HELP!!

755 88 36
                                    

Genre: Horror

TW: Blood, Murder, Psychopath, Cheating

"RUN AS FAST AS YOU CAN. BECAUSE ONCE I CATCH YOU I WILL SURELY DRAG YOU TO HELL."

 Lakad at takbo ang ginawa ko para makatakas sa mansyon na ito. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito, pero ang mahalaga ngayon ay makatakas ako.

Diretso akong tumatakbo nang bigla akong napahinto. Nakarinig kasi ako ng isang pumapalahaw na sigaw.

Kilala ko ang boses na 'yon, si Ashley!

Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong bumalik o hindi. Pero hindi kaya ng konsensya ko na iwanan nalang siya roon.

Patakbo akong bumalik sa loob ng mansyon kung saan nagmumula ang sigaw.

Pagkarating ko ay dali dali akong sumilip para makita kung ano ang nangyayari. Pagkasilip ko roon ay agad akong nahindik sa aking nakita.

May isang babae ang nakatali at nakahiga sa kama na walang saplot, naka patong naman dito ang isang babae. Kilala ko ang babae na iyon, si Autumn, ang girlfriend ko. May hawak ito na nail cutter na kinuha niya mula sa kaniyang bulsa. Nakita ko rin sa gilid niya ang isang palakol. Mukhang bago pa 'yon.

Sandaling nawala ang tingin ko sa kanila nang makarinig ako ng kalabog mula sa kusina. Nakita ko mula roon ang pagtakbo ng isang pusang itim, hindi ko na lamang iyon pinansin at binalik ko ang tingin ko sa kanila. Pero ganun na lamang ang gulat at takot ko ng makita kong dahan dahang tinatanggal ng girlfriend ko ang balat ng bestfriend niya gamit ang isang nail cutter.

Hindi mapigilan ni Ashley ang mapasigaw dahil sa sobrang sakit nun. Kitang kita ko ang pagmamakaawa sa mukha niya. Gusto ko siyang tulungan, pero hindi ko magawa. Nanginginig ang aking mga kamay at paa. Hindi ko man nais silang panoorin ay hindi ko magawa, dahil hindi maalis ang tingin ko sakanila.

Maya maya pa tumayo si Autumn at kinuha ang isang palakol, at walang pasabi na pinalakol niya ang paa nito. Napakalakas ng impit na sigaw ni Ashley habang nagtalsikan ang mga dugo niya sa sahig.

Ngiti, pag ngiti lang ang ginawa ni Autumn, na tila ba nasisiyahan s'ya sa nakikita n'ya. Akala ko ay tapos na, pero hindi pa pala. Sinunod nya agad ang mga kamay ng babae.

Kitang kita ko ang paghihirap at sakit na nararamdaman ni Ashley.. Putlang putla na s'ya, na parang ano mang oras ay babawian na s'ya ng buhay.

Hindi ko mapigilang mapaiyak doon, dahil wala man lang akong magawa para iligtas s'ya sa kamay ng Girlfriend ko.

Nakita ko ang marahang pagbuka ng mga labi ni Ashley, na tila ba may gustong sabihin sa babae.

Maya maya pa ay bigla namang tumawa ng malakas si Autumn at nagsalita, “Maawa? noong ninyo ba ako, naawa kayo? Kaibigan kita pero bakit mo inahas ang boyfriend ko?!” malakas niyang sigaw sa mukha nito.

“Akala ko ba wala tayong talo talo, ha?! Tapos makikita ko nakikipaghalikan ka sa boyfriend ko! Ang kakapal pa ng mukha n'yo dahil sa pamamahay ko pa!” kinuha nito ang kutsilyo sa kaniyang tabi at pinagsasaksak ang babae.

“Oo! pinayagan kitang dumikit sa kaniya. Dahil kapatid ang turing ko sayo. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin niyo!” Inis na bulaslas niya at biglang hinataw ng palakol si Ashley sa ulo.

Nakita ko ang pagkahulog nito sa lapag at ang pagsirit ng mga dugo nito. Ang iba pa ay napunta sa mukha ni Autumn.

Pero imbes na mandiri, nakita ko ang paglabas ng kanyang dila at tikman ang dugo na napunta sa mga labi niya. Nakita ko kung paano matakam ang kanyang mga mata habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng kaibigan niya.

The Tales of EuriaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora