Pareho kaming nakahiga sa hospital bed ko, maliit ito pero nagkasiya kaming dalawa.
Pareho kaming nakatagilid at magkaharap, nilalaro niya ang mga buhok ko habang nakatitig lamang ako sa kanya.
Ang gwapo niya, isa siyang magandang tanawin na hindi ako magsasawang tignan.
"Akala ko ba may exam ka?"
May exam siya kailangan niyang mag review pero nandito siya ngayon sa tabi ko at pinapatahan ako.
"Hindi ako mapakali kaya pinuntahan kita."
Meeting him was indeed a blessing, kung wala siya sa tabi ko ay marahil ay mag isa akong umiiyak ngayon.
He became one of the many reasons why I chose to fight and survive.
I smiled reminiscing the first time we met.
Naglalakad ako sa pasilyo ng ospital, maingat na maingat ang lakad ko habang nakayuko dahil baka mahuli ako ng mga nurse.
Luminga linga ako para tanawin kung may mga nurse ba, nang masigurong wala ay nag patuloy ako sa paglalakad.
Napangiti ako dahil ilang lakad nalang makakapunta na ako sa elevator.
Ganito madalas ang gawi ko kapag nabobored ako sa private room ko, tumatakas kaya madalas akong pagalitan ako ng aking doctor.
Sa tagal na nandito ako sa ospital na ito at burong buro na ako mag isa sa loob ng kwarto.
Paulit ulit nalang ang routine ko, gigising sa umaga para i-check ng mga nurse, kakain at iidlip tapos check na naman! Nakaka inis na!
Hindi rin kasi ako nakakalabas dahil delikado daw sa lagay ko, bawal ako mapagod bawal ma stress ang daming bawal!
Namimiss ko na ang ate at kuya ko, simula kasi nang mapunta ako dito ay madalang lang sila bumisita, di ko nga alam dati nga ay kahit may sakit ako sa bahay parin ako nagpapagaling.
Pero noong naging ten ako ay bigla akong inatake ng sakit, naging kritikal ako noon kaya hinayaan nalang ako ni mama na sa ospital mag stay para mabantayan ako ng mga doctor.
Naglalakad ako ng mabangga ako sa isang bulto, napahawak ako sa aking noo dahil ang tigas ng katawan nito.
"Aray naman!" Reklamo ko,
"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo," reklamo ko, napa angat ako ng tingin at nanginig nang makita ang seryoso nitong mga mata.
Nakakatakot ito, tila ba hindi man lang marunong ngumiti.
"Ikaw ang hindi tumitingin," kinilabutan ako ng marinig ang malamig niyang boses.
Malalim iyon at napaka manly, tinignan ko ang kabuuan niya at nakitang nakasuot siya ng asul na t shirt at maong na pantalon hindi siya nurse o di kaya hospital staff.
Ang gwapo niya!
"Edi sorry hmmp!" saad ko at umiwas ng tingin.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi, tila ba naaliw sa aking reaksyon.
"Ikaw na nga ang nakabangga ikaw pa ang galit," mababakas ang ngisi sa labi niya ngunit seryoso parin ang kanyang mga mata.
"Nag sorry na ako!" Pilit ko sa kanya. At itinago ang kamay na may Wristband.
BINABASA MO ANG
Summer Rain (Completed)
Teen FictionYour warmth and scent might be washed away by the rain, but your love will stay the same. NOTE: Cover photo not mine, retrieved from Pinterest. Credit belongs to the rightful owner.
