Cyth this is for you... Salamat sa comment mong puno ng emosyon:) Hope to read more of your comments... kaso kalma na lang ng konti sa susunod para wala tayong ma-offend:) Thanks again dearie:)

_______________________________

Ethan

Pasimpleng muli siyang tumingin sa relo niya. It’s past six. Akala niya ng sabihin ni Gyiah na ipakikilala siya nito sa few investors, she was referring to two or three. He didn’t expect that she would actually called quite a few. He already sat with four prospective clients of hers and according to her they’re still waiting for at least two more.

            Whoah!

            What a very workaholic girl!

            “You should start telling your people to prepare documents. I have a feeling you pretty convinced them all. I bet each of them would at least be investing ten million.” Gyiah commented. “You keep on looking at your watch. Don’t worry dear, they’re on their way.”

            “Ethan gutom ka na ba? Gusto mo mag-order na tayo?” Biglang tanong naman ni Mary Ann sa kanya.

            They were in a fancy restaurant, been seating there for six hours now. Mas gusto niyang tumayo at maglakad lakad muna sa halip na kumain.

            “No, busog pa ako. Ikaw baka gusto mo na?” Dito na rin sila nag-lunch kanina. After that, coffee at light bread lang ang mineryenda nila.

            “No, I’m fine. Sabay na lang tayo later.” Nakangiting sagot ni Mary Ann.

            Gyiah chuckled.

            Napatingin siya rito ng marinig ang mahina nitong pagtawa.

            “Sorry, I don’t mean to interrupt but you two amazes me, really!” She said meeting his eyes. “How come you maintain that closeness kahit na may sari-sarili na kayong mga partner? I envy you Mary Ann for you have Ethan as a friend.”

            “Bakit wala ka bang kaibigang mga lalaki?” Mary inquired.

            “Nada. I have acquaintances pero walang masasabing close ko talaga.”

            “Ako. Pwede mo din akong maging kaibigan.” Offer niya rito. “Sa tagal ko na kaibigan itong si Ann, sanay na akong sakyan ang mga tantrums ng mga babae.”

            “Ethan, she’s different. Mas simple at uncomplicated naman ako sa kanya.” Sabi ni Mary Ann.

            “Do I sense jealousy there?” Nakangiting tanong ni Gyiah sa kaibigan.

            Nakita niyang natigilan si Mary Ann at parang napahiya sa sinabi ni Gyiah. “Medyo may pagka-possessive nga sa akin itong si Ann.” Salo niya sa kaibigan.  

“I couldn’t blame her. Ngayon pa lang kita nakikilala but I think you’re a great guy. Mabuti Mary Ann hindi ka nagkagusto sa kanya?” Tanong ni Gyiah.

Natahimik lalo si Mary Ann at namula pa ang mukha.

“Ako ang may gusto sa kanya dati kaso natakot akong manligaw. Baka kasi maliban sa mabasted ako ay makatikim pa ako ng suntok nito.” Kinuha niya ang kamay ni Mary Ann nakapatong sa lamesa. “Kita mo ang kamao nito. Ang lakas nitong manuntok.”

Instead of clearing the eerie athmosphere, the two girls remained quiet. Mula sa nakakabinging katahimikan ay parang naramdaman niyang biglang nagkaroon ng tension sa pagitan ng mga ito. Kilala niya si Mary Ann, alam niyang madali itong mapikon. Hindi nito marahil nagustuhan ang paraan ng pagtatanong ni Gyiah na animo nag-uusisa.   

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!