"Sa dami kasi ng pwede mong ipangalan, kapangalan ko pa" sabi ulit nito.

Kumatok ang secretary ko at pumasok, inilagay ang tea sa table at saka umalis.

Inanyayahan ko siyang maupo, na sumunod naman pero hawak hawak niya parin si Snow.
Naibalik na rin niya sa akin yung suit coat ko, kaya lantad na naman ang hita. Tsk.
Alam kong nasa tamang edad na siya para di na kailangan pag sabihan, kaso kailangan ba talagang ganyan kaiksi palda niya?

"Next time, wag ganyan isuot mo."

"Huh?" Tanong niya.

"Next time wag ganyan kaiksi ang suot mo, lalo na kapag papasok ka dito sa company ko." Pag uulit ko.

"May problema ka ba sa suot ko Mr.?" Tanong niya...

Hmmm....Mr.?? I like that.

Nangiti ako ng nakakaloko.

"Ano ulit yun?" Tanong ko dito.

"May problema ka ba sa suot ko Mr. Kerby?"

"Yes, meron. Since ako ang investor niyo, bawal kang mag suot ng ganyan dahil hindi lang sarili mo madadawit kundi ako na kasosyo niyo sa negosyo."

Admit it or not, negosyo na rin ang clinic nila.

"Haha. Sa dinami dami ng may suot na ganitong kaiksi sa COMPANY MO! Ako pa ang napansin mo?" Madiin niyang sabi.

Madaming nag susuot ng ganyan dito? Bakit hindi ko napansin? May dress code kami pero di ako yung nag mamanage don or nag susupervise, dahil hindi ako interesado sa iba. Ni hindi ako tumitingin sa katawan ng kung sinu sino.

"Hindi ba?" Sabi niya ulit.

Napangiti ako, dahil kahit gaano pa ang pag pipigil niya, napaka casual parin ng pakikipag usap niya sa akin. Napaka kumportable.

"Hindi ko alam. Diko naman sila tinitignan." Sagot ko dito.

"Tapos ako na kakarating lang ang pinag didiskitahan mo? Hmmm" sabi niya na sumandal pa sa kinauupuan.

Tumunog ang selpon niya kaya kinuha naman niya ito sa bag.

"Yes James?" Bati niya sa tao na nasa kabilang linya...

James? Yung lawyer kanina?

"Aha,"

"Yeah I got it."

"Okay. Thanks love...see you tonight"
Ang huling sinabi, at saka binaba ang selpon...

Love??? Tonight!!!???

"Siya ba yung lawyer kanina?" Intriga ko dito.

"Hmm" sagot lang at saka uminom ng tea.

"Do you mind if I ask? Is he your boyfriend?"

Tanong ko rito.

Ngumiti siya ng nakakaloko, saka uminom ulit ng tea.

"Thank you for the tea Mr. Kerby. I have to go...see you around" sabi niya sabay tayo pag tapos ibinaba sa couch si Snow.

Tumalikod na siya at hahakbang na sana kaso hinawakan ko wrist niya sabay sabing...

"Boyfriend mo ba siya Snow? Di mo pa nasasagot tanong ko. It's very rude na tatalikuran mo nalang ako without answering my question." Sabi ko rito.

"And you have the audacity to tell me that I'm rude, when in fact you act as one. Can you please let go of my hand?"
Mataray niyang sabi sa akin.

Hindi ko binitawan ang kamay niya.

"And what if boyfriend ko siya Mr. Kerby? Do I need to inform you?" Pag tataray niya ulit.

Namiss ko tong mukhang to, yung pag tataray niya. Namiss ko siyang hawakan. Namiss ko ang lahat sakanya...yung kabuuan niya. Di ako makapaniwala na andito na ulit siya sa harap ko, kahit nag tataray.

Hinila ko siya payakap sa akin. I'm sorry Snow, pero namiss talaga kita.

"Okay I'm sorry kung ang rude ko. I miss you." Sabi ko at hinigpitan ang pag kakayakap.

Di siya gumalaw, di rin siya nag salita.

Tumahol si Snow at dun naman gumalaw si Snow na kayakap ko.

Patulak niyang kinalas ang pag kakayakap ko sakanya.

"I'm also sorry Kerby, but I'm already engaged."

"I would appreciate if you don't act like this in front of me again, especially when there are people around us."

Sabi niya sabay talikod at lumabas sa pinto...











to be continued...

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now