Nakakapag takang pumayag si Doc Gomez na lumabas kami ni Reign, lulan kami ngayon ng kanyang sasakayan patungo sa isang mall, ilang taon narin ang nakakalipas ng huli akong makalabas ng ganito.
Namamanghang nakasilip ako sa may bintana ng sasakyan, ibang iba na ito sa mga nakita ko limang taon na ang nakalilipas.
"Umayos ka ng upo Helene," paalala sa akin ni Reign, pareho kaming nasa passenger seat at ang driver nila ang nagmamaneho.
Umayos naman ako ng upo at ngumiti kay Reign, ngumiti siya pabalik at kinuha ang aking kamay.
His warm hand covered my small pale hands.
"Excited na ako Reign," natutuwang saad ko inayos lamang niya ang takas na buhok sa aking pisngi at ngumiti.
Nang makarating kami sa Mall ay hindi ko mapigilang mapahanga, nakapunta na naman ako dito noong bata pa ako at matagal na iyon.
Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang pagtingin ng mga kababaihan sa amin, or kay Reign kapansin pansin kasi ang itsura niya kahit pa naka white dress shirt siya na naka tucked in sa kanyang maong pants.
Napatingin naman ako sa suot ko, naka dilaw na bestida ako at sandals, ito lang ang maayos na damit ko kaya ito ang suot ko, karamihan kasi dito ay mga pajamas na terno o di kaya hospital dress.
"Saan mo gustong magpunta?"
Napaisip ako, gusto kong pumunta sa isang national book store para bumili ng sketch pad at iba pang drawing materials.
Noong nakaraan ko pa iyon naiisip pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makabili.
"National book store muna tayo," aya ko sa kanya at agad siyang hinila.
Agad kaming tumungo doon at binili ang kailangan ko, nalibang ako sa pag iikot kaya hindi ko napansing nawala na pala si Reign sa tabi ko.
"Nasan na ba iyon," tanong ko sa sarili habang nag hahanap ng mga paint brush.
"Need help?" Napatingin ako sa nagsalita, a man wearing black hoodie and cap approach me.
"Ah, Alam mo ba kung nasaan yung mga paint brush?" Tanong ko sa kanya.
Agad naman niya akong sinamahan sa part ng mga paint brush, napangiti ako ng makita ang mga ito.
"Salamat!" Nakangiting ani ko, nakita kong namula ang kanyang tenga.
"Anong pangalan mo?"he asked.
I was about to answer him when someone interrupt me, napalingon ako at nakitang si Reign iyon, pawis ang kanyang noo at parang kaka galing lang sa pagtakbo.
"Helene," naging seryoso ang kanyang tinig ng makita ang katabi ko.
"Reign saan ka nanggaling?" Hindi niya ako sinagot, bagkus ay seryoso lang niyang tinignan ang katabi ko.
"I'll go ahead," nag mamadaling paalam naman noong lalaki,
"Bigla kang nawala, wag kang aalis sa tabi ko hindi mo kilala ang mga nakapaligid sa iyo," mahabang turan niya bago ako hinila para magbayad.
Matapos namin naming magbayad ay sa arcade naman kami nagpunta, natutuwa ako dahil naka kuha kami ng dalawang teddy bear sa claw machine.
"Ang cute!" Saad ko habang tinitignan ang dalawang bear sa kamay ko, isang white na bear at isang brown na bear.
"Bigyan natin sila ng pangalan!" Excited na saad ko, nakangiting nakatingin lamang si Reign sa akin.
"Anong pangalan naman?" He asked while holding my hands.
BINABASA MO ANG
Summer Rain (Completed)
Teen FictionYour warmth and scent might be washed away by the rain, but your love will stay the same. NOTE: Cover photo not mine, retrieved from Pinterest. Credit belongs to the rightful owner.
