Chapter 1

472 24 9
                                    


"Kailangan mo ba talagang bumalik sa Maynila?"

"Hon, babalik naman ako eh". I assured him.

Ilang taon na din ako dito sa Zambales at napamahal na ako dito. Gusto kong mamuhay dito ng tahimik kaya babalik ako sa Maynila.

"Ayoko lang na mawalay ka saakin hon. Malulungkot kami niyan ni nanay nyan" tugon niya saakin na may bahid ng lungkot.

Sila ang bumuo sa akin nuong panahon na sirang-sira ako. Walang tumulong saakin umahon kundi sila lang.

Nalulungkot din akong lisanin ang lugar na ito pero kailangan, para makapagsimula na ako ng bagong buhay kasama sila.

"Sandali lang ako doon, aasikasuhin ko lang ang mga natirang mga papeles ni Daddy".Lumapit siya saakin at mahigpit na ikinulong ako sa mainit na yakap.

"Bibisita ako doon hon. Ayoko na mag-isa ka. Alam mo naman na mahal na mahal kita, hindi ko kayang wala ka ng mahabang panahon."

Hinalikan niya ako sa noo. Ilang sandali pa kaming nagyayakapan sa loob ng bahay ng pumasok si nanay Lucing."Ano ka ba Rafael, tigilan mo na iyang si Sheeva at baka gabihin na siya sa byahe. Hala sige, mag-abang na tayo ng bus sa labas".

Binuhat ni Rafael ang mga gamit ko. Lumabas na kami sa bahay at isinakay ang gamit sa tricycle. Hinarap ko ang bahay na tinirahan ko ng halos anim na taon. Simple lang ang bahay namin. 

Isang two-story house na gawa sa kahoy. May terrace ito at ang paligid ay maraming mga bulaklak na nakatanim.

Ilang minuto ay nasa kalsada na kami. Panay hawak sa kamay ko si Rafael. Magdadalawang taon pa lang kaming magkasintahan.

Kinupkop ako ni nanay Lucing noon na aming dating mayordoma. Siya halos ang nagpalaki sa akin noong bata pa lamang ako at siya na lamang ang taong tumanggap sa akin sa panahong iyon.

Apo ni nanay Lucing si Rafael. Iniwan ng kanyang ina si Rafael upang magtrabaho sa ibang bansa ngunit ilang buwan pa lamang siya doon ay hindi na nagparamdam ang kanyang ina. Namatay naman sa lungkot ang kanyang ama kaya sila na lang dalawa ang nakatira dito.

Isang government employee si Rafael at talagang hanga ako sa kanyang kabaitan at handang tumulong sa mga tao dito. Aakalain mo siyang kapitan dito sa aming baranggay kasi siya palagi ang takbuhan ng mga tao.

Ilang sandali pa paparating na ang bus na sasakyan ko patungong Maynila. Nagmano na ako ni nanay at niyakap si Rafael. Mamimiss ko sila.

"Paalam mo na Nanay Lucing, hon, uuwi agad ako pag tapos na ang mga kailangan ko doon".Paghinto ng bus ay pumasok na ako at inilagay sa compartment ang aking gamit. Nilingon ko silang muli at iniwagayway ang aking kamay upang magpaalam.

Ilang oras din at huminto na ang bus para mananghalian. Wala pa kami sa Maynila ay grabe na ang kaba na nararamdaman ko. Parang bumabalik lahat saakin ang mga nangyari.

Kailangan ko lamang na magfile ng annulment papers at ipagbili ang mga ari-arian ko at ng mga magulang ko sa Maynila.

Sana naman ay maging maayos lahat ng aking gagawin para makabalik na ako sa kanila. Wala akong planong mamalagi sa Maynila ng matagal. Ayoko na ulit maalala lahat ng nangyari noon.

Mag-aalas kwatro na nang hapon ng nakarating ako sa bahay namin. Walang tao dito at lahat ng mga kagamitan ay tinabunan ng puting tela. Maalikabok din dito kaya maglilinis pa ako kahit sa kwarto ko lang muna. The house is huge and the fountain in front is getting a lot of molds already.

Itong bahay na ito ang balak kong itira sa aming ari-arian para kapag may balak kaming bumisita dito ay may matutuluyan kami.

This house has many memories that I want to forget but I want to remember who I was before that painful accident. It was not all painful memories so I still want to have this.

Pagbukas ko sa aking silid ay ganun pa rin ito kagaya noong pag-alis ko. Inilagay ko ang aking gamit sa closet ko. Maglilinis muna ako at para makapagpahinga na.

Pagkatapos kong maglinis ay naghanda na ako ng aking kakainin. Gustong-gusto ko nang magpahinga pero gutom na din ako kaya kakain muna ako.

Habang kumakain ay itinext ko si Rafael na andito sa ako sa bahay at magpapahinga na. Halos isang minuto lang akong nakahiga ay nakatulog na ako ng mahimbing.

Kinabukasan ay naghanda na ako. Maraming papeles ang kailangan ipasa at papapirmahan kay attorney kaya uunahin ko ang pagpunta sa Law Firm ng aming family lawyer.

Sa dami ng papeles at pinag-usapan namin ni attorney ay ginabi na ako. Nagtaxi na na lang ako pauwi kasi kailangan ko pang patignan iyong sasakyan kasi ilang taon din iyong hindi nagamit.

Pagtingin ko sa aking cellphone ay ilang missed call at texts ang natanggap ko. Nakalimutan kong magreply kay Rafael kaya baka alala ng-alala na iyon. May pagkaprotective at clingy iyon sa akin kaya halos tadtarin ako ng texts araw-araw.

Isang mensahe ang nakapatigil sa akin pagbukas ng pinto sa bahay. Galing iyon sa isang unknown number at bigla akong kinabahan.

Unknown Number

'Welcome back, my wife'

Nanlambot ako ng mabasa iyon. Paano niya nalaman na nandito ako sa Maynila at nakabalik na siya? Paano niya nalaman ang bagong number ko? Ang daming tanong ang nasa isip ko.

Pinatay ko na lamang iyon at isinawalang bahala. Bukas ko na poproblemahin iyan. Pagod ako kaya magpapahinga muna ako.

After days here in Manila, I collected my courage to go and see him. I will see him today and give him the annulment papers personally. Ayoko nang mas patagalin ang proseso kung hindi niya agad pipirmahan ito. Kaya sa mas madaling panahon ay kailangan ko nang makipagkita.

I'm suprised ng itigil ako ng grab car sa isang matayog na building. Dito siya nagtatrabaho sabi ng kaklase ko noong college.

Pagpasok ko ay kita mo na ang ganda ng interior design ng buong lobby. Malawak at moderno itong tignan. I approach the receptionist in the front desk.

"Good morning miss, what can I do for you?" malumanay na tanong ng receptionist.

"I would like to speak to Mr. Hernandez. Can you tell him that his friend is waiting for him here? I don't have his number so...". I politely said to her.

"Ahm do you mean Mr. Paolo Hernandez miss?" tanong niya.

"No. I'm looking for Mr. Raiden Rai Hernandez".

Bigla ay nag-iba ang mood ng receptionist at biglang naging seryoso at pormal.

"Ok, do you have any appointment miss?". Ha? gusto ko lang naman makausap siya di ba pwedeng lumabas muna siya sa kanyang opisina sandali?

Bakit kailangan pa ng appointment?

"Ahm no miss. Can't you just tell him that Sheeva Ramirez is looking for him? This is important".

"I'll connect to the executive secretary miss if Mr. Hernandez wants to meet you." agad niyang itinawag sa landline iyon.

I just lean on the counter while waiting. Just a minute passed, the lady is now ushering me to the 30th floor.

Teka lang, nagkakalamali ata iyong babae. Parang nasa opisina ako ng boss nila. Buong floor ata itong opisina na ito. Baka magkapangalan sila ni Rai.

She opens the door for me. May nakita akong nakaupo sa swivel chair na nakatalikod sa akin. Hindi ko maaninag sino iyon pero sa bulto pa lamang ay parang may alam na ako.

Ang kaba sa aking dibdib ay mas lumala. Parang gustong lumabas yung puso ko sa lakas ng kabog. And I'm sweating my palms.

In a very slow motion, humarap sa akin ang lalaki.

"Hi, my wife. Welcome back" sabi niya saakin sabay ngisi.

Nanlalambot ang aking tuhod. Nandidilm ang aking paningin.

Bigla na lang ay nawalan na ako ng malay.

Revenge on my CEO HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon