Third Person's POV
Tapos na ang operasyon ni Helene at nagpapagaling na lang siya, finally nakahanap na sila ng compatible na donor.
Ilang ulit pa siyang inatake kaya talagang inoperahan na siya, dahil baka sa susunod na atake niya ay hindi na niya kayanin.
Ganoon parin ang routine niya, hindi niya papansinin ang mga taong bumibisita sa kanya unless it is Doc Gomez, dito lang siya nagtitiwala.
Nakangiti siya habang nag i-sketch nakatanaw siya sa bintana at iginuguhit ang lalaking nakaupo sa bench sa labas.
The man is tall and his back reminds her of someone.
Sandali siyang natigil ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya, sumalubong sa kanya ang nakangiting si Doc Gomez ang papa niya.
"Busy?" Tanong nito, ngumiti lang siya bilang tugon at nagpatuloy na sa pag guhit.
"You should drink your medicine," paalala nito.
"Tapos na Pa," napangiti ito sa sinabi ng anak.
She finally accepted her situation. She finally accepted him as her father. Sa ilang taon niya dito ay ito ang umalalay sa kanya. Ito ang kanyang naging karamay, at ngayon na realize niya na na kaya ito sobrang mag alala ay dahil ito ang tunay niyang ama.
He only want the things that would be the best for her.
His real father and Reign are the only person who truly cares for her.
Suddenly naalala naman ni Helene ang kaibigang si Reign, simula kasi ng ipag tabuyan niya ito ay hindi na niya ito nakita.
Inaamin niya na nagkamali siya sa parteng iyon, kahit pa may pagkakamali ang binata ay hindi niya dapat ito pinagtabuyan.
Nagpalamon siya sa poot na kanyang nararamdaman ay ni hindi ma lang dininig ang paliwanag nito.
Umasa siya na matapos niya itong paalisin ay babalik ito sa kanya, ngunit hindi.
Walang Reign na bumalik, at hanggang ngayon ay naghihintay parin siya.
"Pa, magkwento ka about kay Reign," saad niya sa ama dahil ito ang lagi nitong kasama.
Nakita niya ang malungkot na pag ngiti ng kanyang ama.
"Reign..." His father smile while muttering the name of his friend.
"He was a bright child... He was very understanding and kind," Her father said while smiling. It was like he's super proud of Reign.
"Matiisin at hindi nagsasabi iyon ng mga kailangan niya, minsan nga kung hindi mo pa tanungin ay hindi pa magsasabi," napangiti siya dahil totoong hindi nga mareklamo ang binata.
Kaya nitong mag tiis kung ano lang ang nakahain. He was not the type of person who would demand for every material things.
She suddenly miss Reign, she misses his mysterious eyes, his scent, his voice... Everything... Everything about him...
Helene unconsciously touched her chest.
"Matalino din iyon, at alam kong pinagtatakpan ka niya" napatawa siya habang inaalala ang mga kalokohan niya kasama ang binata na walang ginawa kung hindi ang pagtakpan siya.
Of course his father would know, saad niya at nangingiti kapag inaalala ang mga nagyari noon.
"Minahal ko siya kahit na hindi ko siya totoong anak,"
BINABASA MO ANG
Summer Rain (Completed)
Teen FictionYour warmth and scent might be washed away by the rain, but your love will stay the same. NOTE: Cover photo not mine, retrieved from Pinterest. Credit belongs to the rightful owner.
