9: Planning

29 8 0
                                    

YRYS FOLLOSO

Pagkababa sa amin ni Lyn sa harap ng coffee shop ay nauna silang pumasok sa loob. I told them to go first dahil may nakita kong bukas na ang bookstore sa tabi ng coffee shop.

I've been waiting for months for the opening of this store. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng time kaya ngayon ko lang din nalaman na bukas na sila.

Bago ko pa makuha ang libro na nasa harap ko ay narinig kong bumukas ang door dahil sa bell ng store.

"Hey, hinahanap ka nila sa coffee shop." Napatingin ako sa nagsalita.

"You're here? Akala ko nasa condo na kayo." Hawak ni Clive ang phone niya at ang susi ng sasakyan niya.

"Nag stop din ako nang mag stop si Lyn. Nag parking lang ako at sumunod sa coffee shop. Anyway, they're looking for you." Kwento niya.

I pulled out my phone at tinext kay Maggie ang order ko. Sinabi ko rin na kasama ko si Clive ngayon dito sa bookstore.

"Wait, how'd you know that I'm here?" I asked. He shrugged at kinuha ang libro na kukunin ko dapat.

"You've been talking about buying this book for months. I just thought that you're here." He then proceeded to the counter.

"Huy! Omg. Bibili ka rin?" Excited ko na tanong sa kanya.

"Yeah."

Hindi ko alam na mahilig din pala siya magbasa. It's the first I saw him na bumili ng libro.

Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate ito. Maggie texted me na tapos na sila mag order at nakuha na nila 'yung inorder nila. Saktong tapos na magbayad si Clive kaya sinabi ko sa kanya na paalis na sila Maggie.

Bago ako makalabas sa store ay inabot niya sa akin ang paper bag kung saan nakalagay ang binili niyang libro.

"That's for you."

Hindi makapaniwalang tinanggap ko ang paper bag.

"Are you serious? Akala ko para sa iyo na ito! Gulat na gulat pa ako kanina na kinuha mo 'to tapos binayaran, akala ko magbabasa ka na rin." Nginitian ko siya ng malawak. "Thank you, Clive." I added.

Nauna akong lumabas sa store. Naghihintay na sila Maggie sa labas ng coffee shop. Paglapit ko sa kanila ay nag komento agad si Ysa.

"Did something happen? Bakit ang laki ng ngiti mo?" Naniningit ang mata niyang tumingin sa akin at kay Clive na ngayon ay nasa tabi ko na.

I just shook my head. Ysa didn't believe me lalo na si Maggie dahil ramdam ko ang mga tititig na binibigay nila sa akin.

"Tara na, gutom na ako." Pag-aya ni Thyria. Naunang pumunta si Dette sa sasakyan niya na sinundan ni Thyria at Ysa.

"Kay Clive na lang ako sasabay." Sabi ko sa kanila.

Pumunta si Clive sa sasakyan niya. Sa passenger seat sumakay si Yance at ako naman ay nasa likod.

Before I close the door nagtama ang tingin namin ni Maggie. She gave me a questioning look and I answered it with a shrug.

Tahimik lang si yance sa buong byahe. 'Di katulad kay Lyn na akala ko nasa racing ay medyo mabagal ang pagpapatakbo ni Clive. Ang tagal na noong huling sakay ko sa sasakyan ni Clive. He's still using his old scent for his cars.

Yes. Cars. As far as I can remember ay may tatlo siyang sasakyan. Isang sedan, which is 'yung gamit niya ngayon. Isang SUV at isang hatchback. He is rich, RICH. Kumpara sa networth naming sampu siya ata ang number 1 sa amin.

After 10 minutes ay nakarating na rin kami sa condo. Halos sabay lang si Dette at Clive na dumating.

Akala ko nakakaistorbo na kami pagdating namin sa condo. Inabutan kasi namin si Lyn at Dae na nag uusap. Seryosong-seryoso pa silang dalawa. I almost laugh at the same time. Para silang mag jowa na nag-aaway.

White Sheets and Blank FacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon