Umiiyak akong umalis sa lugar na yun. Pagdating sa hallway, pinunasan ko yun para walang makahalata. Hmm, wala din pala silang pakialam sa akin kaya bat ko pa iisipin yun. Haist. Madaming tumingin sa akin, nagbulungan habang naglalakad ako sa gitna ng hallway, siguro napansin nilang di kami magkasama ni Enzo na pumasok ng araw na yun. Lagi kasi nilang nakikita na magkasama kami kaya nakakapagtaka talaga na di kami magkasama ngayon pero di ko na lang pinansin. Ganun naman talaga ako eh, di pinapansin ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid ko. Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko ng isyu.
*Enzo's Pov*
Di ko talaga inaasahang maririnig lahat ni Courtney ang pinag-usapan namin ni Ayu. Sa totoo lang, di pa ako handa sa ganitong eksena pero may magagawa pa ba ako? Malalaman din naman nya eto kalaunan eh. Bakit pa patatagalin di ba! Nang inamin ko ang totoo at makita syang umiiyak sa harap ko. Parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko sa kanya.. Gusto ko syang icomfort ngunit di na pwede. Di ako dapat maawa sa kanya. Di ko dapat maramdaman to. Casanova ako at wala sa bukabolaryo ko ang mga yun. Ayaw ko na ng ganitong nararamdaman! Ayaw ko na kaya tama na malaman nya na to! Di ko na gusto tong mga nangyayari sa akin kaya tama na nalaman nya ang pustahan para di na ako makaramdam ng mga weirdong feelings.
Bahala na!
Starting today, tapos na kami. Tapos na ang pustahan. Nanalo na ako kaya hanggang dun na lang yun. Kung ano man ang nararamdaman kong kakaiba, matatapos na yun sa araw na to! Period!
Di ko na sya kilala. Di ko sya nakikita. Kakalimutan ko na ang lahat. Wala na akong kakilalang Courtney!
Ako si Enzo, kung ano ako dati, ngayon ganun din ako. Di magbabago yun.
Kinahapunan, pauwi habang nakasakay ako sa kotse ko ay binuksan ko ang mp5 ko. Feel ko kasi makinig ng kanta ngayon. Senti mode? Hindi ah! Wag kang epal! Gusto ko lang makinig eh, may problema ba? Hmp.
Masyado ka talagang nagpapacute sa akin! :p
*Nang pumainlang na ang kanta.*
Ganda ng intro ah! Sino kaya nagDL nito? Baka si Ice. Mapakinggan nga..
now playing..
Paglisan by Republikan
a/n: AYEAH! Parang eto ang themesong ng story na to ah. Wala lang! Kasi eto palagi kong tinutugtog kapag nagtatayp ako ng UD at naririnig ko, nagaganahan ako magUd. Patama sayo to Enzo! Yung ibang lines. :D Maganda sya, ang sarap pakinggan.. :)**
*chorus*
bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito sa iyong paglisan hapdi ang syang naramdaman hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
verse I: sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat? ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito pilit na inaalala mga bagay na nangyari saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari at naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan dahil ba sa sabi-sabi at mga bali- balita di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan [repeat chorus]
** Ang ganda ah pero mukhang di ko gusto ang mga lyrics. Pakiramdam ko si Ney kumakanta nun! Shet. Paranoid na ako! Kung ano ano ang naiisip ko! Lecheng buhay to! Kakalimutan ko na nga, pinaalala pa!
verse II: lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka di na ko umasang babalik ka pa pagkat wala na ngang pag asa kahit na akoy magsisi at lumuha di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa gustuhin ko man na ibalik hindi na maari pagkat sa puso mo ay meron ng nag mamay-ari at alam ko na kayong dalawa ay nagmamahalan tiniis ko ang sakit at hindi na kitang pinigilan ilang beses kung niloko ang sarili kong ito na kaya kung mabuhay kahit na wala sa piling mo ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang, upang itago ang nadarama't tuluyang maibsan nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo yun ay di ko maabot dahil sayong paglayo alam kung di mo na pakikinggan kahit na isigaw walang ibang kulang sa buhay ko mahal kung di ikaw
*chorus*
bakit kailangan humantong.sa hiwalyan ng lahat ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap hindi ako nagkamali at nag kulang sayo sinta ngunit anung isinukli iniwan mong nag-iisa bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito sa iyong paglisan hapdi ang syang naramdaman hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam.. ---
Sa inis ko, pinatay ko ang kanta at tinapon ang mp5 sa labas ng bintana. Dont worry, madami sa bahay na ganun. Nakakainis! Di ko alam kung bakit naiinis ako ng ganito? Sa nararamdaman ko ba? O sa kanta? Ang gulo!
Argh! Di kaya guilt tong nararamdaman ko!?
No! Mali! Di ako makakaramdam ng ganun.. Asa! Napakalaking ASA! Wala akong nararamdaman! Wala! Okey! Wala! Wag makulit! Okey ako. Wala akong nararamdaman. Okey ako! OKEY AKO!
Bwesit!
Dahil sa sobrang inis, naapakan ko ang break ng biglaan at muntik pa ako mabangga!
Courtney, umalis ka nga sa isip ko! Mawala ka na sa isip ko na nakikita kitang umiiyak! :/
itutuloy..
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
chapter 24
Start from the beginning
