Message: Iniba ko yung prologue kasi masyado atang "mature content" yung previous na prologue ko. At least sa bagong prologue less mature content. Lol. Pero ganon pa rin naman eh. Hope you like this guise. Kung gusto niyo palang mabasa yung original na prologue, click niyo lang yung external link. Hindi ko na kasi ma-open yang account ko na yan. Tatanga tanga ako eh. Nakalimutan ko yung password. Hahaha. Anyway, enjoy!

***

"Cara! Dito ka oh!" Isang napakapamilyar na boses ang narinig ko sa bagong silid-aralan na kinatatayuan ko ngayon. "Tabi tayo." 

Lumapit ako sakanya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

Siya si Recca. Kaibigan ko nung high-school. Sa lahat ng mga tao sa silid aralan na ito, siya lang yung kakilala ko.

1st year college na nga pala kami. At pinalad na naging blockmates pa. HRM ang course naming dalawa. Gusto ko kasi maging Pattisierie balang araw. Pagka-graduate ko ng HRM, kukuha ako ng Culinary Arts sa states at pag natapos ko naman yon, magtatayo ako ng cake shop/cafe dito sa Pilipinas.

Ako si Cara Angela Gomez. Labing anim na taong gulang na kasalukuyang nag-aaral sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Unang taon ko ngayon sa kolehiyo at wala pa akong masyadong kilala. Ngayon nga pala ang unang araw namin bilang mga College Students. Wala pa kaming kaalam-alam sa buhay kolehiyo kaya kailangan kong mag-obserba muna.

Malaki ang espasyo ng silid aralan namin. Hati ang klase sa 50% na lalaki at 50% na babae. Karamihan sa mga kalalakihan ay matitipuno at matatangkad. Maporma din at ma-appeal. Totoo nga ang sabi nila. Halos lahat ng "gwapo" nasa HRM at Tourism. Hindi ko pa alam kung pati sa Tourism pero mukhang sa dating pa lang ng mga nakita kong estudyante kanina, mukhang maniniwala nga ako. Karamihan naman sa mga babae ay mga nakaayos. Naka-kulot at naka-make-up ang ilan. At mas maiikli ng kaonti ang mga palda nila kesa sa normal na lengte ng palda. Nakasuot rin sila ng high heels at may mga kulay ang kanilang mga buhok--that makes me out of place. Simpleng tao lang kasi ako. Hindi ako nagsusuot ng mga sapatos na sobrang tataas ng takong. Saktong haba lang din ang palda ko. Wala akong kulay sa buhok. Natural na wavy ito at medyo mahaba. Kung ikukumpara ako sa mga kababaihang ito, hindi ako male-labelan bilang isang magandang dilag. Too simple. Yan yung madalas nilang itawag sa isang gaya ko.

Katamtaman lang ang height ko. Petite ang body type ko at nakasuot ako ng salamin. Isa sa mga pinaka ayaw kong ilagay ay ang make-up. Onting pulbo lang ay okay na ako. Kaya naman hindi ko mapigilang ma-O.P sa kanila. Hindi nahihirapan si Recca na makisalamuha sakanila dahil pare-pareho sila ng mga interes. Matatawag ko rin kasing isang kikay si Recca. Hindi ko nga ba alam kung paano kami naging magkaibigan nito. Masyado kasi siyang mabait sa lahat ng tao.

"Cara, alika dito! Papakilala kita sakanila." Tinawag ako ni Recca at lumapit naman ako sa kanya. Kasama niya ang mga bago naming kaklase na mukhang mga kikay rin at mayayaman.

"Girls, si Cara. Cara, sina Anna, Mica, Shannen at Racquel." Mukha naman silang mababait. Nginitian nila akong lahat at nakipag-kamay ako sakanila.

For some unknown reason, bigla akong tinitigan ni Mica mula ulo hanggang paa. Mas maliit siya ng kaonti sa akin. Maputi, kulot ang buhok, nakasalamin at petite ang body figure. 

"Simpleng Ganda." Bigla niyang binanggit.

The other 4 checked me out as well. Medyo na-awkwardan nga ako dahil sa mga tingin nila. Hindi kasi ako sanay na pinagtitinginan ng mga tao. Lalo na pag tinititigan.

They all agreed in unison. Nakakataba naman ng puso na masabihang maganda ka.

"Hindi ka nag-aayos, Cara?" Eto na. Kada na lang magkakaron ako ng panibagong kaibigan, yan lang ang tanong nila sa akin.

Ang sex addict kong boyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!