"Naku, nak, salamat!" sabi nito at inilahad ang table niya para doon ipatong ang mga worksheets.

"Walang anuman po," sagot namin ni Clara.

"Sige na, akyat na kayo. Baka maabutan pa kayo ng Discipline mag fi-first period na," ani nito at inayos ang mga gamit.

Umakyat na kami ni Clara. Habnag paakyat na kami ay ikwinento ko na sa kanya ang nangyari kanina sa jeep.

"Uy te," tawag pansin ko sa kanya.

"Baket, broken ka ulit?" pangunguna nito.

"Di," sagot ko naman.

"Baket nga?" 

"Nakasabay ko sa jeep si James," bulong ko. Hininaan ko ang pagkasabi dahil nasa senior high building na kami.

"Luh, weh?" gulat na gulat na tanong nito, tinanguan ko ito. "Anayare?" usisa n'ya pa.  Etong si Clara, pag tinignan mo ito kala mong 'di mahalig sa issue. Pero kung tatanungin mo 'yan, napakaraming alam n'yan. Parang sila Ysa, Az, at Daphne lang 'yan, mukhang mga inosente pero marami ng alam na mga issue.

"Nag goodmorning sa'kin, kala mo naman talagang bati kami nung nag break kami," sabi ko at umirap.

"Wow, nag-break.  May label?" atake nito.

"Alam mo," sabi ko at hinimas ang buhok nito. "Ang epal mo talaga!" sabi ko at binatukan s'ya ng mapunta na sa tuktok ng ulo nya ang kamay ko.

"Buwesit ka talaga!" naiinis na sabi nito at inayos ang buhok. Tinakbo ko ang layo ng hagdan mula sa puwesto namin para lamang hindi n'ya ako maabutan.

Nakarating kami si Clara ng room sakto lang sa oras. Late ang science teacher namin, 'di na rin sya nag-turo dahil itinuring n'yang pahinga ito bago mag semis ang interpretative dance ng second year. 

Kung nagtataka kayo kung bakit meron na akong nakalandian na senior high sa gantong edad ko. 'Di naman kasi ako ang nag fi first move, kadalasan sila. At ideal ko talaga ang mas matanda sa'kin.

Dahil sobrang productive ko sa araw na'to, ay nag cellphone lang ako buong period namin. Galing 'di ba?

Binuksan ko ang Facebook ko, maraming mga mentions and tags notifs sa'kin, siguro mga twitter fam ko. 

Sa Messenger naman ay ang group chat lang ng aming section at mga barkada. 

Binuksan ko 'rin ang aking telegram, dito ako minsan lumilipat kapag sobrang kalat na ng twitter. 

Binuksan ko naman ngayon ang aking Instagram, puno ito ng reply sa aking story, at likes sa bago kong post.

Huli kong binuksan ang twitter, marami rin nag likes and retweets ng mga recent tweets ko. Tinignan mo ang mga nag-DM sakin, nanlaki na lang ang mata ko sa nakita ko.

ThisJagger: 206 unread messages.

Nangungulit pa'rin ito, pero ang mga huli ay paghingi na lang ng patawad. Binuksan ko ang messages nito, wala akong balak mag-reply. Inistalk ko ang account nito, laking gulat ng makita ang lahat ng kanyang tweets ay patama sa akin.

ThisJagger

Reply na please :(

ThisJagger

Sorry kung makulit ako

ThisJagger

Last na chats ko na yon, sorry talaga

Kung babasahin ko iyon lahat, ay aabutin tayo ng siyam siyam. Sa tagal ng pangsta stalk ko sa kanya, may bagay akong nalaman na ikinagulat ko. Kasama s'ya sa mga inoorganize kong twitter crews! Hinalukay ko lahat ng puwede kong malaman, matagal n'ya na pala akong minementions sa group chat pero 'di ko s'ya napapansin!

"Ginagawa mo?" Tanong ni Ysabelle ng tumabi ito sa'kin.

"Naalala mo si Jagger?" tanong ko.

"Huh? Ah yung nangungulit sa'yo?" paninigurado n'ya.

"Oo,"  tanging naisagot ko.

"Ano meron?"

"Tumigil na e," sabi ko.

"Ayun naman pala eh," sabi pa nito na dapat ko pa kang ikatuwa ang nangyari.

"Alam mo yon?" Napabuntong hininga ako. "Ang sweet nya, actually." sabi ko at yumuko.

"Parang dapat binigyan ko s'ya ng chance?" patanong kong sabi.

"Kung ayaw mo, 'wag ipilit. Pero kung handa ka na ulit, bakit hindi?" pangagaral n'ya.

"Parang kulang, yung pakiramdam ko parang ang blangko, sa totoo lang." tanging nasabi ko.

"Tagal nung tao nangulit sa'yo, 'tas pinaparamdam mo sa kanya na bother lang s'ya sayo, malamang titigil 'yon. Pero kung gusto mong bigyan ng chance, ikaw na ang manuyo."

Napaisip ako sa sinabi ni Ysabelle. If I really want that person, I should make an effort. Kung paano ang ginawa n'ya sa'kin, ganon din dapat ang gawin ko. It made me wonder, ganto 'rin kaya ang naisip ni Jagger na decision bago ako i-chat? Pero ano yung naging motivation n'ya para i-chat ako. 

I need answers! Or maybe, I could ask him? No. He didn't ask me to chat me, he made all the decisions by himself. I should too, maybe stalk his account? Much deeper, I guess. 

With all the thinking I made, I became thirsty. Bumaba ako ng cafeteria para bumili ng inomin. Pagbalik ko nga room, naka-alis na ang science teacher namin. 

Nandito na ngayon ang choregrapher namin. Puro polishing na lang ang mga ginagawa namin. Medyo kinakabahan pa'rin, hindi pa kasi namin nakikita ang performance ng isang section kaya hindi ko pa'rin masasabi na ang amin ang may pinaka-magandang performance. 

Pinapunta kami sa washroom para magpalit na ng damit. Pinaakyat na 'rin kami sa gym para mag dry-run. Tuesday ngayon ibig-sabihin maraming senior high ang nagkalat sa taas.

Agad nahagip ng mga mata ko si James. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti ito ng pagkatamis-tamis at kinawayan pa'ko. Hindi ko ito binigyan ng respond at yumuko na lang. Rinig ang kantyawan ng mga tropa n'ya sa buong gym.

I will never fall for that man again. I will never make the same decisions I made before. I have changed myself, I'm ready for a better one. Not a toxic one. I was a fool for having a relationship with some guy who had been known for being a playboy. I'm never going back to that. I had already thought myself, that's enough.

My priority, for now, will be Jagger, I need to win him. To know his worth. To have a better relationship with him. After what I did to him, I least expect to have a romantic connection between us.

"Jav, may tumatawag sa phone mo." Puna ni Brennan nang mag water break kami.

"Sir, I'll take the call," sabi ko sa choreographer namin, binigyan n'ya lang ako ng maliit na tango. Hinarap ko naman si Brennan. "Salamat" I said, he nodded.

I answered the call, not knowing who's the caller. Well, it's unknown. Who would know?

"Hello, sino sila?" I said after a few rings.

I recieved a heavy, baritone-like voice. His voice went down coldly to my spine.

"Hi Jav, this is me, Jagger. Got your number from your facebook account."

----

04




Between Distance (Between Series #1)Where stories live. Discover now