"Bakit?" mahinang tanong ko.

Lahat ng mga mata ay nasa aming dalawa at iniintay sa kung anong gagawin. Bigla akong kinabahan.

Naramdaman ko ang kamay ni Kuya sa tiyan ko at naramdaman ang kalansing nito. Susi. Susi ng kotse.

"Gabi na. Mahirap na mag-bike. Ingat ka," bulong n'ya sabay tapik ng balikat ko at pumunta na sa mesa.

"Ano 'yon?" usisa ng tatay ko.

Bago ko pa marinig ang sagot ni Kuya, mabilis na akong naglakad palabas at tinungo ang naka-paradang kotse sa harap. Hindi naman na nila maririnig ang pagbukas nito dahil saradong-sarado ang bahay.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko inikot ang susi para mag-start.

And I started thinking things that can be possible during this times. Lalo na kapag nag-aalala ako.

"Sana okay ka lang, Sejun."

Iniisa-isa ko ang mga natandaan kong shinare ni Sejun sa akin habang nagmamaneho na ako papunta sa bahay nila.

Wala naman s'yang mabigat na problema kaya kampante na ako...kanina. Hanggang sa nagsimula na ako mag-isip ng mga bagay noong lumipas ang maghapon na wala s'yang text sa akin.

I want to give him privacy pero hindi naman ganito katagal. Lalabas na ba akong masama if I invade his personal time? Nag-aalala lang ako. At isa pa, may pupuntahan kami bukas at importante dahil pinaghandaan n'ya 'yun.

Walang humpay ang paglinga ko sa paligid habang naka-stuck ako traffic, hoping that he's just wandering around here.

Lahat na 'ata ng santo tinawag ko na para mahawi itong traffic na ito. Emergency ito at nag-aalala ako sa kaibigan ko!

Ilang oras ang lumipas ay nakarating na rin ako sa wakas sa bahay nila.

Nadatnan ko ang mansion nilang walang ilaw lahat ng palapag at mukhang tahimik. 'Wag n'yong sabihin na wala rito ang pamilya Nase.

"Tao po?" Katok ko sa wooden gate nila pagkababa ko ng sasakyan.

Walang sumagot. Kumatok ako ulit ng isang beses.

"Teka, saglit!" Ibang boses ang sumagot sa katok ko. Ilang saglit pa, umingit ang gate at bumungad sa akin ang isang matandang babae na nakasuot ng pang-kasambahay na uniform.

Nanlaki bigla ang mga mata n'ya.

"Ay, sus! Napaka-gwapong bata naman nito! Bakit ka narito, hijo? Sino ang hanap mo?" Magiliw n'yang tanong.

At dahil pinuri n'ya ako, ngumiti ako ng malawak at para na rin maalis ang kaba sa loob ko.

"Ahh..si Sejun po. Nand'yan po ba s'ya?" Luminga pa ako sa likod n'ya.

"Huh? Sejun?" Tila naguguluhan n'yang tanong.

"Si---"

"Ahh! Si Paulo ba? Naku! Wala sila rito. Pati 'yung mga kapatid n'ya. 'Yung amo ko naman umalis saglit, hindi ko alam kung saan pumunta."

Tuluyan nang lumaglag ang panga ko at tumodong kabog ang dibdib habang naririnig ko ang turan ng matanda. Bakit wala si Sejun sa bahay nila?

"Tara, pasok ka. Kain tayo ng hapunan, nakahanda na, eh. Biglaang umalis ang mga amo ko." Iginiya n'ya ako papasok at para akong hangin na lumumlutang lang din.

Sa sobrang tahimik ng bahay, narinig ang pagkulo ng tiyan ko na ikinatawa n'ya. Oo, gutom na ako pero nangingibabaw ang takot at kaba ko kay Sejun.

Sapat na ang 'wala sila rito' na sagot n'ya para lalo akong kabahan.

Pagpasok namin sa dining room, napuno ang tainga ko ng musika at kalansing ulit ng mga kubyertos. Napansin ko rin ang iba pang katulong na kumakain sa hapag.

Nilibang ko na lang ang sarili ko rito habang nakikipagdaldalan sa kanila.

"Ano ang pangalan mo, hijo?" tanong ng isang matandang lalaki na sa tingin ko ay company driver nila.

"Justin po. Justin de Dios," magalang kong sagot at muling ngumiti. Nabawi ko kaagad ito nang yumuko ako.

"Ilang taon ka na?"

"Magni-nineteen po next month," sagot ko sa isa.

"Ay, talaga? Advance happy birthday! Naku, matanda pa pala si Sejun sa'yo."

"Hehe, oo nga po, eh."

"Paano kayo naging mag-kaibigan 'gayong ang layo ng edad n'yo?"

Napangiti ako at kahit papaano, nawala ang kabang nararamdaman ko.

"Nag-on the job training po ako sa company nila at editor. Doon ko po s'ya nakilala kasi magkatabi lang kami ng cubicle. Hanggang sa naging close po kami. Last year lang po 'yun."

Last year lang pero grabe na ang attachment namin sa isa't isa. S'ya na rin ang pinaka-close kong kaibigan sa lahat ng circle of friends ko. Sa kan'ya na rin ako nagsasabi ng problema kaya masasabi kong s'ya ang best of bestfriends ko.

"Ang galing naman! Hindi ko alam na may kaibigan 'yang si Paulo. Lagi kasing bahay at trabaho lang s'ya. Hindi ko nga 'ata s'ya nakitang umuwi nang lasing, eh."

"Hindi po s'ya umiinom," sabat ko na ikinangiti naming lahat.

Nagpatuloy lang ang usapan hanggang sa napunta na sa akin ang mga tanong. Sinagot ko naman ito hanggang sa kaya ko.

Isang oras na ang nakalipas at wala pa ring umuuwing Nase sa bahay nila. Nakatambay na ako ngayon sa loob ng kotse at nag-iintay pa rin ng tawag n'ya.

Dead-batt ang phone n'ya at out of the coverage area rin. Wala na akong pag-asa at ayoko rin namang tawagan ang mga magulang n'ya dahil baka mag-aalala sila.

9:30 PM nang makatanggap ako ng tawag mula kay Kuya. Tinatanong n'ya kung kumusta na ako at kung nahanap ko na raw ba si Sejun. Bigo akong sumagot sa kan'ya at tanging buntong-hininga lang ang naibigay n'ya.

Hanggang sa nakatulog na ako at hindi ko na namalayan ang oras. Mataas na ang araw nang magising ako.

Nagpalipas ako ng hatinggabi sa loob ng kotse na nakabukas ang makina at naka-aircon. Sayang!

9:00 AM nang muling nag-ingay ang telepono ko at lumabas ang unregistered na phone number. Umayos ako ng upo at tumikhim pa para magboses presentable pa kahit papapikit na.

"Hello?"

[Hello, si Justin ba ito?]

Boses ng lalaki ang sumagot.

"Ahh, yes. Justin de Dios. Bakit po?"

[Related ka ba kay Sejun? John Paulo Nase? Tama ba?]

Nagliwanag ang mukha ko at nabuhayan ng loob nang marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko.

"Opo. Kaibigan ko po si Sejun? Alam n'yo po ba kung...nasaan s'ya?"

[Kasama namin s'ya. Actually, sa phone n'ya galing itong number mo kaya nakuha ko. I'll text you the address na lang para mapuntahan mo and I explain everything to you kapag nakarating ka na rito. Ingat ka.]

Hindi na ako nakasagot nang bigla n'yang ibaba ang linya. Hindi na sana ako maniniwala sa kan'ya nang makita ko ang sinend n'yang picture ni Sejun na nakaupo sa sofa.

"The destination is 5 KM away from here..." boses ng Waze na magbibigay ng direksyon sa akin papunta kay Sejun.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now