"Okay, ano Jacob? Tayo ka na dyan, masyado kanang clingy." At nagtuksuhan pa sila sa harap na namin kaya agad uminit ang mukha ni Leila, masyado pa naman itong pa-virgin!

"Oo nga, Jacob. Okay lang naman ako dito at nandito naman si Ali." Mahinang sabi ni Leila kaya umismid ako. Feel ko talaga may LQ pa itong dalawa kaya hindi masyado nagpapansinan!

"Pass muna bro. Samahan mo muna ako Lei, may kukunin ako sa kotse ko." Seryosong sambit i Jacob kaya nagsi-alisan na agad ang teammates niya.

"You wanna dance?" Tanong niya sa akin, dzuh! Inaway kaya niya ako kanina... teka ako ba yung umaway or siya??? Basta siya yung may kasalanan kaya silent treatment tayo ngayon tsong!

"Hey, Ali."

"Tss." Maganda ka Ali kaya may karapatan ka mag-inarte! Pahard-to-get naman minsan girl!

"Why so grumpy?" At kiniliti niya pa ako, feeling close naman nito. Hindi ako easy-to-get, hindi ako——

"Ene be nemen Shaun.." Tumawa lang siya at uminom ulit kaya inirapan ko.

"You mad?" Tanong nya ulit.

"I'm mad. Who mad? Ha-ha." Shit, bakit pa naman kasi ako naadik sa tiktok, pati tuloy sa convo namin ni crush, napapatiktok ako!

"Crazy."

"Ang cold mo ha? Ganyan ka ba talaga magsalita, isang word lang? You know, we have a lot of time and nakakabagot ka talaga kausap, I am really really bored."

"You really talk a lot huh?!" At ngumisi siya

"Of course, we need to communicate right! Communication is the important ingredient in a relationship!" Pota, baka nararamdaman na niya na umiiskor ako, huhuhuhu Lord.

"Relationship?" Amused na amused na talaga siya ngayon, ginawa ba naman akong clown!

"Of course, our friendship. Alam mo na bago umabot ng 5000 ang Facebook friends ko at para madagdagan na naman ang close friends ko sa Instagram."

"You are really talkative."

"Thank you so much for that compliment. Ano na?" Naiinis na ako ha, ang slow niya. Bakit ang tagal niyang makagets na gusto kong i-add niya ako sa Facebook at i-follow niya ako sa Instagram!

"Anong ano na?" Nakakunot-noo niyang tanong.

"Ang slow ha, akala ko pa naman Dean's Lister ka!"

"Hindi naman kasi ako Dean's Lister."

"Wait, hindi ka pala matalino? My God, major turn-off." Eksaherada kong sambit, well medyo joke lang yon kasi duh mahirap kayang mag-uncrush!

"Uh-uh you've really got the standards huh. I am not a Dean's lister because I am on the President's list, baby." At kumindat pa siya.

"Joke lang naman yon, ano ka ba. Baka naman you want to be my Facebook friend? You know in case may hindi ako naintindihan sa subject ko."

"What's your course?" Tanong niya habang may kinakalikot sa cellphone.

"Something about Journalism."

"Oh, I think I can not help you. I am a Business Management student."

"Okay, just add me baka kailangan ko ng jojowain."

"What?"

"I mean you know baka may maireto ka sakin. Hehehe."

"My friends are bunch of assholes and playboys."

"So ikaw lang yong matino?" Ang chill naman ng usapan namin, nakakapanibago! Kadalasan ko kasing kausap ay yong may kasamang sigawan at sabunutan at kung hindi naman kay kasama namang kabastusan.

"I also love talking dirty."

"Manghuhula ka ba?" Okay, nakakahiya at baka isipin na hindi ka Maria Clara pero magpanggap ka na lang. Kaya mo yan, Ali!

"Nope, you're thinking out loud."

"Whatever, instagram account please. Follow mo ako."

"Sure, saan dito?"

"@lovealliana"

"Is this one?" Sabay pakita niya sa feed ko. Pakshet, iyon pang picture na nasa pool ako at may kasamang caption na "Dive into me"

"Yeah, ganda ko noh?! Ako lang to pre." Napapailing na lang siya sa kakulitan. Inikot ko ang paningin ko sa bar, may nagtwerk sa dance floor, may nagchi-chika lang sa kilid, may nag-wawalwalan at mayroon ding nagma-make-out, hays sana all!

"Your pictures are hot."

Agad naman ako napatingin sa kanya, kaya lang hindi ko alam kung maniniwala ba ako or hindi kasi back to poker face naman kasi siya.

"Ali, uwi na tayo."

"Tapos na pala sila mag-bonding ni Jacob. Charot lang pala kasi mukhang galit na galit na ata si Leila ngayon ah. Napatingin naman ako kay Jacob na hinihingal pa sa kakahabol kay Leila.

"Ano Ali? Uwi na tayo." Okay gurl, panira ka sa moment. Minsan lang ako magka-lovelife, sinisira pa nya.

"Hatid ko na kayo Leila." Sabat ni Jacob.

"Wag na, may dala naman kaming kotse. Ali!" At nagmartsa na siya paalis, agad naman siyang sinundan ni Jacob.

"Alis na kami Shaun. Pakisabi na lang din sa teammates mo at may LQ pa ata yung dalawa. See you!"

"Hatid na kita."

I just nod. Aba, nakakapagod rin magsalita. Taga-hawi siya sa mga naglalakihang mga katawan na bumabangga papunta sa akin.

"Are you fine?" Huhuhu ang lapit ng lips niya, baka mawalan ako ng self-control at mahalikan ko siya.

"Yeah."

Hays, buti nalang ay hindi na masyado nag-alitan si Leila at Jacob sa parking lot kaya madali kaming nakaalis. Agad-agad pumasok si Leila sa kwarto niya at padabog na isinara ang pinto. Keribels, bukas ko na lang siya kulitin at baka batuhin ako ng mga makakapal niyang libro sa med-school. 11:10 pm na pala okay mga 11:30 dapat tulog na ako, I still have 20 minutes so nagscroll-scroll muna ako sa mga social media accounts ko ng may notification akong natanggap.

@shaunmartinez wants to follow you.

Agad-agad kong in-accept at baka i-unfollow niya pa ako! Kala mo ha, mabilis ako gumalawa kung hokage moves pag-uusapan. Laglag-panga kong tiningnan ang last photo na ina-upload niya sa feed niya. Medyo blurred kaya ang ganda tignan ng city lights at may anino ng isang babeng nakasandal sa kotse. Shit, shit, shit. Starry night pa ang caption nya! Bakit niya ginagawa ito? Shit, isang malaking sana all dahil hindi naman ako iyong nasa picture.

Potangina, ang assuming mo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fast BreakWhere stories live. Discover now