two: Be with you Forever

101 5 3
                                        

Naka upo ako sa kama habang nakatanaw sa bintana, ang ilaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi.

Nakakamangha ang liwanag nito, tila ba nagsasabing sa madilim na pagsubok ay mayroon paring liwanag ng pag asa.

Sinuklay ko ang aking mahabang buhok, hanggang bewang ko na ito kaya pahirapan na sa pagsusuklay.

Madalas kasi ay tinutulungan ako ni Reign na magsuklay nito, naka upo siya sa aking likod habang sinusuklayan ako.

Pero ngayon ay wala siya dahil nalalapit na ang kanilang exam at kailangan niyang mag aral.

Mag isa na naman ako, mapait akong napangiti at tinignan ang aking cellphone na naka lagay sa bed side table.

Kanina pa ako nangangati na tawagan ang Mommy ko dahil hindi man lang nila naalala ang birthday ko.

Nakakalungkot dahil noong birthday ng ate ko ay kumpleto sila, nakita ko ang post nila sa Instagram at pati sila tita ay kasama kumpleto ang buong angkan.

Samantalang hindi man lang sila nag abala na tawagan ako, o di kaya ay kumustahin.

With my trembling hand, I decided to call my mom. My heart feels like racing, it's beating too much. Naka ilang ring pa bago sagutin ni Mommy ang telepono.

"Hello?" Gusto kong maiyak ng marinig ko ang boses ni Mommy, namimiss ko na ang pag alaga niya sa akin.

Naalala ko noong bata pa ako, palagi siyang natutulog sa tabi ko at kapag nagigising ako ng hating gabi ay kinakantahan niya ako para makatulog.

She would bake cookies for us and prepare our lunch boxes.

I wish I could go back to that time..

Gusto ko ulit maranasan iyon.

"Mommy," I sounded like a little girl, hindi ko na napigilan ang pag piyok. I tried to sound normal even when my voice is trembling.

Sandaling natahimik ang kabilang linya.

"Helene? Napatawag ka.." nagbago ang kanyang tono, naging malamig ito.

Wala na ang lambing sa kanyang boses na madalas niyang ginagamit kapag kinakausap ako noong bata pa ako.

"Mom, I missed you and daddy too pati narin sila ate at kuya," I said sobbing, hot tears started streaming down my face.

Gustong gusto ko nang umuwi sa kanila pero bakit parang ayaw na nila sa akin? Bakit parang masaya naman sila kahit hindi ako kasama?

"Helene you know we are busy," buntong hininga niya sa kabilang linya.

Busy sila na hindi man lang nila magawang bisitahin ang anak nilang may sakit sa puso?

I have a coronary artery disease, kaya bata palang ako ay sakitin na ako.

Kaya hirap akong gumawa ng mga normal na bagay na nagagawa ng ibang bata.

Kaya hindi ko makasama ang pamilya ko dahil sa sakit ko.

"Mom, feeling ko mamamatay na ako," narinig ko ang marahas niyang paghinga sa kabilang linya.

"Don't say that Helene! Kaya ka nga namin pinapagamot para mabuhay ka!" Rinig kong sigaw niya sa kabilang linya.

Is that even enough?

Parang gusto ko na lang mawala nang sa ganoon ay wala na silang problema, pakiramdam ko isang malaking abala nalang ako sa kanila.

Summer Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon