24. Dream Catcher

6 4 0
                                    

Chapter 24

Isa, dalawa, tatlo...

Tatlong araw ang lumipas matapos ang pagsugod ng mga Huntres dito sa Centenary. Tatlong Huntres ang nahuli, samantala'y nakatakas naman ang dalawa. Kasama sa tatlong nahuli ay sina Basilio, Martina at ang isa palang blondie na siyang nawalan ng malay dahil kay Sandro na siyang nagngangalang Gener pala.

Napag-alaman kong kinulong ang mga ito sa tig-iisang k'warto rito sa laboratory ng Centenary. Pero sa hindi malamang dahilan, tatlong araw narin akong hindi pinalalabas dito sa k'warto na siyang dating kinalalagian ko. Nalalaman ko lang ang mga simpleng impormasyon ukol sa mga Huntres sa pamamagitan ng mga pagtanong sa naghahatid sa'kin ng pagkain dito na siya namang alam kong pili lang din ang mga impormasyong binibigay sa'kin.

"Kailan niyo ba ko balak palabasin dito?" walang ganang tanong ko sa babaeng kakapasok lang habang dala-dala ang mga pagkain ko.

"Huwag kang mag-alala. Maaari ka ng lumabas mamaya kaya sana naman ay bitawan mo na yang hawak mo sa kanang kamay mo." malumanay sa sagot naman nito dahilan para mapangisi ako bago dahan-dahang ilabas ang kamay kong nasa bulsa ko at binuksan ang nakakuyom kong mga palad. Doon, kita kong napailing-iling ito matapos makita ang duguan kong kamay na may hawak-hawak na piraso ng salamin na siyang binasag ko sa banyo.

"Hindi ka preso sa lugar na 'to, Demetria." pagbuntong-hininga nito matapos ilagay ang hawak nito sa mesa bago dahan-dahang lumapit sa'kin. "Huwag mong isipin na kinukulong ka namin. May mga bagay lang talaga nitong nakaraan na inayos sa Centenary dahilan para hindi ka palabasin sa lugar na 'to."

"Totoo?" nakangiting tanong ko rito matapos makitang hinawakan nito ang palad ko. Pagkatapos ay napangisi nalang ako bago ko siya malakas na hawiin ng hawak ko sa mukha dahilan para mapaatras ito at muntik pang mawalan ng balanse.

Sayang at hindi natamaan ang mukha niya.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko kanina?" biglang seryoso ang boses na tanong nito matapos makatayo ng ayos. Pero hindi ko na siya sinagot pa dahil mula ko siyang sinugod at sinipa sa t'yan na agad niya lang sinalag ng mga braso niya.

"Hindi mo ko kaya." seryosong ani nite dahilan para ngitian ko lang siya ng matamis.

"Pero wala akong balak na talunin ka. Dahil ang balak ko ay ang patayin ka. " sagot ko naman bago mabilis na sinugod siyang muli at muling itinutok ang kapiraso ng salamin na hawak ko sa leeg niya.

Agad naman itong umiwas tsaka malakas na binigwas sa akin ang alumunim na tray nq siyang kinalalagyan nito kanina.

Nahilo ako't napaatras matapos akong tamaan nito sa ulo. Samantala, ang mga pagkain namang nakapatobg sa tray na 'yon kanina ay nagsiliparan ang mga mga laban sa kung saan. Pati ang mga bubog ng mga pinggan at mangkok at nagkalat na sa sahig.

"Kumalma ka muna, p'wede ba?" animo'y walang ganang sabi nito dahilan para mapailing lang ako't muli siyang sinugod.

Hindi ko pinansin ang mga naapakan kong bubog, bagkus, tuloy - tuloy akong tumakbo papunta sa direksyon niya tsaka siya mabilis na tinalunan. Doon, hinuli ko ang ulo niya gamit ang mga hita ko tsaka malakas na siniko ang bungo niya.

Naramdaman ko ang lakas ng impact ng pagtama ng mga siko ko sa bungo niya kaya nama'y sandali akong napangisi. Pero agad ding nawala ang ngisi ko matapos na mahigpit nitong hawakan ang mga hita ko tsaka ako nito mabigat na binagsak sa sahig.

Una ang likod ko na siyang bumagsak sa mabubog na sahig dahilan para mapaungol ako at mapapikit sasakit. Pero agad din akong nagmulat ng mga mata ko tsaka mabilis na muling hinuli ang ulo niya gamit ang mga braso ko tsaka siya sinakal.

"You're dead." mapagbantang ani ko rito. Pero bago ko pa man tuluyang mabali ang leeg niya, nakaramdam nalang ako ng pagtama ng animo'y karayom sa likod ko dahilan para mapalingon ako. Doon, kita ko sa bandang pinto ang isang lalakeng naka-suot ng puting lab coat habang may hawak-hawak na animo'y laruang baril.

"Mahilig kayong maglaro ng baril-barilan dito?" mahinang tanong ko habang dahan-dahang akong nawawalan ng lakas bago mapabitaw sa babaeng sinasakal ko at mapahandusay sa sahig.

Narinig ko pa ang sandaling paghalakhak ng lalake sa pinto bago ko nakita ang anino nitong papalapit sa direskayon ko.

" Isa pa 'tong kapatid ni Josefa. Hindi manlang marunong kumalma." dinig kong sabi nito bago ako tuluyang mawalan ng malay.

...

Samantala, matapos mawalan ng malay si Demetria ay siya namang napabangon ang nanghihinang babae na ngayo' y duguan na ang ulo.

"Muntik ka na r'on. Masyado mo siyang minaliit." komento ng lalakeng bumaril ng pampatulog kay Demetria.

"Nevermind. Medyo hindi narin naman ako nagulat, lalo pa't kapatid siya ni Josefa." mahinahong sagot naman ng babae dahilan para mapataas lang ng kilay ang lalake.

"Hindi 'yon dahil sa magkapatid sila. Kailangan mo lang talagang magpakas pa."

Napaingos ang babae sa sinabi ng lalake pero hindi na siya sumabat pa.

"Bakit ka nga pala nandito?" pag-iibang tanong ng babae na siyang ikinangisi lang ng lalake.

"Natapos ko na! Nagawa ko na! " may pagka-eksaheradong tuwa na sabi ng lalake. "Nagawa ko na ang Dream Catcher."

Napangiti ang babae. "You finally succeeded."

"Oo." tumango ang lalake. "At sa ngayon, si Josefa ang unang-una kong gustong pag-eksperimentuhan."

Napangisi ang babae bago ito napasapo ng ulo. "Ramdam kong hindi lang pagkabasag ng bungo ko ang mangyayari sa'kin sa oras na magising sina Josefa at Sandro, tapos ay malalaman nila ang ginawa mo. At alam kong alam mong kahit na alam kong hindi maganda ang kalalabasan nito, hindi kita pipigilan."

Natapawa ang lalake. "Hindi ko kasalanang masyadong interesante ang pagkatao ni Josefa. Tsaka kasalanan ko bang wala silang laban ngayon?" Nilingon ng lalake ang katawan ni Demetria na ngayo'y nakahandusay sa sahig. "Isa pa, itong kapatid ni Josefa, natitiyak kong interesado rin siyang malaman ang nakaraan ni Josefa. Kaya bakit hindi natin siya isama sa panonood ng nakaraan ni Josefa? Malay mo, ikatuwa pa ni Josefa sakali mang mas maintindihan siya nitong kapatid niya at mas magkaroon ito ng rason para manatali sa tabi niya. "

"Masyado kang maraming sinasabi, Benedict. Basta ako, handa na ako sa kung anumang maaaring mangyari sa'kin pagkatapos. Ang mahalaga, gusto kong malaman kung gagana nga bang talaga ng tama ang Dream Catcher na siyang gawa mo." iiling-iling na sabi ng babae na siyang ikinangisi lang ng lalake.

"Oh, don't worry, Rose. Dream Catcher will surely work. I made sure of that. "

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon