16

894 54 26
                                    

Warning: R-18 (Ironic isn't it?) Read for your own risk, yo.



"Ate, nasa labas na si Ate Haielle!"




Umirap ako nang marinig ang sigaw ni Maddie, "Hayaan mo siya mag-antay!" sigaw ko sa kaniya habang nag-aapply nang lipstick. May flight kasi ako today, hindi ako mahahatid ni Jaemin dahil may inaasikaso din siya sa site since nag-iinternship din naman siya. Kay Trevor sana ako magpapahatid kaso ay marami din siya ginagawa sa firm at ang hindi lang busy ay ang bruhang si Haielle kaya no choice.




Nang matapos ako mag-ayos ay agad din akong bumaba, paglabas ko nang bahay ay nakita ko na agad ang hatchback niya. Sumakay ako sa frontseat, nagtaka ako nang mapansin ko si Cash na nakaupo sa likod.




"Ba't nandito ka?" tanong ko kay Cash habang nagkakabit nang seatbelt. "Tapos na internship mo?" tanong ko pa.




Umiling siya, "May exam kami sa school kanina," sabi niya naman habang abala sa pagbabasa nang libro, alam niyo naman DL. "Bat hindi ka kay Min nagpahatid?" tanong niya pa bago inilipat ang pahina nang binabasa niya.




"Ayaw siyang ihatid, sawa na sakanya si Engineer" natatawang sabi pa ni Haielle habang nagmamaneho kaya hinila ko agad ang buhok niya tsaka pinagkrus ang braso sa dibdib.




"Mukha mo," inis na sabi ko, "Busy lang siya," pagdadahilan ko pa.



Umiling si Haielle, "Kahit busy siya kung mahal ka niya gagawa siya nang paraan, tignan mo 'tong si Cash" sabi niya at tinuro si Cash, "Hiinatid pa 'yan kanina nung seaman niya"




"Gago, ba't ako na naman?" inis na tanong ni Cash, "Hindi ako hinatid, sinabay lang ako" sagot pa ni Cash at umirap.




Ngumuso ako, "Anong magagawa ko? Inaayos ni Jaemin 'yung internship niya kase para sa hinaharap namin 'yon" pagyayabang ko.




"May hinaharap ka?" agad na pambabara ni Cash sa akin.




"Magbasa ka nalang d'yan, tanginaka" inis na sabi ko. Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ni Jaemin kaso ring lang 'yon nang ring. Ngumuso tuloy ako, totoo kayang nagsasawa na 'to sa akin?




"Cash," pagtawag ko kay Cash, agad naman siyang tumingin sa akin, "Tawagan mo nga si Jaemin" utos ko sa kaniya.




Tumango siya, "Sige," sabi niya at sinara ang librong hawak niya. "JAEMIN!" sigaw niya.




"Tanginamo," inis na sabi ko. "Kung ano-ano nang mga kagaguhan ang nakukuha mo sa kakasama mo kina Trex at Haielle," nailing na sabi ko.




"Atleast hindi siya nakakakuha nang kapokpokan sa'yo" sagot naman ni Haielle.




"Tatawagan ko na," sabi ni Cash, "Pahingi muna pala nang number niya," sabi niya.




"Ako nalang magda-dial" sabi ko at agad naman niyang inabot sa akin ang phone niya. Napansin ko na nag-iba siya nang wallpaper, dati kasi ay mga stars gano'n tapos ngayon dagat na. Agad ako nagdial nang number ni Jaemin kaso 09 palang naitatype ko ay napansin ko na apat ang nasa recent calls ni Cashcade, tatlo lang naman kasi lagi ang nasa recent calls niya puro family member niya lang kaya nakakapagtaka na biglang naging apat kaya nilingon ko siya agad.




"Ano na naman?" tanong niya sa akin.




Pagbibigyan kita, hindi nalang kita kukulitin dahil minsan ka lang lumandi. Umiling nalang ako at tuloy na ang pagdadial kay Jaemin, pero gaya nang sa akin ay hindi niya din ito sinasagot. Ngumuso ako at inis na inabot kay Cash ang phone niya.



"I-text mo nalang kaya," suggest naman ni Haielle.




"Oo nga naman, para mabasa niya after nang duty niya" sabi pa ni Cash.



Agad naman akong nagtipa nang message kay Jaemin.



To: Jaemin Andrew Babe

I'm heading to the airport now, I miss you already.



Maya-maya pa ay nakarating din kami sa airport, agad din akong bumaba. Bumaba pa sina Cash at Haielle.




"Seb, susulat ka ha," pagdadrama ni Cash at kunware pang nagpupunas nang luha.




"Bree, sana maging maayos ang paglalakbay mo" pagsali naman ni Haielle at nagyakap pa silang dalawa ni Cash at kunware pang humagulgol.




"Alam niyo, mukhang kayong mga stupid bitches," inis na sabi ko habang inaayos ang scarf ko.




"Mahal na mahal ka namin, seb" pagdadrama pa ni Cashcade.




"Hindi ka namin malilimutan," dagdag pa ni Haielle. "Kahit wala ka na, hindi ka naman mawawala sa mga puso namin"




Agad ko silang hinampas na dalawa, "Ang gagago niyo 'no? May flight lang ako, hindi pa ako mamatay" sabi ko at umirap. "Hoy, bantayan niyo si Jaemin ko ha, baka landiin na naman 'yon nung Aisha na 'yon"



"5k per day ang service ko," sagot naman ni Cash




Umirap ako, "Mukha kang pera" inis na sabi ko. "Sige na, alis na ako" sabi ko at naglakad na papasok nang airport daladala ang maliit na luggage ko. Pagpasok ko ay nakita ko agad si Aisha na mukhang kakadating lang.




Huminto siya sa harap ko, "I heard na you and Jaemin na pala" maarteng sabi niya, halatang halata sa boses niya ang pagkabitter, Inggitera, amp. "You're not bagay to eachother,"



Umirap ako, "What did you say?" tanong ko na tila hindi narinig ang sinabi niya. "Hindi kasi nakakarinig nang mga kabitteran ang tenga ko, pasensya na ha" nakangising sabi ko at tinapik pa ang balikat niya bago nilagpasan.




Mabilis lang ang naging flight namin papuntang Manila, besides domestic lang naman lagi ang ginagawa namin since trainee lang naman kami. Balikan lang din ang flight ko kaya nakabalik din ako agad, bored na bored ako sa flight dahil hindi man lang ako nakakareceive nang kahit ano galing kay Jaemin. Hindi man lang niya ako naalala, tss.




"Ladies and gentlemen, welcome to Tugdan Airport. Local time is 3:37 pm. The temperature is 27 degrees."




Wala ako sa mood habang nag-aabang na makapagland ang eroplano dahil nababadtrip talaga ako kay Jaemin, hindi man lang niya ako naalala, tss.



"On behalf of Royal Lione Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"





Hindi din nagtagal ay nakababa na din kami agad nang plane. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Trevor, siya daw kasi ang susundo sa akin.



"Seb, nasa labas ka na ba?" tanong ko sa kaniya.




"Hindi kita masusundo, may biglaan akong inasikaso sa firm."




Ngumuso ako, "Paano 'yan?"




"Pinapunta ko na si Cash d'yan maya-maya ay nand'yan na din 'yon, antayin mo na lang" sabi niya pa.




"Seb, kakagaling ko lang sa flight. Ayokong mamatay sa hilo" pagdadahilan ko.




"No choice 'e, siya lang available. Feeling busy sina Trex at Haielle sa mga lovelife nila. Teka, ba't hindi ka kay Jaemin magpasundo? Ano pa't naging magjowa kayo?"



"Busy siya 'e," malungkot na sabi ko.




"'Wag ka nang magdrama d'yan, hindi bagay sa pathetic na tulad mo. Antayin mo nalang si Cash d'yan, sige na. Ingat kayo mga balbasaur" sabi niya pa at binabaan na ako.




Agad ko namang i-dinial ang number ni Cash.




"Ano?" bungad niya.




"Nasaan ka na?" tanong ko sa kaniya.




"Nandito na sa labas kanina pa," sagot niya naman kaya nagmadali akong lumabas. Nagtaka ako nang makita ko doon si Jaemin.




"Hi, Jae"




Napatingin ako kay Aisha na feeling girlfriend, sarap ikuskos 'yung bibig sa bowl. Inunahan pa akong bumati kay Jaemin. Kapal nang fez amp. Naglakad palapit si Jaemin, lalapit sana sa kaniya si Aisha para makipagbeso pero iniwasan siya ni Jaemin at dumiretso sa akin. Huminto siya sa harap ko at agad akong niyakap, hinalikan niya pa ang noo ko.




"Sorry," bulong niya.




"Okay na," nakangiting sabi ko, wala marupok ako 'e.




"I miss you," sabi niya pa at hinaplos ang mukha ko. "I miss you so much,"




Ngumiti ako, "Miss you too" sagot ko. "Akala ko nakalimutan mo na ako 'e" nakangusong sabi ko.




"My phone got confiscated," sabi niya. "Sorry,"




"Teka," sabi ko. "Asan si Cash?" tanong ko.




"She's in the car," sabi niya naman, "with Minjae" pagdugtong niya at ngumiti.




Tumango ako, "Good, tara na?"




Tumango naman siya at kinuha sa akin ang luggage ko at agad na sumakay sa kotse. Sa frontseat ako sumakay, pagpasok ko ay nakita ko si Cash at si Minjae na abala sa paglalaro sa phone nila.



"Hi, bitch" bati sa akin ni Cash.




"Buti hindi ikaw magdadrive," sabi ko agad.




Tumawa siya, "Ayaw ni Min 'e, binilhan niya nalang ako nag food" sabi niya at tinuro ang box nang pizza.




"Patay gutom ka talaga," nailing na sabi ko.




"Patalinuhan lang 'yan, seb" sabi niya naman.




"Ate Cash, let's play another round" masayang pangungult ni Minjae kay Cash. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan ka kulit, mukhang nagkakaganyan siya kasi nandito si Cash.




"Libre moa ko nang fries kapag matalo kita ha," pambuburaot ni Cash sa bata, kahit sino talaga inuuto nang babaeng 'to myghad.




"Okay," agad namang sagot ni Minjae.




"Hey," tawag sa akin ni Jaemin kaya agad akong napatingin sa kanya. "You okay?" tanong niya.




Tumango ako, "Oo naman"





He smiled, "You can sleep muna, medyo mahaba pa naman ang biyahe" sabi niya pa at hinaplos ang buhok ko.




"Okay lang," sabi ko pa.




"Dinadaya mo ako 'e!" sigaw ni Cash sa likod. "Ayoko na, bwiset ka. Hindi tayo bati" pag-iinarte ni Cash.




Umiling ako, "Isip-bata" bulong ko pa.




"She's cute tho," sabi naman ni Jaemin kaya sinamaan ko siya nang tingin. "But you're cuter," pambawi niya.




"Talaga," sagot ko naman.





"Hoy, Min. Ayusin mo 'tong kapatid mo, nandadaya na oh" pagsusumbong ni Cash kay Jaemin.




"I'm not cheating kaya," agad namang depensa ni Minjae, "Kuya, I'm not cheating"




Tumawa nalang kami ni Jaemin sa kanilang dalawa, para kaming nagroroadtrip na mag-asawa na may dalawang anak. Nakangiti ako habang iniisip 'yon, panigurado magiging maganda ang lahi namin ni Jaemin, kaya kailangan marami kaming anak, char.




"Min, daan mo ako sa Children's" request ni Cash.




Tumingin ako sa kanya, "Hindi ka pa uuwi? Mag-gagabi na oh"




"'Wag mo akong pakialaman, hindi ako lalandi katulad mo 'no" sabi niya pa at umirap.




"What are you going to do there Ate?" tanong naman ni Minjae.




"May idadaan ako kay Trevor," sabi niya naman.




"Ano?" tanong ko naman, "Atsaka nasa firm si Trevs ah"



"Out na siya pagdating natin do'n, may meeting sila nang mga blockmates nila sa Children's kaya doon na ako dadaretso. Ibabalik ko 'yung credit card niya." Sabi niya pa.




Tumango nalang ako. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Odiongan, gaya nang request ni Cash ay binaba naman siya ni Jaemin sa CP (Children's Paradise).




"D'yan nalang, Min" sabi ni Cash, kaya huminto naman agad si Jaemin. "Salamat," sabi nya at bumaba nan ang kotse ni Jaemin.

Fly High With Me, ExelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon