Chapter 16: Back to Normal
A/N: Yung mga naka-bold sentences, exchanged of text messages nina George and Ken. Okay? Sa mga naka-mobile, di yun mag-aappear as naka-bold (dunno why). Peron aka-indicate naman dun kung text yon or what. Okay? Enjoy this one! VOTE na din if you think this story/chapter deserves it.
George's POV...
Tapos na ang two weeks leave na ni-file ko. Balik-trabaho na naman ako.
Ayoko pang bumalik sa trabaho, mas gusto kong makasama ang babe ko.
Kaso hindi pwedeng magfile pa ako ng another leave, baka mawalan na ako ng trabaho.
Architecture is my life too, so I have to bear the longing. Kaya ko to, kaya namin to ni Ken.
"George! Welcome back, yii ok ka na ba ha?" Inah exclaimed and hugged me.
"Oo naman, ok na ok na," sagot ko.
"By the way, I saw you at the mall last Friday. Uy, I saw you with a handsome guy. Your new boyfriend?" she asked.
"My former boyfriend and now, my current boyfriend. He's Ken Arellano, the one I told you before," I smiled at her.
"Oh my, glad to hear that. You owe me kwento Georgina. Bruha ka, di mo man lang tinext at binalitaan agad," pagtatampo niya.
Alam niya yung history namen ni Ken, pero never pa niyang nakita sa picture or personal. Hihi.
Ang landi nito, kinilig pa sa kagwapuhan ng babe ko.
Kinwento ko na sa kanya yung balikan namen ni Ken. Naluha pa ang bruha, kawawa naman daw si Ken.
Kawawa naman daw kaming dalawa. Hiniling pa nga niyang sana wag na kaming magkahiwalay pa kasi halatang-halata daw sa mukha ko ang kasiyahan sa pilig ni Ken.
"So, kelan ang kasal?" bigla niyang tanong. Ipinagsigawan pa talaga niya sa buong office yun ah?
Narinig tuloy nang mga ibang nagtatrabaho. Pinagtinginan tuloy ako at tinatapunan ng ngiti at pagbati.
Kainis talaga tong si Inah kahit kailan. Ano na lang isasagot ko? Eh di pa naman namin napag-uusapan ni babe ang kasal.
Tsaka kakabalikan lang namin no. Sobrang bilis naman kung kasalan na agad ang aatupagin namin.
Nginitian ko na lang sila lahat. At napadapo ang mga mata ko kay Angelo na kadarating lang.
Narinig ba niya? Naku, ito pala ang problema ko ngayon. Paano ko sasabihin sa kanya?
Sabagay, wala namang namamagitan sa aming dalawa. Siya lang naman tong nagpupumilit na manligaw kahit ilang beses ko nang binasted.
Kaso ang bait niyang tao at napakalaki ng respeto niya sa akin bilang babae at katrabaho. So, paano ko sasabihin sa kanyang may boyfriend na ako?
Kahit naman sabihin ko nang mahinahon, hindi naman mababawasan yung sakit. Pareho lang din nung pagsasabi ng biglaan di ba?
Bahala na, bahala na si Batman. Alam ko maiintindihan naman niya ako, mabait si Angelo.
Nagtrabaho na lang ulit ako. Nag-focus sa mga tambak na trabahong nasa desk ko.
Ang dami, grabe paano ko matatapos ang lahat ng to? Idagdag pa ang blueprint na gagawin ko para kay babe.
Sa condo ko na lang gagawin yun. Tsaka hindi pa naman namin napag-uusapan ang gusto niya, so weekends na lang siguro yun.
Nakalahati ko din ang pending works nang saktong lunchbreak.
BINABASA MO ANG
Just Love Me Again ~HyunZy Story
General FictionWARNING: **There are sexual scenes and explicit languages in some chapters that may not be suitable for your liking. If you happened to hate such themes on stories you read, might as well back off now for you're in the great doom of your life-- taki...
