IIGTBB - 01

26 6 0
                                                  


Note:

Guys ito yung first chapter ni khaiza hope you like it. Ayun lang guys. Take care always. Ilovey'all. Hahaha!

- - -


Ginising ako ni Lola Llyanda ng maaga para sa dadalhan ng ginawa niyang pagakain. Gumagawa kasi si lola ng home made food tapos babayaran nalang ng kukuha ng pagkain.

"La, pati po ba itong plastic na pula?" tanong ko kay Lola.

"Hindi, apo. Mamaya mo na dadalhin iyan pagkatapos mo itong ibigay kay Mr. Acosta. Bumalik ka kaagad dito." Lola Llyanda.

"Okay po lola." sagot ko.

Nakapagalmusal naman na ako kaya ayos lang sakin. Ibinigay sakin ni lola ang address ng pagdadalhan ko nitong home made food.

***

"Eto na siguro iyon." saad ko ng mapako ang tingin ko sa isang mataas at malaking gusali na nakatayo sa harapan ko. Pumasok nako sa loob ng gusali buti nalang kilala nako ng gwardiya dito.

"Good morning ma'am. How can i help you?" tanong sakin ng babae sa information desk.

"Kay Mr. Acosta po." sagot ko. Pinakita ko yung home made food na pagkain na nakabalot sa kulay pink na tela at nasa loob nito ang tupperware na kulay puti.

"Nasa meeting po siya ma'am. Pero po ang sabi ng secretary niya ay puntahan niyo nalang po." sabi sakin ni ate sa information desk.

Pumunta nakong elevator at pinindot ang 21th floor. Nang makarating nako kumatok muna ko sa pintuan bago ko ito binuksan.

"Good morning po, Mr. Acosta." nakangiting bati ko sakanya.

Nasa mid 50's na si Mr. Acosta isa sa may ari ng gusaling to. Dating nagtatrabaho sakanya si Lola pero ngayon ay iniwan niya na ang ganung trabaho at pinili nalang niyang umistay sa bahay at magluto ng masasarap na pagkain at ibenta ito. Inilagay ko na sa lamesa ang kanina ko pang hawak na telang kulay pink na may lamang pagkain sa loob.

"Magkano lahat?" tanong niya at inilibas ang wallet.

"350 po." sagot ko.

Pinagmasdan ko lang ang opisina ni Mr. Acosta ang lawak at ang simple lang ng pagkakayos nito.

"Napakasuwerte talaga ni Manang Llyanda sayo." ngumiti lang ako sa sinabi niyang iyon.

'Ang swerte ko lang po dahil siya po ang lola ko.' sa isip na sabi ko.

"Maramimg salamat po." sagot ko. Tinignan ko ang pera iaabot ko sana ang sukli ng sinabi niyang.

"Sayo na lahat ng iyan." Dalawang libo ang binigay niyang bayad. Nagbow ako sakanya bilang pasasalamat.


Simple lang ang pamumuhay namin ni lola siya ang tinuring kong magulang dahil hindi ko na alam kung nasaan pa ang mga magulang ko. Sanay nakong kasama si Lola at wala nakong mahihiling pa kundi ang makita ko siyang masaya sa mga ginagawa niya.


Ako si Khaiza Faye Lee. Purong koreana. Ipinagmamalaki kong lumaki ako sa lola ko dahil siya ang nagsilbing magulang sakin at minahal niya ko ng buong buo.

Lahat gagawin ko para sa lola ko. Iba kasi ako kung magalit at ayoko sa lahat yung dinadamay pati ang mga taong malapit sakin. Mabait naman ako kaya lang kapag sumobra na nako ayoko nalang magsalita dahil hindi maganda ang mga lalabas na salita sa bibig ko.

Kailangan ko ng ibigay tong pera ni lola para may pambili na kami ng ulam mamayang hapunan. Nang makababa nako sumakay nako sa bike at pinidal na ito papunta sa bahay.


"Andito na po ako." - sabi ko kay Lola.


Itinabi ko na ang bike at pinasok ito sa loob doon banda sa bodega namin. Ibinigay ko na yung pera kay Lola. Ibinigay na sakin ni Lola yung plastic na pula doon lang naman ito sa kabilang kalye.


Sanay nako sa mga ganitong gawain bago pa ako makapasok sa Far Eastern Academy ito na ang trabaho ko para kay Lola sakto lang ang kinikita namin sa negosyong ito ni Lola.


Pinindot ko ang doorbell kina miss pascua ito yung pagdadalhan ko ng plastic na kulay pula may laman itong kimchi na binabalik-balikan ng mga umoorder kay Lola. Isa ito sa best recipe ni Lola dahil narin siguro sa secret ingridients niya kaya binabalikbalikan ito.


"Ito na po yung inorder niyo, Ms. Pascua." nakangiting sabi ko sakanya.

"Hija, Aunt Jolie nalang." nakangiting sabi niya sakin. Nagawa ko pang kagatin ang ibang lalabi ko dahil sa kahiyaan.


Gusto ko ng ganitong klase ng bahay. May sarili silang garden na dito ngayon sa kinatatayuan ko. Malago ang mga halaman niya halatang inaalagaan parati.

Pagkabigay niya ng bayad may dala siyang paper bag inabot niya ito sa akin.

"Ano po ito?" takhang tanong ko.

"Mga damit iyan ng anak ko. Hindi ko alam kung mahilig ka sa ganyang mga damit isang beses niya lang nasuot ang mga iyan." sabi niya sakin.

"Maraming salamat po." nakangiting sagot ko.


Masaya kong naglakad papunta sa bahay. May bago na naman akong damit na ibinigay. Ibinigay ko na yung pera kay Lola at naghugas ng kamay.

Doon ako pumwesto sa sala para tignan ang mga damit na ibinigay sakin ni miss pascua.


"Ang ganda naman ng mga 'to." - ako.

Ang binigay ni miss pascua sakin ay croptop shirts at isang pantalon na ripped jean tapos dalawang oversize tshirt. Pumunta kong kwarto at itinabi na ito sa drawer ko.


Kahit maliit o malaking bagay pa iyan kailangan nating tanggapin at matuto tayong magpasalamat sa nagbigay satin nito at huwag na tayong maginarte dahil bigay ito satin hahaha! O gets niyo ba? Basta huwag tatanggi sa grasiya. Matutong tumanggap kahit ano pa iyan.

Maiwan ko muna kayo at marami pa kong kailangang tapusin na gawain. Byers!

It Is Good to be Bad (TFMQs Book II of 2)Where stories live. Discover now