mahirap bang i-chat ka? Mahirap bang sagutin ang tawag mo? Gago lang talaga ang lalaking 'yan, at sa una lang magaling."

Muli akong napahagulgol sa huling sinabi niya. Ngayon, ramdam kong galit na galit na talaga si Archie, at nararamdaman kong tototohanin niya ang sinasabi niya once na makita niya ito.

Bakit ngayon pa nangyari ang mga ito kung kailan ang lalim na ng nararamdaman ko sa kaniya? Sinabi ko naman sa kaniya noon, kung aalis rin siya, mas mabuti pang umalis na siya hangga't wala pa akong nararamdaman sa kaniya.

Pero hindi siya nakinig.

Nanatili siya at patuloy akong pinaasa sa posibilidad na may puwedeng magmahal ulit sa akin.

"Tang ina, Archie. Pakiramdam ko, basura ako na basta na lang itinapon," I said as my voice broke.

Nag-angat ako ng tingin at pinunasan ang mga luhang walang tigil na tumutulo mula sa mga mata ko.

"Hindi ikaw ang basura, Mary; siya. Siya ang basura. Itinapon niya ang sarili niya sa lugar kung saan siya nararapat."

Umiling ako nang umiling.

"Bakit... bakit pakiramdam ko, ang dali kong itapon? Saan ba ako nagkulang? Saan na naman ako nagkamali?" I said in between my sobs.

"Mary, ayan ka na naman. Bakit ba lagi mo na lang iniisip na ikaw ang may problema?"

I can hear the frustration in his voice, and I can understand if ever he'll get angry at me.

"Kuntento kasi ako sa kaniya, Archie. Masaya ako sa kung ano ang binibigay at ipinapakita niya sa akin, kaya alam kong walang mali sa kaniya."

"Pero hindi ibig sabihin no'n, ikaw ang may mali. Hindi mo lang talaga nakita na gago siya; hindi niya ipinakita sa 'yo na hindi naman talaga siya sigurado sa nararamdaman niya."

And I didn't answer. I just cried harder, kasi sa totoo lang, sinabi niya sa akin. Pero nanatili pa rin ako.

Sa totoo lang, binigyan niya ako ng sign na...hindi naman talaga siya sigurado. At ang sakit-sakit malaman na iyon na nga pala 'yon...na doon na nagsisimula ang problema sa aming dalawa.

"B-Binigyan niya ako ng sign, eh." I answered. "He said that...it was the worst side of him. Na...ipinapakita niya sa akin ngayon na sigurado siya, pero ang totoo ay hindi naman talaga..."

"Kailan? Eh 'di sana noon pa lang, tinigilan mo na."

"The last time I was with him."

Ibinagsak niya ang kamay niya sa lamesa na siyang nagpagulat sa akin.

"Oh, eh 'di gago pa rin talaga siya, kasi bakit ngayon niya lang sasabihin, kung kailang nakuha na niya ang loob mo? Tang ina, parang intensiyon niya talaga ang paasahin ka. Tang ina, bakit ba hinayaan kitang mapalapit sa putang inang 'yan?"

Sobrang sakit...

Lalo na noong sinabi niyang parang intensiyon talaga ni Gian ang paasahin ako.

Pero sa pagkaka-kilala ko kay Gian, hindi naman siya ganoong tao.

Pero nakilala ko nga ba talaga siya? O hindi lahat, naipakita niya sa akin?

Ilang sandali pa, naupo si Archie sa tabi ko at hinagod ang likod ko. Pinunasan niya ang mukha kong basang-basa na ng luha gamit ang panyo niya.

Unlabeled [Baguio Series #1]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz