One

16.5K 435 19
                                        

Zarren's POV:

Abala kaming lahat sa pag lilinis ng buong mansyon, darating raw kasi ang nag iisang anak nina Maam Daisy at Sir Randy.

Sobrang bait ng mag asawa sakin lalo na sa anak ko, parang itinuring nila itong sarili nilang apo. Katunayan nga sila ang gumastos sa pag papanganak ko at sa lahat ng kailangan ng anak ko. Isinasama rin nila si Tayron tuwing pumupunta sila ng Mall or kakain sa labas hindi ko alam pero may saya sa loob ng puso ko na nakikita silang mag kakasama. Sa lahat ng mga malulungkot na nangyari sa buhay ko maswerte pa rin ako dahil dumating sa buhay ko sina Ma'am Daisy.

"Hooy! Tulala ka nanaman dyan." saway sakin ni Ate Mindy.

Kasama ko syang kasambahay dito sa mansyon, mas nauna nga lang sya sakin ng isang taon. Parang nakakatandang kapatid na rin ang turing ko dito, buti na nga lang at hindi sumasama ang tingin nila sakin dahil parang may special treatment sakin ang mag asawa.

"Hehe. May naiisip lang po ako Ate." sagot ko dito ng nakangiti.

"Wag kang mag alala ibabalik pa nila Ma'am Daisy yung anak mo." natatawang saad nito.

"Sira ka talaga Ate Mindy." nakangiti kong sagot.

Maya maya pa'y dumating na ang kotse nina Ma'am Daisy at Sir Randy, kaya sinalubong namin sila.

Pag kababa nila ng kotse kumaripas naman ng takbo si Tayron papalapit sa kinaroroonan ko.

Sinalubong ko ito at niyakap ng mahigpit.

"Kumusta baby love?" tanong ko dito.

"Appy po Mimi." nakangiti nitong sagot.

Nakita kong papalapit sina Maam Daisy at Sir Randy sa kinaroroonan namin, tumayo agad ako para batiin ito.

"Good afternoon po Ma'am, Sir." nakangiti kong bati.

Nag pakawala ng buntong hininga ang babae bago sumagot.

"How many times do I have to tell you, it's Tita and Tito." nakasimangot nitong saad.

Napakamot ako sa ulo ko, dahil sa naging reakyson nito.

"Ehh. Nahihiya po kasi ako ehh." pag tatapat ko.

"Haaay nako Ren, basta kapag dumating na yung anak ko. Mag aaral kana rin uli ha? Para naman may kasabay sya." saad nito. "And I won't take No as an answer." pahabol pa nito.

"P-pero Ma'am... wala pong--" di ko natapos ang anumang sasabihin ko.

"No but's Ren." putol naman ni Sir Randy. " And kapag sinabi namin, sinabi namin. Para kana rin kasi naming anak, ayaw na nga sana namin na maging katulong ka pa pero ayaw mo naman." dugtong pa ni Sir Randy.

"Ako na rin ang bahala kay Tayron, habang nasa school kayo ni Tayla." saad ni Ma'am Daisy.

Mukhang wala ata talaga akong lusot sa mag asawa na to.

Bandang huli ay napapayag rin nila ako, sino ba naman ang makakatanggi sa kanila. Ang kulit nila ayaw akong tigilan, ako nalang ang mahihiyang humindi.

---

Ako na ang nag presentang mag linis ng kwarto ni Ma'am Tayla, ewan ko ba kapag naiisip kong malapit na ang araw ng pag babalik nito. Kinakabahan ako na parang na e-excite.

Kinuha ko ang litrato nito na nasa side table ng kama. Hindi ko alam pero parang familiar sya sakin, di ko lang maalala kung san ko sya nakita.

Nasabi rin nina Ma'am Daisy sakin. na kaya nito kinailangan pumunta sa America ay para sa operasyon nito nag karon raw kasi ito ng karamdaman, and after 2 to 3 years ay makakauwi na ito. At dumating na rin ang araw na iyon.

Siguro ay kasing bait rin ito ng mga magulang nya, at higit sa lahat ay napakaganda nya pa.

"Hoy Ren-Ren! Baka matunaw yang hawak mo ha?"

"Ay butiki!" muntik ko pang mabitawan ang picture frame na hawak ko dahil sa pang gugulat ni Ate Mindy.

"Ate naman kasi wag kang nang gugulat!" nakanguso kong reklamo dito.

"Pano ba naman kasi titig na titig ka talaga kay Ma'am Tayla. Crush mo no?" saad pa nito na may nakakalokong ngiti.

"Luh sya! Porket naka titig lang crush agad? pwedeng nagagandahan lang?" depensa ko sa sarili.

"Asus! Kung wala kang anak, iisipin ko talaga. Ilang beses na kitang nahuhuling nakatitig sa larawan nya ehh." pang aasar pa nito.

"Ngeee! Di ako tomboy te no? Napaka familiar nya kasi sakin, di ko kang talaga maalala kung san ko sya nakita." paliwanag ko dito.

"Baka sa panaginip mo, nasobrahan mo siguro kaka isip." patuloy nito.

"Haaay Ate grabe na yang mga imahenasyon mo, malala na. Gawin daw ba akong lesbian. Tsss. Dyan kana nga." napipikon kong sagot.

At nag lakad na palabas ng silid.

"Pikonin ka talagang bata ka." pahabol pa nito habang sinundan ako.

Zarren's Photo

Sweetest Mistake (Intersex Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon