The Bus Station (Thailand Tour)

Começar do início
                                    

Pagdating namin sa Mukdahan Station ay daglian kaming pumunta sa opisina ng YELLOW BUS. Ang Yellow Bus kasi ang magdadala sa amin sa Thailand papuntang Cambodia. Pagdating namin sa opisina ay sinabi namin sa babaeng Attendant na bibili kami ng ticket papuntang Aranya Prateth Thailand- Ito na ang border ng Thailand at Cambodia. Pero sa kasamaang palad ay nagsenyas ang babaeng Thai Attendant na last trip na ang Yellow bus na nakapila at ito daw ay fully booked na. Sinilip ko naman ang bus at konti lang ang laman. Ang mga bus pala sa thailand ay binu-book online. At kahit konti lang ang laman ay di ka pwedeng sumakay kasi ang mga pasahero na nag-book ay pi-pickup-in along the way. Di katulad sa Pinas na kahit saang station ka sumakay ay pasasakayin ka nila hangga't merong bakante. So tinanong ng mister ko kung anong oras ang next trip. Ang sabi nya ay 6am ng umaga kinabukasan. Siya noon ay nagliligpit na. Kami naman ay drained batt na pati na rin ang mga powerbanks dahil nga sa haba ng biyahe. Kaya nakiusap kami sa kanya kung puwede ba kaming mag-charge. Marunong siya ng simpleng english. Buti naman. Kaya nag-charge kami at nakiinom na rin sa kanya. At bumili na rin ng ticket ang asawa ko para sa trip namin bukas. 500 BAHT per head. Yun ang pera ng Thailand. Ang konversyon nuon ay 1 baht is equal to 1.58 peso.

So ang problema namin ngayon ay ang tutulugan. Naglakad-lakad kami at naghanap ng hotel na matutulugan pero wala kaming nakita. Parang probinsiya ang lugar na ito. Kaya nag-stay na muna kami sa bus station. Tapos kumalam ang sikmura namin at kumain kami dun sa terminal. Mag-a-alas otso na ng gabi nun, ang terminal ay magsasara ng 8pm. Kaya bumili kami ng cup noodles. Kasi ubos na ang baon naming pagkain nun mula sa Pinas. Ugali kong magdala ng biscuit at cup noodles kasi pag nagto-tour kami. Tapos nakiusap ang asawa ko sa attendant ng terminal kung pwede ba kaming mag-stay dun. Ang mga Thailander ay kamukhang-kamukha natin kaya kinakausap nila kami ng salita nila. Sabi namin english please we are from Philippines. Tapos pinakilala kami sa mga kasama nya na Philippine at nginitian nila kami.

Napansin namin ang mga tuktok driver ang nangangasiwa sa station na yun. Sila ang nagpapatay ng ilaw at mga electric fans at naglilinis na rin sa bus station. Nakiusap kami sa isang driver kung pwedeng huwag patayin ang isang bentilador. Pumayag naman sila, ang babait nila. Naiintindihan ko lang sa sinabi nya sa mga kasama, Philippine, Phillipine. Humanap na kami ng puwesto. Malinis ang bus station nila at ang bangko ay mahahaba pwede kang mahiga o matulog. Sa tapat ng isang electric fan ay doon ako pumwesto. Dahil sa sobrang pagod ko ay nakalimutan ko ng maglagay ng off lotion-kontra lamok. Ang asawa ko naman ay nakaupo pa at nagmamasid-masid habang may kinukuskos sa balat. Ako naman ay nahiga, di ako kumportable kasi ang tigas ng higaan. Pero ang sakit ng aking mga mata. Ginawa kong unan ang aking back pack. Nakadilat pa rin ang aking mga mata. Patay na ang mga ilaw nun at sobrang dilim na ng paligid. Napansin ko ang aking asawa na naghihilik na siya. Talagang ganun siya pag pagod ay madaling makatulog kahit nakaupo lang. Habang tulog siya ay yakap ang kanyang body bag naroon ang aming mga passport at mga wallet. Ako naman di talaga makatulog. Naisip ko na baka namamahay ako. Yung feeling na pag first time mong matulog sa isang lugar. Maya-maya ay may narinig akong mga yapak na papalapit sa amin. Naaaninag ko ang isang lalaking may mahabang buhok na palakad-lakad sa terminal. Naka T-shirt ito at shorts. Nasabi kong lalaki dahil sa hugis ng kanyang katawan kasi wala siyang dibdib. Tapos nagsasalita siya ng mga salitang di ko maintindihan, siguro salita nila yun. Umiikot siya sa terminal. Ako naman ay pinigilan kong gumalaw kasi ayokong makita nya ako. Pero sinusundan ko siya ng tingin. Nanginginig na ako sa takot, nanlalamig ang aking mga kamay. Gusto kong gisingin ang aking asawa pero sa kabilang linya siya ng mga upuan. Natatakot akong magsalita. Hanggang naramdaman ko na umupo siya sa aking ulunan sa tapat ng aking ulo. At naririnig ko pa rin siyang nagsasalita ng mga salita nila. Dahil sa malapit siya sa akin, mas naririnig ko ang boses nya. Nakakatakot at ang lalim ng tinig na namumutawi sa bibig nya. Napapaiyak na ako nun at nag-pray ako sa isip ko. Umiiyak ako ng walang boses Maya-maya may narinig ulit akong nga yapak. May naaninag uli akong isang tao na palakad-lakad ito ay tahimik lang. Lalaki na maiksi ang buhok. Minasdan ko ng patagilid kung saan siya pupunta. Habang tinitignan ko siya ay nakita kong nanlikisik ang kanyang mga mata. Bigla kong naalala ang mga napapanood kong Thai Movies (mahilig kasi ako sa mga foreign movies), may napanood ako na kumakain sila ng mga tao. Diyos ko po bigla kong naisip ang mga anak ko. Gusto ko pa silang makitang gumraduate. Hanggang ang lalaking tahimik na ito ay nagpunta naman sa aking paanan. Gusto ko ng sumigaw at tawagin ang asawa ko. Takot na takot na talaga ako. Nang aktong sisigaw na ako, di ko maintindihan. Walang lumalabas na boses sa akin. Para akong naestatwa. Kaya naisip kong mag-pray. Di ako tumigil sa kakapanalangin. At pumikit ako ng mariin. At naramdaman ko ang lalaki sa ulunan ko na biglang tumayo at nagpalakad-lakad uli sa terminal. Patingin-tingin pa rin at parang may hinahanap siya. Pasimple kong tinignan ang oras sa relo ko, mga ala-una na yun ng madaling araw. Lalo kong inigtingan ang aking pananalangin sa Dios at napansin kong lumakad siyang papalayo hanggang bigla nalang siyang naglaho. Tapos napatingin ako sa lalaki sa paanan ko tinitignan ko kung ano ang gagawin. Palinga-linga rin siya na parang may hinahanap siya. Di mawala sa isip ko na baka gusto kaming pagnakawan o kukunin kami at kakainin. Nanginginig pa rin ako sa takot kasi nandito pa rin sa paanan ko ang lalaki. Tapos naramdaman ko na humiga siya sa upuang kahanay ng upuan ko. Di ko talaga inaalis ang tingin ko sa kanya. Ang asawa ko naman ay naghihilik pa rin at walang kamalay-malay sa nangyayari. Tapos di ko namalayan na nakatulog ako marahil sa takot, pagod at puyat. Tapos bigla nalang akong nagising ng may narinig na naman akong mga yapak na papalapit. Dahan-dahan akong kumilos at sinilip ko ang lalaki sa paanan ko. Nandoon pa rin siya natutulog. Kaya ang taong paparating ay ibang tao na naman. Dahil nakaidlip na ako ay nakakuha na ako ng lakas at dahan-dahan akong umupo at nakilala ko ang tuktok driver na nangangasiwa sa terminal. Sinilip ko ang relo ko at 4am na nun. Kinawayan ko siya at tinawag kong Uncle, lumapit naman siya. Binati ko siya ng good morning Uncle at ngumiti naman siya. Nagtanong ako sa kanya kung saan may malapit na toilet, sabi nya sumunod ako sa kanya. Kaya ginising ko ang asawa ko. Tsaka nya kami inihatid sa toilet na nasa gasoline station na siya rin pala ang nangangasiwa sa cr dun. Naisip ko na siguro mabuting tao ito kaya siya ang pinagkakatiwalaan. So doon na kami naghilamos, nag-toothbrush at nagbihis. Gamit ang liwanag na nagmumula sa kalsada. Laking ginhawa ang naramdaman namin at nagpasalamat kami kay Uncle. At nagbalik na kami sa terminal. Sinilip ko yung lalaking nakahiga wala na siya. Nagpalinga-linga ako at hinanap siya pero wala rin talaga.

Mga 5am na yun ng buksan ang mga ilaw. Nakita namin na may mga tao na. Sa ganung oras pala ay may mga pasahero na ang mga tuktok driver. May tinanungan kami kung saan kami pwedeng mag-charge at tinuro ang outlet na wala pa ang may-ari ng stall. Nagpapasalamat talaga kami dahil napakabait nila. Tapos 5 30am nagbukas na ang mga shop at bumili na kami ng breakfast. At nun namin nakita na paparating na ang yellow bus. Tapos nag-take off kami na tatlo lang kaming pasahero 6am sakto at ang iba ay susunduin sa daan. Habang naglalakbay ay di mawala sa isip ko ang nakakakilabot na nangyari sa akin ng gabing yun. Palaisipan talaga sa akin. Sa bus ko kinuwento sa asawa ko ang nangyari. Habang nagkukwento ako nakatingin siya sa aking mukha. At bigla siyang napangiti sa akin. Bakit kako? Buti pa ang mga lamok nakahalik sayo, nagbibiro nyang sabi. Dun ako tumingin sa camera ng cp ko. Tadtad nga ako ng kagat ng lamok.

Di mawala yun sa isip ko kasi marami akong napapanood na yung mga foreigner na nagpupunta sa mga liblib na lugar ay nakikita nalang na bangkay o madalas di na sila nakikita. Kaya thankful ako kay Lord kasi iningatan nya kami sa adventure naming yun. Very effective talaga qng prayer. So it's Faith once again. At minsan ko na naman napatunayan ang power of prayer. Thank you. Dami pa akong ikukwentong travel creepy adventures.

Faith♥️
Pampanga

Scary Stories 5Onde histórias criam vida. Descubra agora