Nagising ako sa tinig ng mga nagsasalita sa aking kwarto, gusto kong igalaw ang aking mga katawan ngunit hindi ko magalaw pero rinig na rinig ko sila.
"Mas lalong lumalala ang kondisyon niya," that's Doctor Gomez.
"Then operahan as simple as that," rinig kong sabi ng isang boses, si Daddy iyon!
Natutuwa ako na bumisita sila akin muli, agad na nawala ang tampo ko sa kanila.
"Malaki ang chance na hindi siya maka survive," hirap na saad ni Doctor Gomez.
"Hon, anong gagawin natin?" I can hear mom, mukhang kakagaling lang sa iyak ng kanyang boses.
"Bakit ako ang tatanungin mo?" Rinig ko ang inis sa boses ni Daddy.
He sounded like he doesn't care. Like even if I die and not survive the operation it was nothing to him.
I suppress the tears that we're trying to escape from my eyes. There's a big lump in my throat that's making me hard to breathe.
Hearing those words like he doesn't care for me makes my heart ache.
"Hindi ka man lang ba natatakot para sa anak mo?" Rinig ko ang matalim na boses ni Doc Gomez.
Tension was evident in the air.
Pagak na tumawa si Daddy.
"Anak? Wag na tayong maglokohan dito dahil alam niyong hindi ko anak ang bastardang iyan!" He shouted.
I felt like there's something inside me broke. My world stoped moving.
Kaya pala parang wala na siyang pakielam sa akin.
Kaya pala parang hindi na siya ang dating daddy na nakagisnan ko.
Kaya pala okay lang sa kanilang hindi nila ako makita.
Ang sakit sakit.
"Shh wag kang maingay baka magising si Helene at atakihin na naman," bakas ang pag aalala sa boses ni Mommy.
"Bakit niyo pa ako sinama dito? Kayo ang mag desisyon diyan! Tutal ay anak niyo naman iyan!"
Kaya pala.
Nakarinig ako ng kalabog at iyak, mukhang lumabas na si Daddy.
Ang sakit sakit, anak ako sa labas.
Anak ako sa ibang lalaki ng ina ko, at ang lalaking iyon ang tatay ng lalaking nagugustuhan ko.
Now it makes sense why Reign is kind to me.
Because he's my brother.
I'm so stupid to give meanings to those kindness.
Wala na bang igugulo ang buhay ko?
Finally ay nabuksan ko na ang aking mga mata, bumungad sa akin ang umiiyak na si Mommy, nasa harap niya lang at tahimik si Doc Gomez.
"Totoo ba?" Pareho silang nagulat na napalingon sa akin.
"H-Helene anak,"
"Ang sabi ko totoo ba!" Hindi ko na mapigilang sumigaw.
Ni minsan ay hindi ako nagtaas ng boses sa mga magulang ko, o kahit man kanino pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na mapigilan.
"I-I'm sorry," umiiyak si Mommy habang niyayakap ako.
So totoo.
Totoo na nag cheat siya kay Daddy at ako ang bunga.
BINABASA MO ANG
Summer Rain (Completed)
Teen FictionYour warmth and scent might be washed away by the rain, but your love will stay the same. NOTE: Cover photo not mine, retrieved from Pinterest. Credit belongs to the rightful owner.
