Kabanata 5

825 720 7
                                    

Kabanata 5

Crush

"Lola, andyan kana pala."

Lumapit kami ni Saesar kay lola pagpasok nito sa dining area at magalang na nagmano rito.

"Oh, Saesar. Ba't ka nandito?"

He smiled.

Kanina lang ay napakaseryoso niya.

"May ibabalita po ako sa inyo, la." he said.

Umupo muna kami bago pakinggan ang ibabalita ni Saesar.

"Ano 'yon?" My Lola asked. She looked around after. Probably searching for Magnum. "Asaan na ang kaibigan mo, Amaia?"

See?

"Nag-shower po, la, baka papatapos na rin po 'yon." I answered.

Kanina pa kasi ang bruha nang magpaalam siyang mag-shoshower daw siya. Hindi naman siya inaabot ng isang sa oras sa banyo, mga 20 minutes lang. Nagulat pa nga ako at maliligo siya ngayon knowing na tamad na tamad siya sa kahit anong bagay... maski sa pagligo.

I made a face on that thought.

The old woman nodded and looked at Saesar.

"Ano ngang ibabalita mo?"

I also looked at him. Of course, I'm also curious about it. Kanina ko pa siya tinatanong tungkol do'n pero ayaw niya talang sabihin. Wala kasi akong maisip na pag-usapan kanina, kaya naghanap ako ng topic pero ang lalakeng 'to, hindi naman nakisama.

He smirked at me first before he talked.

"Hindi naman po pala binibili ng Donya ang lupa niyo, lola. Dahil balita ko ay tinanggalan na siya ng karapatan ng Don para makielam sa hacienda ng mga Cavallero." he said while smirking.

So 'yun na 'yon? Bakit hindi pa niya kinwento kanina, eh, wala naman akong corcerned sa bagay na 'yun.

Mukhang masaya rin ang unggoy sa balita niya dahil malawak ang ngiti niya ngayon.

My Lola's eyes narrowed.

"Mabuti at naumpog na ang ulo ni Paciano,"

Saesar laughed. "Oo nga po lola."

"Tsk, tsk, tsk. Nga lang, kung kailan siya tumanda tsaka pa siya natauhan." She said while shooking her head.

"Ayos lang 'yon, la! Ang maganda ay talagang mawawala na ang matandang donya na 'yon sa Sta. Valeria!" He laughed evilly.

"Bakit? Saan pupunta ang matandang 'yon?"

"Pinatapon na daw ng Don sa ibang bansa, kaya wala na kayong ikakagalit, la. Sobrang galit kasi ng Don dahil biglaang nalugi ang iba nilang negosyo simula nang hawakan 'to ng Donya."

Tumaas ang isang sulok ng labi ko.

Grabe naman ang pinatapon.

"Bakit sa Ibang Bansa pa? Pwede naman sa basurahan?" Saesar laughed echoed inside of the house... "Pero maganda nga ang balitang 'yan." Lola said, smiling widely.

I didn't say anything. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila.

Ang sama lang, ah.

Hindi ko pa naman nakikilala ang Donya kaya hindi ko pa alam kung gaano talaga 'to kasama. O kung masama talaga siya.

"Hindi ko pa nga pala naitatanong." Napatingin sa akin si lola. "Anong resulta ng exam mo, Amaia?"

I sipped on my glass before I answered. "Pasado naman po, lola."

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon