Prologue

229 29 11
                                    

Isa...



Dalawa...



Tatlo...



Hindi na mabilang kung ilang beses bumaon ang kutsilyo sa katawan ng matanda.



Masaya siyang humuhuni ng isang pambatang kanta na 'Hush Little Baby'



Nakangiti ito habang pinagsa-saksak ang matandang lalaki, bumaon ang malaking kutsilyo sa tiyan nito, dahilan para lumabas ang madaming dugo, dahil sa dami ng saksak na natamo, halos makita na ang lamang loob at mawakwak ito.



Kuminang ang mga mata niya ng makita ang bituka ng lalaki, 'napaka taba, parang isaw' isip nito.



Tila nag lalaway ito at gustong kainin ang laman ng matanda.



Hinila niya ang bituka ng lalaki at hiniwa ito, lumabas naman dito ang iilang hindi pa natunaw na pagkain na kinain ng matanda.



"Gusto ko matikman..." aniya ng bata. "Baboy ka talaga," ngumiti ito sa matandang nakadilat pa ang mata—makikita mo sa mga mata nito ang takot, sakit at pagkagulat.



Hindi pinansin ng bata ang masangsang na amoy ng dugo—imbis pandirihan, nagustuhan niya pa ang amoy.



"Baboy... baboy..." Tumawa ito na tila nababaliw. "Pasensya na kung nahuli kita, Mister. Hindi ako magaling mag hanap, tanga ka lang talaga mag-tago,"



Tumayo ito, bumagsak sa sahig ang hawak nitong mala-kable na bituka, napuno ng dugo ang sahig, nang mag tama ang mata ng bata sa nakatirik na mata ng matanda—tila nag dilim ulit ang mata nito, binalot ng galit ang isip, nanginig ang sistema nito at muling kinuha ang kutsilyo, pinagsasak ulit nito sa dibdib ang matanda, tumigil lang ito ng makarinig ng isang hagulgol—tila nanginginig.



"A-Anong g-ginawa m-mo-o—" halos mahimatay ang isang babae sa nakita nito, "Diyos ko—" Napahawak ito sa dibdib. Nagsimula naring bumagsak ang mga luha nito.



Ngumiti ng matamis ang batang babae, masaya nitong pinakita ang kutsilyo na nabalot na ng dugo.





"Gusto mo din ba sumali sa laro namin, mama?"

LoucuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon