"Anak, wake up! Ikaw lang ang tanging makapigil sa digmaang maganap. Iparamdam mo sa kanila kung paano magmahal sa kapwa."

"Hija, ikaw lang ang tanging pag-asa ng iyong kabiyak. Your mate is unstoppable."

Ako ang makapagpigil sa digmaan? Paano? Gusto kong malaman ang sitwasyon ni Lanz ngayon. Natatakot at kinakabahan ako sa mangyayari. Is he weak or unstoppable?

"I don't have any news about the situation. I don't know but the war was already started. The Alpha of our pack and half of our wolf warriors are fighting there together with your mate," she explained.

Napatakip ako sa aking mukha, nag-init agad ang sulok ng aking mga mata. Naiiyak ako sa takot at pag-alala. Nag-alala ako kay Lanz. Sina Lolo Alessandro, Daddy, at Farah, nasaan sila? Talaga bang pinatay sila ni Davin?

"D-Did Davin told you what happened about my real grandfather and my father? D-Did he really kill my family?" natataranta kong tanong.

"How... a-about F-Farah? Nasaan siya?" Hindi na ako tumingin sa babaeng nangangalang Elaide Akiva dahil may kumawalang luha sa aking mga mata. Ayaw kong ipakita na mahina ako. Parang pinipiga ang puso ko ng napakabigat na maso. Masakit.

'Dad, I'm sorry if I'm a stubborn child but please, stay alive together with Lolo Alessandro. I know, hindi kayo basta-basta magpapatalo sa kasamaan,' bulong ko sa hangin. At alam ko kaya sila dinispatsa dahil nalaman ni Lolo Oliver ang papanggap nila.

Kung pinatay man ang aking natirang pamilya. Paano na ako? I felt Lanz's pain when he know that I hurt his sister-I almost killed his sister. Para akong mawalan ng lakas nang marinig ko ang usapan nila ni Davin at Lolo Oliver. Napakasama ni Lolo Oliver. Hindi man lang niya naisip ang mga mabuting bagay na naitulong sa kanya ng aking pamilya. Naging masama na rin sila dahil sa pagtulong sa kanyang balak na kasamaan, tapos sa isang iglap idispatsa lang pala?

"Your family is safe, Veronica. Nasa pangangalaga namin sila. Si Farah ay nasa pangangalaga ng Yellow Moon Pack sa West. Alam na ni Alpha Lanz na nandoon ang kanyang kapatid..." she paused. Huminga rin siya ng malalim. "... Davin did everything to save you and your family. Also, he did everything to save his mate and his Alpha. I really admire his braveness," may halong lungkot ang boses ni Akiva.

B-Buhay ang aking mga Lolo't ama? Buhay din si Farah? Hindi sila pinatay kundi niligtas sila lahat ni Davin.

"T-Thank, God! I'm so happy to know that they are alive."

I really can't help but cry. I'm happy with the news. Natutuwa akong malaman na buhay lang ang aking pamilya at si Farah.

Napahagulhol akong yumakap kay Akiva. Wala akong pakialam kung bago ko lang siya nakilala ang importante may mapayakap ako ngayon. Masaya akong malaman ang balitang sinabi niya pero naiiyak ako para kay Davin. Napag-isipan ko pa siya ng masama.

Alam ko, alam ko na. Plano lang ni Davin na sumunod sa kanyang ama. At kasama niya sa plano ang mga Alpha ng iba't ibang pack. Wala akong kaalam-alam at maging si Lanz din. Kung malaman ni Lanz na anak si Davin ni Lolo Oliver, sigurado akong papatayin niya ang kanyang Beta. At hindi ko hahayaang mangyari iyon. Napapikit ako nang maalala ko ang huling usapan namin ni Davin sa loob ng sasakyan.

Naintindihan ko na ngayon kung bakit niya sasabihin ang kwento ng buhay niya kaysa sagutin ang mga tanong ko noon. May namumuong luha nang buksan ko ang aking mga mata. Pinalabas niya akong masama kay Lanz, Lolo Oliver at maging kay Farah din dahil gusto niya akong iligtas. Gusto niya kaming iligtas lahat sa kasamaan ng kanyang ama. Siya ang nagtama ng mga maling nagawa ng kanyang ama.

It's my fault. Kung pinakinggan ko lang sana siya, siguro hindi ako magalit sa kanya ng husto. Siguro mas maaga ko pang nalaman na anak siya ni Lolo Oliver. Siguro natulungan ko pa siya sa kanyang ginawa.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora