"Mimi, pwedi po ba nating isama si baby boy sa bahay?" Tanong ni cynddy habang pinupunasan parin siya ng pawis ng yaya niya.

"Hindi pwedi baby, kailangan natin siyang isa uli sa mommy niya, para hindi siya malungkot" sagot ko dito.

Nalungkot naman ang mukha nito sa sinabi ko. Hindi ko paman tapos na bihisan tong si baby boy daw ay tumakbo na ito papunta kay cynddy at niyakap ito.

Ohhh, sweet naman ni baby boy. Napangiti ako ng makita kung lumapit din si wenles sa dalawa at nakiyakap na.

They look like a siblings. Parang kakakilala lang nila e, close na silang tatlo agad.

Mukhang hindi pa naman marunong magsalita itong si baby boy dahil puro ngisi at turo lang ang ginagawa nito. Sa bagay medyo bata pa naman ito kaya parang mga basic words lang ang alam nito.

Nakatingin lang ako sa kanila ng may lumapit sa batang lalaki na isang babae, nakasuot ito ng pang maid kaya baka ito yung kasama niyang nagpunta dito.

"Ayyy susmoyong bata ka, andito kalang pala, kung saan saan na ako nagpunta para hanapin ka" sabi nito sa bata saka ito bumaling sa amin.

"Ah, eh, ma'am kayo po ba ang nagpalit sa damit ng batang to?" Alanganing ngiti nito sakin.

Tumango ako dito saka binigay sa kaniya yung damit na suot kanina nung bata.

"Sa susunod po manang, bantayan niyo po siya ng mabuti." Pagpapa alala ko dito.

"Ay opo ma'am,  sorry po sa abala, medyo malikot din po kase itong batang to kaya minsan nawawala nalang bigla." Ani nito sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng may tumawag sa babaeng kausap ko mula sa likod namin.

"Manang, where is warren? O my god, baby are ok?" Nagmamadaling lumapit yung babaeng kakarating lang sa batang lalaki.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa nakatalikod ito sa gawi ko. Pero parang pamilyar siya sakin.

"Naku señorita, pasalamat nalang po tayo at nakita siya ni ma'am." Turo nung maid sa akin kaya napalingon sa gawi ko yung babaeng mommy ata nung bata.

Paglingon nito sa akin ay nagulat ako ng makilala kung Sino siya, kaya pala pamilyar siya sakin.

Nagulat din ito ng makilala ako pero mabilis din iyong naglaho at napalitan ng seryosong mukha.

Sinabihan niya yung maid na samahan muna niyang makipag laro yung anak niya.

Lumapit ito sa akin saka nagsalita.

"Can we talk?" mahinhing sabi nito.

Tumango naman ako sa kaniya, saka kinausap ko muna yung mga yaya ng kambal ko para bantayan silang maigi.

Nagpunta kami sa isang coffee shop na malapit lang sa park. Pagpasok namin doon ay nagsuot ako ng shades para hindi makilala ng mga tao sa loob.

Actually medyo naiinitan narin ako sa suot kung to, pero kailangan dahil baka dumugin ako ng mga tao dito. Ito talaga yung mahirap pag sikat. Wala masyadong privacy. =_=

Nag volunteer na siya ang mag oorder at ako nalang daw ang maghanap ng uupuan namin.

Pagdating nito sa table namin ay may dala na siyang chocolate coffee and a two slice of chocolate cake.

Naupo ito sa harap kung upuan saka niya nilapag sa harap ko yung isang coffee at isang slice ng cake.

"Thank you" pasalamat ko dito. Ngumiti naman ito sakin ng genuine kaya napangiti narin ako sa kaniya.

She's HerWhere stories live. Discover now