MIss na kita Gail... sana next year mag-reply ka na sa mga messages ko:)

_____________________________________

Karina

Paring kinikiliti siya ng mga pasimpleng pisil ni Ethan sa hita nita. Mula pa kaninang dumating siya ay palaging nakadantay ang either braso or kamay nito sa kanya. It warmed her heart to know they both longed for each other. She put her hand on top of his and squeezed it too.

            When he looked at her she mouthed, “I love you.”

            He took it as an encouragement, he leaned closer and kissed her lips. It lasted for a couple of seconds.

            “Enough, nakaka-tatlo na kayo. I am a pervert but I don’t enjoy those kind of mushiness.” Putol ni Mark sa lambingan nila.

            “Inggit ka lang.” Namumula ang pisnging sabi niya rito.

            “Ako? You should see how me and Mary kiss. Then saka mo sabihin kung sino sa atin ang maiingit.” Balik pang-iinis ni Mark.

            “I think its not proper to discuss those kind of things.” Seryosong saway ni Ethan.

            “Pero it’s proper for you to kiss her in public?” Sarcastic na tanong ni Mark.

She kicked his feet under the table.

            “Ouch!” Angal ni Mark. “Bakit?”

            Hindi na niya sinagot ang tanong nito sa halip ay inirapan niya ito pagkaraang paningkitan ng mata.

            Then she saw Gyiah’s approaching them. She’s wearing a red sleeveless knee length dress. Lalong lumutang ang kaputian nito sa suot na damit. Samantalang siya naka-jeans lang at white blouse. Naka-flats pa siyang shoes.

 Again she felt that sting of insecurity.

Loko kasi itong si Mark, hindi man lang sinabi kung saan sila pupunta, sana nakapag-dress man lang siya.

Halos magkasabay na tumayo sila Mark at Ethan ng makalapit si Gyiah. Ethan even pulled a chair for her. She knew he was simply being a gentleman but now was not the right time to do that. Mark was there.

Bakit ito pa ang gumawa noon para kay Gyiah?  

            “Sorry to keep you waiting.” Matamis na nginitian siya nito.

            Na-guilty naman siya. She seemed to be genuinely sweet.

            Sa halip na umupo uli si Mark ay sinalubong nito si Mary at inalalayan din muna nitong umupo ang girlfriend sa tabi nito.

            “Mark, where’s William? I told you isama mo siya.” Authoritative na sabi ni Gyiah.

            “Nag-convoy kami papunta rito kamahalan.” Ani Mark na nakangiti ng mapang-inis. “Baka po nagpa-park na siya ngayon sa labas. Ayan na pala ang principe ninyo Princess Gyiah. Papasok na siya.”

            “Good.” Tanging sinabi ni Gyiah kay Mark.

“ If I were you huwag ka munang lilingon kasi malamang hindi iyon tutuloy dito kapag nakita ka.” Dagdag na pang-iinis ni Mark.

Lihim siyang nangiti sa palitan ng inisan ng mga ito, Ang lakas talagang mang-inis ni Mark pero hangga siya sa pagiging cool ni Gyiah. Nakangiti pa rin at parang hindi man lang napipikon. Kung siya iyon marahil nakatikim na naman ito ng taldyak or worst mabatukan pa niya ito.

            “Anong meron?” Nakangiting bati ng bagong dating na si William.

            “Manlilibre si Gyiah.” Nakangising sabi ni Mark.

            Nawala agad ang ngiti sa mukha ni William at napakunot pa ang noo nito ng makita si Gyiah. Yet, all smiles pa rin si Gyiah.

            “Umupo ka na. Para matapos na agad ito. I want to go home as much as you do. Kagabi anong oras na kami nakauwi ni Mary.”

“Hindi mo kasama si Mary kagabi sa opisina?” Pabulong na tanong niya kay Ethan.

“Hindi, sinundo siya ni Mark.” Sagot nito.

Sa sobrang tuwa niya kay Mark ay nginitian niya ito ng matamis sabay kindat. “Ang sweet ha, may pasundo-sundo ka pa kay Ann.”

“Huwag kang mainggit, sinundo din naman kita kanina.” Sagot ni Mark sa kanya.

Ngiti na lang ang isinagot niya rito. Mabuti’t hindi naman pala kasama ng asawa niya si Mary Ann. Kahit pa sabihing may sarili naman itong room sa hotel, it was connected to Ethan’s room.  

“Akala ko ba may hinihintay tayong iba pang prospective investors?” She sensed the irritation on Mary’s voice.

“Silang dalawa.” Gyiah announced. 

“Sila?” ‘Di makapaniwalng ulit ni Mary Ann.

“Are you underestimating these two?” Gyiah asked. “Mark, tell your girlfriend how much is your worth.”

“He doesn’t need to say those things to me.” Inis na sagot ni Mary Ann.

“Baby, don’t mind her.” Inakbayan ni Mark si Mary Ann. “You’ll get used to her tactfulness.”

“We had a chat earlier. Sanay na sa akin ang girlfriend mo, diba Mary?” Tanong ni Gyiah kay Mary Ann.

“Mamaya na kayo mag-usap. Parating na ang mga inorder ninyo.” Pormal ang tono ni William.

Ngayon lang niya ito nakitang hindi nakangiti. Pleasant at smiling face ang chinitong barkada ni Jaime. Mukhang maiinit ang mga ulo ng mga kasama niya sa table.

She wondered why?

“I really appreciated it Gyiah. Pero siguro tama na ang mga nakausap natin kanina.” Sabi ni Ethan. “Ikaw na rin naman ang nagsabi mukhang mag-iinvest na talaga sila.”

“Pero walang mawawala kung i-discuss mo din sa kanila. Sayang naman ang oras mo, I even asked you to stay.”

“No it’s okay.” Sagot uli ni Ethan.

“Are you looking for investors?” Mark asked Ethan. “Do you want us to invest Baby?” Then asked Mary Ann’s opinion.

Napapagitnaan nila ni Mark sila Mary Ann at Ethan. Nakaupo si Mary Ann sa kaliwa ni Ethan samantalang siya ay nasa kanan ng asawa. And because they were seating at a six seater round table, mas madali na makita niya ang reaksyon ni Mark.

Yumuko siya para itago ang pagngiti. Nakakatuwang pagmasdan ang pagiging sweet ni Mark kay Mary Ann. Halatang malaki ang pagkagusto naito sa kaibigan ng asawa.

“Ikaw, it’s your money.” Mary Ann answered coldly. She reached for the plate of paella. “Try this mukhang masarap.”

Natigilan siya ng marinig at makita ang ginawa ni Mary Ann. She was offering paella not to Mark but to her husband, Ethan. She put some on his plate kahit na hindi pa sumasagot si Ethan kung gusto nito o hindi.

“That’s Mark’s favorite.” Gyiah commented.

Natigilan pati si Mary Ann at si Ethan. While Mark reached for his goblet of wine and drank it. May ilang saglit na wala isa man sa kanila ang nagsalita. Nakakabinging katahimikan.

  Naramdaman niya ang kamay ni Ethan sa hita niya. Pero nawala na ang kilig na kanina lang ay naramdaman niya. Sa halip na ipatong niya ang kamay niya sa kamay nito. Inalis niya ang kamay nito roon at inilayo niya ang hita niya rito.

That’s it! Napuno na siya.

“I think si Mark na lang ang asikasuhin mo.” She held the plate that Mary Ann was holding. “I’ll take it from here. Ako na ang mag-aasikaso sa asawa ko.”            

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!