3 days. 3 days na ang nakakalipas simula nung sinabi niya saking.. 

"Hindi kasi tama kung lahat ng atensyon ko ibibigay ko sayo, may girlfriend na ako. I think its better kung tatapusin na natin 'tong friendship natin. Para maging masaya na tayo."




Hanggang ngayon gumugulo parin yan sa isipan ko, at hanggang ngayon hindi parin ako pumapasok. Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin. Masyado akong naapektuhan sa nangyari, eh wala namang kami.

Masaya naman talaga ako para sa kanila ni Megan eh, pero siguro mas masaya ako kung para SAMIN.

SHIT. Eto na naman ako, ayoko na. Kailangan ko na talagang i-let go si DJ. Oo na, kahit walang kami, hirap na hirap akong mag-let go. Mahal ko siya eh. Sobra.

Hindi rin ako pumapayag na may pumasok sa kwarto ko. Kahit bisita pa. Kahit na sina Julia at sila Kats, hindi ko sila pinapayagang makita ako. Ayokong makita nila ako ng ganito, gusto ko pag nagkita-kita ulit kami, okay na ako. Masaya na ako.

135 messages. 95 missed calls.

Kalahati niyan puro si JC. Ni-isang message galing kay DJ wala. Siguro nga, its better kung tapusin na lang namin yung pagiging magkaibigan namin.

Pero hindi eh. Hindi yun madali para sakin.

*TOK TOK*

"Si mama 'to, kath." Rinig kong sabi ni Mama galing sa labas.

Tumayo ako at inayos ko yung sarili ko. Pumunta ako sa harap ng pintuan at huminga ng malalim.

And then I opened the door. "Hi ma!" Sambit ko.

She looked at me. Yung mga mata niyang awang-awa. Ayoko. Naiinis ako. "MAAAA!" Sigaw ko.

Hindi niya ako pinansin, tuloy tuloy lang siyang pumasok sa kwarto ko.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!