Naglalakad na'ko patungo sa kwarto nang may narinig akong ingay. Bumalik ako sa gilid ng nilikuan kong pasilyo kanina at nakita kong bukas na ang pintuang salamin at....





May nakatayo doon....





Nakasandal ito sa gilid ng salaming pinto at tahimik na pinapanood ang buwan na tila ba binabantayan ito.





Isang lalaki, at... bata-bata ito ng kaunti...





Nahihiwagaan na'ko kung sino ang lalaking iyon. Ngunit mas lalo akong naguluhan nang sinagot ang aking tanong.





Pinagmamasdan ko padin ang lalaki nang biglang humangit ng malakas. Dahil doon kaya sya lumingon ng bahagya sa aking direksyon upang salubungin ang malamig na simoy ng hangin.







Dahil sa hangin ay nakita ko ang kalahati ng kaniyang mukha. At, hindi s'ya kung sino lang. S'ya.





Dahil sa gulat ay naestatwa ako. Nanginig naman ang buong katawan ko dahil sa takot. Lumakas ang tibok ng aking puso dahil sa nakita.





Hindi ako pwedeng magkamali, s'ya yun siya talaga yun!!





Dahil sa takot ko ay napatakbo na pala ako pabalik sa kwarto, isinarado ko ang aking pinto at inilock sabay takbo sa kama at nagtalukbong ng kumot.





Hindi ako pwedeng magkamali s'ya yung nakita ko. Nakita ng dalwang mata ko! Malayo pero, kabisado ko ang hugis ng kaniyang mukha kaya hindi ako pwedeng magkamali..





Sa halo-halong kaba, nerbyos, takot at samahan mo pa ng labis na pag-iisip ay bumigat nang muli ang aking mata at napahikab na, ngunit ang nakita ko kanina ay hindi padin mawala sa aking isipan.





Ang lalaking iyon...





ay si Don Joaquin.......















KINABUKASAN...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Hindi na'ko nakatalukbong gaya ng una kong posisyon kagabi.





Pagkatayo ko ng kama ay bigla kong naalala ang nakita ko nang nakaraang gabi. Muli na naman akong ninerbyos at kinabahan.





"Whooooooooooo....... Kleiy may araw na, umaga na, walang multo sa umaga tandaan mo 'yan. Namamalengke ka nga ng madilim pa ang daanan tapos matatakot ka lang don sa multo na'yon. Sus..." pagpapakalma ko sa sarili ko.





Nang pumayapa na ang sistema ko ay napagpasyahan ko nang maligo. Pagpasok ko sa banyo ay napanganga ako.





Hindi ito ang tipikal na banyo sa bahay, iyong tipo bang may timbang malaki tapos andun yung tubig, sa taas non may gripo kung saan nalabas yung tubig. Tapos tapo ang pagsalok ng tubig.



AUTHOR'S POV

(okay, si author muna ha. Hehe ang hirap kase mag explain si Kleiy ngayon e tutulungan ko lang hehe.)

Ang banyong pinasukan ni Kleiy ay hindi katulad nang banyo nila sa bahay. As in malayong malayo mga 10 miles. Charot lang hehe. Balik tayo sa banyo.

Sa bahay nila Kleiy ang meron sila ay balde, tabo at gripo para sa paliguan. Sa banyo dito sa bahay ng don ay iba, wala ang timba dahil may bathtub na s'yang magsisilbing ipunan ng tubig kung sakaling trip mong magbabad hanggang mapasma. Hehe joke lang.

Kleiy: Thorns Of RosesWhere stories live. Discover now