"Cassy's pov"
Nakatanaw lang ako sa dalawang anak kung naglalaro dito sa park, sa park kung saan ako noon unang umamin kay Charles.
Naalala ko pa noon kung gano ako kasaya nung sinabi niyang gusto rin niya ako. Pinahid ko ang luha kung nagbabadya nanamang tumulo.
Nagpupumilit parin talaga silang makita ang didi nila pero gumagawa nalang ako ng mga dahilan para i distract sila sa ibang bagay. Sa ngayon ay hindi kopa kayang sabihin sa kanila ang nangyare sa didi nila, ang bata pa nila para makaranas ng sakit na mawalan.
Nag hired din ako ng magaling na inbistigador para hanapin ang asawa ko, kung sakaling buhay panga ito.
Hindi naman ako nawawalan ng pag asang buhay pa siya dahil yun ang nararamdaman ko.
Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng hikbi ng bata.
Paglingon ko ay wala akung nakita, kaya nakaramdam ako ng takot. Naisip kung hanapin ang pinanggagalingan ng hikbi dahil wala paring tigil ang hikbi nito kaya tumayo ako at sumilip sa mga halamang nakatanim doon. Imposible naman kasing may multo sa umaga ano.=_=
Pagsilip ko sa may maliit na halaman ay nakita ko duon ang isang batang lalaki na naka upo at nakayakap sa mga tuhod nito. Sa tingin ko ay mga nasa dalawang taon pa ito. Nagkalat ang ice cream na kinakain nito sa mukha nito habang wala paring tigil sa pag iyak.
Hindi ko masyado makita ang mukha nito dahil nakatakip ang maliliit nitong kamay doon.
Lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa harapan niya.
"Hey, baby, why are you crying?" Nag angat naman ito ng mukha sakin na ikinagulat ko dahil parang napaka pamilyar ng itsura niya.
Hindi paman ako nakakarecover sa pagkagulat ay tumayo ito at yumakap sa akin ng sobrang higpit habang mas lumakas pa ang pag iyak nito.
Kahit na sobrang dumi nito ay hindi kona iniisip pa at binuhat nalang ito para patahanin siya.
"Mommy. Huhuhu.." iyak parin nito. Habang nakapulupot parin sa leeg ko ang maliliit nitong kamay.
Dinala ko siya sa upuan kanina na inuupuan ko saka nilinis ang itsura nito. Nang matapos kung linisin ang mukha nito ay binigyan ko siya ng isang piraso ng marshmallow. Tumingin ito dito na nagniningning ang mukha, mukhang nagustuhan niya.
Napakapabaya naman ng kasama ng batang to at iniwan ba namang nag iisa ito dito sa park.
Pano nalang kung masamang tao ang nakakita dito. Edi baka ginawan nato ng masama. Mukha pa naman itong mayaman.
"Mimi, who's that baby? His so cute" diko namalayang nakalapit na pala sa amin ang mga anak ko.
Ngumiti naman sa kanila itong munting anghel na nakakandong sa akin saka nilantakan na yung pagkaing binigay ko.
Parang kanina lang e, iyak to ng iyak tapos ngayon ang saya na niya naka kain lang ng marshmallow.
Mga bata nga naman ang baba ng kaligayahan.
Hindi na naman ito umiiyak at nakipaglaro na sa mga anak ko.
Binilin ko muna silang tatlo sa mga yayang kasama namin saka nagpunta sa malapit na tindahan ng t-shirt para bilhan ng bago yung bata, pawis na kase siya baka magkasakit pagnatuyuan.
Pagbalik ko sa kanila ay naglalaro parin silang tatlo kasama yung mga yaya, ang saya nilang tingnan. Para talaga silang magkakapatid dahil yung batang lalaki ay kahawig nung mga anak ko.
Hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sa bata. He look like a mini wenles, medyo hawig sila ni wenles ng konti.
Lumapit ako sa kanila saka hinuli yung batang lalaki at pinunasan yung pawis niya saka siya pinalitan. Yung kambal naman ay inasikaso nung mga yaya nila.
YOU ARE READING
She's Her
FanfictionWelcome to my story gxg Ito po ay girl to girl story, kung ikaw po ay straight you have the right to leave. Lahat po ng mga pangalan, Lugar, o mga panyayare na may kinalaman sa totoong buhay ay hindi po sinasadya ng manunulat. ang inyo pong mabab...
