(Someone's POV)
Sabi Nila Once in A lifetime lang tayo mabubuhay Dito Kaya dapat gawin nating makabuluhan Kase Once mo lang lahat yan Mararanasan.
Being a 19th. Andami Ng gumugulo sa isip ko.
Napaka dami na Minsan Hindi ko makakayanan grabe ang bigat sa dibdib.
Grabe gusto kong umiyak pero Ayaw ko naman mapagod umiyak.
Nakaranas ka na ba ng pakiramdam na parang kasalanan mo lahat kahit hindi mo naman pinili na mapunta ka sa ganuon na sitwasyon?
Naranasan mo na bang umiyak pero kaylangan mo pigilan kase ayaw mo na ipakita sa iba na nasasaktan ka?
Naramdaman mo na ba na yung mga tao na naka paligid sa iyo ay halos Hindi ka nila gusto dahil sa ugali na meron ka na pinapakita mo sa kanila.
Naging masaya ka ba talaga?
O Pineke mo lang yung mga ngiti na gusto mo ipakita.
Masaya ba talaga ako sa mayroon ako o napililitan lang ako tapos mapagtatanto mo na Palabas lang lahat.
Ang sakit kase mabubuhay ka sa Mundong to na hindi mo alam kung totoo ba talaga sila o kaylangan mo lang sila pakisamahan.
Yung Ginawa mo naman ang lahat para maging matatag pero may mga pagkakataon na susuko ka dahil sa hind mo kaya kung hindi bigla na lang tutulo yung luha mo.
Hindi naman ako selfish na tao para pagkaitan ng tao na maging masaya
Pero Bakit may mga guni-guni pa din ako sa isipan ko na Pilit ko man Iwasan pero hindi ako naging malaya kase alam ko na kaylangan ko harapin ang realidad ng buhay.
Lahat na lang panandalian walang nagtatagal natanong mo na ba ito sa sarili mo?
Yung mga pangako mo na hindi mo alam kung kaya mo tupadin kung kapalit naman nito ay yung pangarap mo para sa sarili mo.
Ayoko na! Gusto ko na sumuko kaso May mga tao na naghihintay na makita ako na Nanduon na sa pangarap ko.
Wala naman masama mangarap kaya lang may mga pumipigil sa mithiin mo na matupad.
Natatakot ako na baka pag nawala ako sa tabi nila ay hindi nila kayanin at hindi ko kayanin kase Sila lamg yung mayroon ako.
Bakit napaka positibo kong tao pero masyado akong emosyonal.
Napaka sensitibo ko Bakit?
Pati sa pag tulog may mga gumugulo sa akin . Gustohin ko man lumaya pero yung sarili ko hindi ako pinapalaya.
Sa Awit ng musika ko na lang dinadaan yung mga tono at himig na nais ko ipabatid.
Kahit duon lang ay mailabas ko ang tunay na aking saloobin.
Gaano ko ba kilala ang sarili ko o kilala ko nga ba ang sarili ko?
Yung ikaw na ikaw tanging ikaw lang yung meron ko ngunit kakaiba.
Darating sa buhay na yung mga kinasanayan natin nuon ay Wala kase wala na yung mga tao na mag papa alala ng kahapon.
Yung saya sa hapag kainan na matutuwa ka kase kumpleto kayo na nagsasalo-salo.
Wala na yung mga panahon na iyon dahil kupas na hindi na mababalikan pa.
Matutuwa ka na lang sa nangyari o nagawa mo nuon pero hindi mo kayang mapalitan yung saya na meron ang nakaraan.
Mga binitawan mo na salita nuon ay tila anino na lang ng kahapon.
Oras nang kalungkutan pilit bumabalik sa kasalukuyan.
Nagpapaka alala sa Direksyon na hindi alam kung saan patungo.
Pilit bumabangon Sa kungkot na dala ng kahapon.
Gigising ng umaga na tila walang pangamba ngunit may guniguni sa isipan na hindi mawala wala .
Babati ng may ngiti ngunit may lungkot sa mata.
Gagawa ng gawain para maubos ang isang Araw ibubuhos ang pangamba sa mga gawain ng kahit nahihirapan ay akala ng iba walang iniinda.
Ang saya pala balikan ng kahapon yung buo ka walang wasak ikaw na ikaw.
Sana hindi ko sinayang ang oras na meron ako sa lupa.
Sana nagawa ko yung adhikain na pilit ko na inaabot at hindi huminto sa oras nang pagsuko.
Walang pangamba sa panahon na kasama kita.
YOU ARE READING
Something Random
HumorIt's About My Thought! or maybe What I heard To other. It' About Myself i want to express my own thought this Was my personal idea on how life is gonna be
