"I said, calm down!" Sinigawan tuloy siya ni Mama Belle."Selene will replace Kaye. Wala nang problema." Nanlaki ang mata ni Brien sa sinabi ni Mama Belle.

"S-She'll replace Kaye? Why? Pumayag si Sir Darius? Teka, marunong ba siya?" Sunod-sunod na tanong niya.

'What the hell?'

"Sir Cyrus left with no choice but to let me, Brien. I can do it! Watch and I'll make you impress." Sinagot ko siya ng may bahid ng inis.

'Bakit ba nila iniisip na hindi ko kaya?!'

Wala na si Mama Belle sa tabi ko. Kausap niya ang ibang mga modelo na nakapagbihis na. Lahat pala sila ay nakapagbihis na, ako na lang ang hindi.

"I-I didn't mean to of-"

"Selene! Magbihis ka na, after that performance, lalabas na kayo."

Hindi ko na pinansin ang sinasabi ni Brien. Mabilis kong kinuha ang hanger na una sa pila ng mga damit sa isang sampayan na may pangalan na 'Kaye'. Nagpunta na 'ko sa isang bakanteng cubicle para magbihis.

I'm wearing a white spaghetti strap top and a checkered high waist pants. I'm also wearing a crop top denim blazer and a black belt. Hindi na raw kailangang palitan ang suot kong 4-inch white platform dahil bumagay naman daw sa damit. Ang buhok ko naman ay nanatiling naka-ponytail pero bahagyang nagtira para itabing sa gilid ng aking mukha.

Paglabas ko ng cubicle ay nakatingin sa'kin ang lahat.

"OMG!! It suits you, Selene! Mas bumagay sayo kaysa kay Kaye!" Mama Belle exclaimed.

"Hindi naman Mama Belle, mas maganda pa rin kung si Kaye." Nginitian ko lang siya.

"Oh, 3 minutes paglabas nila," tinuro niya ang pares na nasa likod ng stage, "sumunod kayo. Anyway, Brien will guide you." Aniya.

Tiningnan ko si Brien. Nakatitig lang siya sa'kin.

"What?" Singhal ko sa kaniya.

Naiinis pa rin ako sa iniasta niya. Umiling lang siya at magsasalita na sana nang lumabas na ang isang pares na susundan namin.

Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya nang lumapit si Mama Belle at hinintay rin ang tamang hudyat para lumabas kami.

Matapos ang tatlong minuto, lumabas na kami. When we saw the audiences, we stopped and pose fiercely then smile and started to walk through the runway.

Nang nasa harapan na ay inilibot ko ang mga mata ko at ngumiti ng pagkalawak-lawak. Ibinida ko ang damit sa iba't ibang anggulo. Nagtama ang mga mata namin ni Sir Cyrus. I flashed a sweet smile.

'I told you, I can.'

Hindi ako lumilingon kay Brien kaya hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin.

Kagaya ng pinractice nila'y humawak siya sa bewang ko at ngumiti kami sa audiences. Sobrang sama ng tingin ni Sir Cyrus sa bewang kong hawak ni Brien. Nanatili ang tingin ng mga nanonood sa amin hanggang sa tumalikod kami at bumalik sa backstage.

"Excellent! You did it perfectly, Selene!" Mama Belle exclaimed.

"Thank you!"

Dumiretso ako sa cubicle dala ang susunod kong isusuot. It was a white lace halter top and a red checkered tulip skirt. It was supposedly a knee-length skirt. Pero dahil mas matangkad ako ng kaunti kay Kaye ay nagmukha itong above the knee. I replaced my platform with a plain black 4-inch Lita's.

Nakangiti silang lahat nang lumabas ako. Papalapit sa akin si Brien.

He's so handsome with that simple red 4-pocket cargo shorts and a plain white polo shirt! A black slip-ons make his outfit more manly. An aviator was hanged on his polo shirt.

"Ang gwapo ko ba?" Mayabang na tanong niya.

Tinawanan ko na lang siya.

"Ganun ulit, Selene. Three minutes paglabas ng susundan niyo, saka kayo lalabas. Pero se-senyas-an ko naman kayo kaya ako nang bahala." Sabi niya sa'min ni Brien.

"Selene, kayo na!"

"Oh, tayo na raw! Hahaha!" Tinawanan ko lang rin siya habang iginigiya ako palabas ng stage.

Malapad ang ngiti namin hanggang sa hawakan ni Brien ang bewang ko. Ngunit hindi gaya kanina, nararamdaman ko na ang mainit niyang palad sa balat ko dahil sa halter top na suot ko.

Nahagip ng paningin ko si Sir Cyrus. His jaw clenched and stare at Brien's hand resting in my waist. He then stood up and leave. Agaw-pansin ang pagtayo niya dahil nasa harapan siya nalapwesto. Pero ang tingin ng mga manonood ay nanatili sa amin hanggang sa makabalik kami sa backstage.

"You walked like a pro!" Papuri ni Mama Belle.

Nginitian ko lang siya.

"Mama Belle! I have to go to the bathroom!" Paawang sabi ni Brien.

"Bilisan mo ah?" Paalala ni Mama Belle.

"Alright! Dadalhin ko na yung damit ko para pagbalik ko, rampa na lang." Nakangiti aniya saka nagtungo sa banyo dala ang damit na isusuot niya.

Pumasok ako sa cubicle at nagbihis.Ang sunod na isusuot namin ay beach attire. Peach brallette at black beach shorts ang suot ko. Gladiator sandals naman ang sa paa ko.

Paglabas ko, natataranta na si Mama Belle.

"Nasaan na si Brien? 5 minutes na lang at lalabas na sila ni Selene!" Mahinang sigaw niya, nag-aalalang marinig ang ikinatataranta niya.

"What happened?" I asked.

"Hindi pa bumabalik si Brien." Nag-aalalang sagot niya.

Natahimik ang lahat nang biglang pumasok si Sir Cyrus suot ang damit na dapat ay kay Brien.

Narinig ko ang impit na tili ng ibang modelo.

'Sino ba namang hindi titili?! Geez!'

He's so damn handsome with his beach polo and a beach shorts! Sumisilip ang dibdib niya dahil sa unang tatlong butones na nakabukas! Ang sexy niyang tingnan!

"S-Sir-"

"I'll be replacing Brien." Maiksing paliwanag niya.






Our Own EclipseМесто, где живут истории. Откройте их для себя