Nanatili siyang tahimik.
“But don't worry, like I've said, sisiguraduhin ko na hindi ka matatali sa'kin." ngumisi ako bago ko siya binalingang muli.
Naabutan ko ang iritado niyang mukha.
“Tss! Antok na ko. Bye!" aniya bago ako iniwan mag - isa.
Kumunot ang noo ko.
Anong nangyari don?
Mabilis ang mga sumunod na araw, siguro dahil ganon naman talaga kapag bakasyon.
Nasundan din ang trip namin sa Batangas dahil dinala rin kasi ako ni Nathan sa Baguio at Tagaytay kung saan wala siyang ginawa kundi kuhaan ako ng pictures ko kung saan-saan.
"Dapat talaga may tf ako eh," biro ko habang tinitignan sa kanyang camera ang mga pictures ko sa may mga pine trees kanina.
Naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang baba sa aking balikat habang ang dalawang kamay ay nanatili sa aking bewang.
Pakiramdam ko ay mas nanlamig ako kahit ang lamig lamig na naman dito sa Baguio.
"Hmmm...Ang ganda mo 'no?" malambing niyang bulong.
Nag - init ang pisngi ko kaya agad akong lumayo. Inabot ko na sa kanya ang camera niya bago nag ayang mamasyal ulit.
Feeling ko magkakasakit ako sa puso tuwing nagiging ganto si Nathan eh!
Mabuti nalang sa sumunod na alis namin papuntang La Union, kasama na namin si Adi at Sebastian kaya nabawasan 'yung mga ganon niyang galawan.
Nakakatuwa silang magkakapatid sa totoo lang. Sa tingin ko nga, Nathan is at his happiest kapag magkakasama silang tatlo, lalo na kapag umiinom kagaya ngayon.
"Uy, Irish! Huwag ka nga KJ! Uminom ka na oh!" pagpupumilit ni Sebastian habang inaabot sa akin ang alak.
Natawa lang ako habang umiiling.
"Kuya!" saway ni Nathan pero nakangisi naman.
"Sus, 'di pa nga kayo kasal kala mo naman 'to! Oy, Irish? Huwag ka maging sunod - sunuran sa gagong 'yan! Paiyakin mo at paluhurin!"
I chuckled.
Based ata sa experience niya 'yung sinasabi niya eh!
"Hindi ako kagaya mo, Kuya! Hindi ako luluhod!" tumatawang sabi ni Nathan.
Sebastian just raised his middle finger at him.
Kahit na madalas akong ma-op sa mga usapan nila, ayos lang kasi nakakatuwa naman sila panuorin.
"Kuya! Ano ba 'yan, ang ingay mo!" iritadong saway ng lasing nang si Adi.
She glanced at me. Ngumiti siya pero kalaunan ay inirapan din ako.
"Buti ka pa may lovelife, miss ko na 'yung crush ko, haist!" She hissed.
Natawa sila Nathan.
"Pucha! 'Yung taga Iloilo na naman 'yan!" si Sebastian.
Nakatulog na nga si Adi pagkatapos sabihin 'yon.
Nakahilig na siya sa dibdib ni Sebastian pero hindi 'yon naging dahilan para tumigil si Sebastian sa kwento niya tungkol sa plano niyang bar na ipapatayo niya raw next year.
"Bakit Rebel ang pangalan?" Tanong ko.
Ngumisi siya.
"Kasi nga ako 'yung rebeldeng anak ng Presidente!" kumindat pa siya na parang ang galing galing niya sa naisip.
YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...
Kabanata 10
Start from the beginning
![Exception [ Quintero Series #2 ]](https://img.wattpad.com/cover/211932718-64-k435083.jpg)