19. Sandro

15 7 0
                                    

Chapter 19

Tatlong araw na ang lumipas matapos ang kababalaghang nangyari sa pagitan namin ni Josefa nung nakaraan. At pagkatapos non ay hindi na siya muli pang nagpakita na siya namang ikinatuwa ko. Dahil habang wala siya, mas naging mabilis ang paggaling ng katawan ko at ang pagkontrol ko rito.

Mula kanina ay nakakapaglakad-lakad na ako sa kwartong ito. Medyo mabagal man ang pagkilos ko ngunit mas mabuti na ito kesa sa nakaratay lang ako sa kama.

Isa pa pala...

Napag-isip isip ko ang mga bagay na nalaman ko kay Josefa na siyang nagpagulo ng isipan ko nung nakaraang mga araw. Pero ngayon, tila ba'y malinaw na sakin ang lahat.

Si Josefa ay masasabi kong kapatid ko base sa mga ebidensiyang pinakita niya. Pero ang pinagtataka ko, wala akong maalala na may kapatid ako noon.

Labintatlong taong gulang ako nung dinukot ako at tanda ko parin ang mukha ng mga magulang ko. At masasabi kong ang tinutukoy na ina ni Josefa at ang ina ko sa aking alaala ay iisa. Subalit bakit ganon? Base sa kwento ni Josefa ay masama ang aming ina pero sa alaala ko naman, maari ngang walang pakielam sakin ang aking ina ngunit alam kong hindi siya isang demonyo katulad ng sinasabi ni Josefa.

Naalala ko ring sinabi ni Josefa na ito ang dahilan kung bakit ganoon ang nangyari sa kaniya ngayon. Kung bakit ang tingin sa kaniya ng nga tao ay isang baliw.

Baliw...

Ano bang ginawa ng aming ina para magkaganon si Josefa?

Bakit tila isa na siyang baliw?

Nanindig ang balahibo ko nung maalala ko ang tatlong klase ng mukha na nasaksihan ko kay Josefa.

Isang animo'y baliw at may obsesyon sa paghihiganti sa kaniyang ina. Isang animo'y bersyon ni Martina na walang ibang gustong gawin kundi ang ngumisi at manakit ng ibang tao. At sa huli, ang isang mukha na animo'y walang emosyon dahil sa lamig ng pagtitig ng mga nito.

Ano ba talaga ang nangyari kay Josefa?

"Good morning. Ikaw ba si Demetria?"

Gulat na napalingon ako sa bandang nakaawang na pinto matapos kong marinig na may nagsalita roon. Hindi narin ako nagulat pa nung makita may tao roon at animo'y nakasilip lang sa bandang pinto.

"Sino ka?" kunot noong tanong ko rito tsaka ako pumunta sa harap ng pinto.

Doon ay tuluyan kong binuksan ang pinto dahilan para makita ko ang isang lalakeng nakasuot ng doctor's robe at ngayo'y maayos ng nakatayo at nakangiting nakatingin sakin.

"Hi! I'm Sandro Lavigne. Isa akong doctor at matalik na kaibigan ako ng ate mo."

Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Pagkatapos ay mabilis akong napahawak sa pinto para sana'y isara iyon pero agad din iyong naharang nung Sandro gamit ang kaliwang braso nito.

" Wag kang ganyan, p'wede? " natatawang sabi nito bago unti-unting tinulak ang pinto na siyang dumaig sa lakas ko lalo pa't di pa ako tuluyang malakas para kontrahin siya. "Masyado kang nagmamadali para pagsarhan ako ng pinto. Gusto ko lang naman makilala ang sinasabi ni Josefa na kapatid niya." anito bago tuluyang pumasok ng kwartong pinaglalagian ko.

"Mukhang maayos na ang kalagayan mo ah?" sabi nito matapos nitong umupo sa isang sofa malapit sa kama ko. "Swerte mo at si Josefa ang nag-alaga sayo." dagdag pa nito dahilan kaharapin ko siya habang masama ang tingin dito.

"Ano bang kailangan mo?"

Kumikit-balikat ito. "Titignan ko lang sana kung may pagkakapareha ba kayo ni Josefa, tutal magkapatid naman kayo. At sa nakikita ko ngayon, mukhang totoo ngang magkapatid kayo. Pareho kasi kayong masama kung tumingin eh." anito bago ito humalakhak.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may hinagis ito papunta sa direksyon ko dahilan para mabilis akong mapagalaw ng katawan ko pakaliwa. Pero dahil sa sunod-sunod ang naging paghagis niya ng mga bagay na siya palang mga jollen ay sunod-sunod din ang naging paggamit ko ng lakas dahilan para hingalin ako matapos lang ng ilang segundo. Mahina pa ang katawan ko at hindi pa nito kaya ang mga malalaking paggalaw. Kaya nama'y ang huling hinagis nitong jollen ay hindi ko na maiwasan kaya agad ito tumama sa braso ko na siyang nagpaatras sa akin ng ilang hakbang.

Nanlalaki ang mga matang napatitig ako rito matapos ang nangyari.

Isang jollen lang ang tumama sa braso ko pero ilang hakbang ang inatras ko dahil sa sakit ng pwersa ng lakas nito.

Sino 'tong taong to? Bakit ganon siya kalakas?

"Hmm." kinapa nito ang baba nito habang nakangiting nakatingin parin sakin. Maya-maya pa'y may kung anong kumislap sa mga mata nito. "Mabuti naman at mukhang normal ka parin sa pisikal at mental na hugis." anito tsaka tumayo at dahan-dahang humakbang papunta sa direksyon ko.

Sandali akong napaatras nung makita kong unti-unti itong lumalapit sakin. Pero agad ko rin iyong tinigil dahil may pakiramdam ako na hindi ako nito sasaktan.

"Tatlong taon kong hindi nakasama si Josefa dahil sayo, alam mo ba yun?" nakangiting sabi nito tsaka hinawakan ng kanang kamay nito ang kaliwang braso ko na tinamaan ng jollen kanina. Pagkatapos ay madiin nitong pinisil ang braso ko dahilan para itulak ko siya sa sakit. Pero simpleng hinawakan lang ng kaliwang kamay nito ang kanang kamay ko na sanay tutulak sa kaniya. "Kaya kung pwede lang, bago ka mag-isip ng mga bagay-bagay..." tumigil ito at animo'y nag-isip ng karugtong sa sinasabi niya. "bagay-bagay katulad ng kung papaanong niloko ka ng taong nakasama mo ng tatlong taon, isipin mo rin sana muna kung talaga nga bang niloko ka lang niya. Isipin mo kung talaga bang ang lokohin ka lang ang pakay niya." unti-unti nitong binitawan ang braso ko. Pagkatapos ay mahina nito iyong tinapik." Isipin mong mabuti, Demetria. Sa nakalipas na tatlong taon, bakit kaya nung mga panahong wala kang kasama ay nasa tabi ka niya? Bakit nung mga panahong napapahamak ka ay dumarating kaagad siya? Hindi mo nakilalang mabuti ang ate mo dahil maaga siyang nilayo sayo noon. Pero ikaw, nakilala ka niya at naalagaan noong bata ka pa. Marahil ay wala ka pang muwang noon kaya hindi mo maalala pero ikaw, tandang-tanda ka pa niya. Kaya't kahit ngayong ganon na ang pagkatao niya, di niya parin maiwasang hanap-hanapin ka, Demetria. Kaya sana lang... Sana lang ay kilalanin mo muna siyang mabuti bago kang magalit sa kaniya ng gan'yan. Dahil ang taong kinaaayawan mo ngayon?" nawala ang ngiti nito sa mga labi." Ang taong kinaaayawan mo ngayon ay ang siyang dahilan kung bakit mo natatamasa ang sinasabi mong kalayaan sa nakalipas na tatlong taon."

Umatras ito papalayo sakin at sandaling pumikit. At sa pagmulat nitong muli ng kaniyang mga mata ay muli itong ngumiti na siyang kinakitaan ko ng pinaghalong lungkot at animo'y pagtitimpi ng galit.

"Masyado ng maraming pinagdaanang hirap si Josefa, Demetria. Kaya sana lang ay huwag ka ng dumagdag pa." huling habilin nito bago ito tahimik na umalis ng k'wartong iyon.

Samantala, ako nama'y tahimik lang din na napatungo sa may bintana. Doon, sinilip ko ang kanina'y madilim na kalangitan na ngayo'y unti-unti ng nawawala at napapalitan ng paglitaw ng araw.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Marahil nga ay di ko pa talagang kilala ang taong nakasama ko sa loob ng tatlong taon.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon