One: Dance with me in the rain

342 6 2
                                        

I could feel the cold droplets of water in my skin, but I just continue dancing
It feels surreal, I just wanna enjoy life.

Hinayaan kong mabasa ang ang kulay puting bestida na aking suot, panay ang pagsayaw ko sa ilalim ng malakas na ulan, madilim na ang paligid ngunit hindi ako natakot.

Minsan lang ako makalabas kaya sinulit ko na ang pagkakataon, kung may makakakita sa akin ay aakalaing nababaliw na ako.

Ang mga puno ay gumagalaw tila ba nakikisali sa aking pagsasayaw, napangiti ako habang nakatingin sa langit, idinipa ko pa ang aking kamay.

Kung sa iba ay kalungkutan ang sinisimbolo ng ulan, sa akin naman galak at kasiyahan ang dala nito.

Sandali akong natigilan nang tila ba natigil ang pagbuhos ng ulan, nang magmulat ako ay natagpuan ko ang kanyang mga mata, seryoso ito at madilim, kasing dilim ng mga langit.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ng kanyang pisnge gamit ang aking palad na nilalamig.

"Tumakas ka na naman," seryosong saad niya.

Napanguso ako dahil wala pa akong isang oras dito ay nalaman na niya agad na tumakas ako.

"Birthday ko naman kaya please hayaan mo na ako."

Sa araw na ito ang ika labin limang kaarawan ko, hindi ako nabisita ng aking mga magulang dahil pareho silang abala sa pagpapalago ng aming mga negosyo at ng hacienda.

Nalulungkot ako na hindi ko makakasama ang aking mga magulang o kapatid kahit sa mismong kaarawan ko ngunit tinibayan ko nalang ang aking loob dahil makasasama sa akin ito.

I have to survive.

Muli akong lumabas sa payong, at dumipa para damhin ang patak ng ulan.

Ang ulan na tila ba umiiyak para sa akin.

Nakapikit at patuloy na dinadama ang lamig ng ulan na siyang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

I felt comfort under the rain.

"Hali ka na Reign, hindi ka ba natutuwa sa ulan? Samahan mo ako!" Nagpatuloy ako sa pagtakbo takbo at pag lalaro sa ulan habang seryoso lang siyang nag aantay at nakatitig sa akin.

There's a glint of emotion in his eyes, and I can't pinpoint what.

Nakilala ko si Reign sa ospital kung saan ako naka confine, anak siya ng doctor na may ari nito, sa limang taon ko na pagkaka confine ay siya ang aking karamay, madalas siya sa ospital at kilala na rin ng mga nurse at doctor dito.

Naging malapit kami sa isat-isa dahil pinabantayan ako sa kanya ng doctor na kanyang ama.

Ang may ari mismo ng ospital ang doctor ko, kaya naman ang kanyang anak ang pinagbantay niya sa akin.

Dahil homeschool ako siya ang nagtuturo sa akin lagi kapag uuwi siya galing sa eskwela, ay sa ospital siya agad pumupunta para turuan ako sa mga gawain ko.

Minsan ay naiinggit ako sa kanya dahil kaya niyang mamuhay ng normal, nagagawa niya ang mga bagay na pangarap kong gawin, nakakapag aral sa eskwelahan, nakakasama sa mga gala, at maraming kaibigan.

Marami din naman akong naging kaibigan sa ospital kaya lang ay umaalis din sila dahil galing na sila, kung minsan ay umaalis sila dahil kailangan na nilang pumunta sa sa itaas, nakakalungkot dahil ang buhay ng tao ay may hangganan.

Doon din naman tayo patutungo ngunit bakit ang iba ay kailangan munang mag hirap sa sakit?

Staying in the hospital for too long made me realize two things. One is you are lucky enough to have a second chance and live your life with the people you love. And two, you have to give back the borrowed life that was given to you.

Summer Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon