C-H-A-P-T-E-R
3
RED's POV
I heard explosions.
Crying!
Suffering!
Dying!
Bigla kong naimulat ang aking mga mata dahil sa napanaginipan ko. It's so terrible na pati ako ay di makapaniwala.
"Sh*t," pagmumura ko ng makita ang oras. Championship Match namin ngayon tapos ma-l'late ako.
Binilisan ko nalang ang kilos ko para makapunta na agad ako ng school.
"Ba't ang tagal mo," bungad sa akin ni Coach Keath ng makarating ako nang campus.
"Ako lang po kasi mag-isa sa bahay, wala po kasi si Mama." Ok na naman siguro yung rason ko at totoo naman na mahirap kapag ikaw lang mag-isa.
"Sige na, warmup ka na kanina pa nakapagsimula ang iba," agad ko namang ibinaba ang gamit ko at sinunod ang utos ni Coach.
Makalipas ang ilang minuto ay agad na kaming tinawag dahil magsisimula na kami.
"Remember what we trained guys. Stay focus. Let's go," sigaw ni Jude at agad na kaming pumasok ng court.
"Mukhang mahirap nga ang kalaban natin," bulong sa akin ni Win kaya agad akong napatingin sa kalaban namin. Napalunok ako ng aking sariling laway ng mamalayang hindi sila ordinaryong manlalaro. May kung anong puwersa o kapangyarihan ang nakapaligid sa kanila naging dahilan kung bakit mukhang ang lalakas nila.
*whistle*
Ipinako ko kaagad ang aking mata sa kalaban naming mag-s'serve. Teka may itim na usok na lumalabas galing sa kaniya. Mahihirapan kami nito, hindi ito maaari.
"Yes," bigla akong napatingin sa kasamahan ko dahil bigla silang nagsiyahan.
"Red, ba't ang pula ng kanang mata mo?"
"Hah?" Nalilito kong sagot kay Win.
"Uhh... wala baka namalik-mata lang ako," sabi niya at inihanda na naman ang kaniyang sarili.
Teka kami ba ang nakakuha ng puntos? Tinignan ko naman ang scoring board. Kami nga, pero paano yun nangyari?
*whistle*
"Ahh~" napasigaw si Jude ng magserve ito dahilan kung bakit nagka...
"Service ace," nagsigawan na naman ang kasamahan namin.
*whistle*
Agad na nakuha ng kalaban ang bola kaya agad kaming nagsi-ayos ng pwesto.
"Set," sigaw ng kalaban at agad naming nakita ang isa pa namin na kalaban na ang taas lumipad.
"Frank block dyan," sigaw ni Jude kaya agad na pumwesto si Frank.
Namilog ang mata ko ng biglang naging kontrolado ang oras parang naging mabagal ito dahilan kung bakit ko nakita na tumingin at ngumiti sa akin ang kalaban na papalo.
YOU ARE READING
CODE RED (12 towns, 1 region)
FantasyAn 18 year old Senior High School Student named RED living in a simple town together with his mother. One night RED dreamed and everything changed after he met Moon Andreas, the Moon Warrior. Moon Andreas told RED that he's the chosen one but RED tr...
