26 "First Kiss"

44.5K 933 65
                                          

26

"First Kiss"

Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong dumilat. Ceiling ang una kong nakita. Tumingin ako sa paligid nakita ko ang isang malaking television, isang malaking sofa sa harap, may refrigerator din at— nakahiga ako sa isang malambot at malaking bed. Nakahiga? Bigla akong napaupo. Nasa loob ako ng isang kwarto, pero hindi naman kwarto sa apartment yun at lalo namang hindi kwarto ni Katy yun. Bigla na namang kumirot yung ulo ko. Paano nga ba 'ko nakarating dito?

Natatandaan ko lang eh kausap ko si Tonsi tapos— tapos wala na kong matandaan. Bumaba ako ng bed at tumayo ako. Naglakad-lakad ako sa loob nung malaking kwarto. Naisip ko mayaman ang may ari nung room. Habang naglalakad ako napapasok ako sa CR. Grabe ang linis ng CR dito, pwede mo nang tulugan sa sobrang bango at ganda. Napalaki pa. Napaharap ako sa salamin.

Sobrang nagulat ako, nakabathrobe na ko! Sinong nagbihis sa'kin? Nasan na yung damit ko? Baka napagsamantalahan na ako ah. Pero si Tonsi lang naman ang huli kong kasama.

Lumabas ako ng CR at bumalik sa bed. Pinipilit kong alalahanin kung paano ko napunta dito, pero hindi ko talaga maalala. Maya-maya may nakita akong anino sa loob ng CR. Kinakabahan ako, dahan-dahan kong tinakpan ang sarili ko ng kumot.

"Mabuti naman at gising ka na?" sabi nung lalaki sa loob.

Maya-maya lumabas na sya habang nagpupunas ng towel sa basa nyang buhok.

"Ikaw?" tanong ko sa kanya.

Si Tonsi bagong ligo. Lakas ng loob, nakaboxer lang sya at sando sa harapan ko.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!! Rape!!!!" sumigaw talaga ako ng malakas dahil sa sobrang takot.

"Hoy! Shhhhhhhhh!"

"Huwag kang lalapit sa'kin." Habang binabato ko sya ng unan.

Natawa lang sya habang dahan-dahang lumapit sa'kin.

"Sinabi nang wag kang lalapit. Sisigaw ako. Hindi ako nagbibiro!" nanginginig kong sabi habang umaatras sa kabilang gilid ng kama.

Ngumiti lang sya. Yung ngiti nya parang nang-aasar, pero cute naman. Ih!!!! Ano ba 'tong iniisip ko.

"Sir, kakausapin daw po kayo ni doc." Biglang sumulpot yung maid sa may pintuan.

Inihagis nya yung towel sa may sofa at nagsuot sya ng bathrobe. "Ikaw na muna bahala sa babaeng 'to." At lumabas sya ng room.

"Ma'am, may kailangan po ba kayo?" tanong nung maid habang dinadampot yung mga unan sa floor.

Sumilip ako sa labas at nakita kong may kinakausap si Tonsi na lalaki. "Excuse me po, sino po yung kausap nya?"

"Sya po yung doctor na tumingin sa inyo nung dinala kayo dito si sir."

So bahay pala nya 'to. Bakit kaya dito pa nya ko dinala? Ano bang nangyari sa'kin? At sinong nagbihis sa'kin?

"Ah— sino pong nagbihis sa'kin? Tsaka nasan po yung mga damit ko?"

Tumingin muna sa labas ang maid tsaka sya sumagot ng mahina.

"Eh ma'am, ako po ang nagbihis sa inyo. Wag nyo na lang pong sabihin kay sir na sinabi ko sa inyo."

"Ay naku manang, hindi nyo talaga kayang magsinungaling." Biglang sumulpot si Tonsi.

"Pasensya na po sir, mukha po kasing natatakot na si ma'am."

Tumawa lang si Tonsi sa narinig. "Yun nga yung gusto ko eh. Aasarin ko lang sya at tatakutin. Kaso wala na, sinabi nyo na." At tumawa sya ng tumawa.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon