Kabanata4 (Daddy)

Magsimula sa umpisa

"By the way. Ang sabi mo kasama ka sa pupuntahan ng anak ko?" Tinignan niya si Elly.

"I was about to tell you that also Tito." Tumango lang siya.

"And what made you think that I will allow my daughter to go in that party with you, Young Man.?" Nagcross arm na si Dad.

"Dad. Its ok kung hindi ka pumayag. I will understand. Besides wala si Mommy kaya hindi talaga pwede diba?" Ayaw ko ng mapunta sa ganitong sitwasyon ever. AWKWARD.

"Monika" seryosong tawag niya.Patay na. Pero kay Axel pa rin siya nakatingin. Ngumiti sa akin si Axel bago hinarap si Daddy. Sarap mong kalmutin. Humanda ka sa akin.

"I like you daughter Sir. At ang ipahamak siya ang never na papasok sa isip ko. "

Parang hindi naman nagulat ang Daddy ko sa sinabi niya, pero kaming dalawa naman ni Elly ang halatang nagulat. Ako ang unang nakarecover.

"Hmm.. A-ano D-dad. Nagbibiro lang tong si Axel." Hinawakan ko na sa braso si Dad.

"Can we talk alone later?" Hala ka. Anong paguusapan nila.

"Sure Sir!"

" I still have appointment." Humarap siya sa akin. "You. Baby Princess. I want to talk to you now." Napangiti ako. Hindi galit ang Daddy ko. Ngumiti rin  siya.

"Yes Dad." Yumakap ako sa bewang niya.

"Nanliligaw ba sayo ang Samañegong yan?" Napakagat labi ako.

"Let me rephrase my question. Gusto niya bang manligaw?" Ano bang isasagot ko dun eh kami na nga eh. Lord sorry po kung magsisinungaling ako.

"Yes dad."

"Ok. Pakisabi sa Samañegong yan na kapag sinundo kita mamaya ay kakausapin ko siya."

"Pero Dad.."

"No Buts Baby Princess." Hinalikan niya ako sa noo. "I'll have to go. Malelate na ako"

Tumango na lang ako.

"Thanks Dad. I love you."

"I love you too. Baby."

AXEL

"Aray ko! Aray.! Aray!!  Enough na Gianna. Masakita na ha" halos masira ang paperbag na dala niya sa kakahampas sa akin

"Anong drama yun ha Samañego?" Tumayo siya at namewang sa harap ko. Ang cute talaga ng babaeng to.

"May drama ba? Hindi ka naman naiyak ha. Aray!" Ang sakit na ng braso ko hahampas niya.

"Umayos ka ha. Napipikon na ako." Kung alam lang nila na ang Nerdy nErdy na tinatawag nila ay brutal pala sa Boyfriend niya malamang wala na talagang magtatangkang lumapit sa akin.

Tumayo na ako at niyakap siya. Nagpumiglas siya pero asa pa siyang pakawalan ko siya.

"I'm sorry kung nagulat kita kanina. Pero balak ko na talagang kausapin ang Daddy mo." Hinarap ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Alam ko naman na nagiguilty ka na nagsisinungaling ka sa parents mo. Nakita ko kung gaano mo sila kamahal at nakita ko rin na pinoprotektahan ka nila ng sobra. At gusto kong alam nila na tatlo kaming pomoprotekta sayo. I want us to be legal Gianna. Ayoko yung tipong kailangan kitang itakas para lang mag date." Tumingala siya at tinitigan ako. Hinawakan ko ang mukha niya.

"Mamaya kakausapin ko ang Daddy mo. Hindi ko sasabihing tayo na dahil ayaw kong mag iba ang pagtingin nila sayo. Kaya kung kinakailangan kong manligaw ng maayos. Walang problema yon." Ngumiti siya. Langit. Hinalikan ko siya ng mabilis.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!